Matapos na masagot ang tanong ng batang si Li Xiaolong at ni Li Jianxin ay napag-isip-isip nila ang mga nangyari na tama nga ang sinasabi ng lalaking si Night Spider lalo na sa sinabi nito sa batang si Li Xiaolong. Tunay ngang napakatuso at maraming barahang nakatago sa bulsa ang mga Assasins at ang taktika nila o estratehiya nila ang magpapataob sa laban. Ngunit sa nakikitang pamamaraan at talino ng nakaasul na roba ay tiyak na hindi uubra ang kahit anong tricks niya rito. Maaari ngang mapatay o mapaslang siya ng nasabing nakasuot ng asul na roba. Masasabi rin ng batang si Li Xiaolong na halos dikit ang laban ng mga ito ngunit napakatuso talaga ng ginamit na taktika ng balot na balot ng itim na kasuotan at tela ang assasin na iyon ngunit epektibo ang pamamaraan nito sa pag-iwas at paglayo

