Nagsimulang maglaban ang dalawang nilalang na ito, ang isang nakasuot ng kulay asul na roba laban sa isang di pa kilalang persona na balot na balot ang katawan nito ng itim na tela maging ng kasuotan nitong kulay itim na roba. Binato ng mabilis ng nakaitim na roba ang mismong nakaasul na roba ng tatlo hawak nitong kunai. Hindi naman nagpagapi ang asul na roba at agad itong napaatras sa kaniyang pwesto sa pamamagitan ng pag-alis nito sa kinaroroonan niya kanina. BANG! BANG! BANG! Tunog ito ng pagsabog ng sementadong parte ng daanang ito sa maliit na bangketa kung saan malapit lamang sila kanina. Sumugod naman ng mabilis ang nakaasul na roba na martial artist habang nakalahad sa kamay nito ang kaniyang sariling sandatang espada na nakatutok mismo sa itim na roba. Napakabilis ng pangya

