Hahaha... Hindi naman iyon malulugi o ikalulugi ng bawat mga kaharian dahil mayroong tinatawag na tax o buwis na binabayaran ang mga iba't ibang sektor lalo na ng mga Sect, mga negosyante, mga auction houses, mga maharlikang mga pamilya, mga maliliit o malalaking tribo at mga angkan at marami pang iba nang sa ganon ay hindi lamang ang paaralan ang pinagkakagastusan nito maging ang mismong kaharian at mga taong nangnagailangan ng tulong." Seryosong pagpapaliwanag ng lalaking si Night Spider habang makikita ang labis na pagtataka sa mukha ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing matalino din ang batang ito ngunit sa hirap ng buhay ng angkan ng mga Li at pili lamang ang maaaring matuto sa kanila lalo pa't kapos ang kanilang mga resources. "Pagpasensyahan mo na siya Ginoong Spider. Alam

