"Hala, dito ko lang pala naiwan ang aking gamit sa pagmimina. Akala ko pa naman kung saan ko ito tinago." Nahihiyang sambit ng batang si Li Xiaolong kung saan ay tila hindi niyam atandaan kung nasaan na siya nakaabot sa pagmimina niya rito. "Hahaha... Tiango ba talaga o isa lang burara. Kung saan-saan ba naman ilagay kung saan ang gamit tapos sasabihin mong naiwan lang basta-basta?! Sure ka?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikitang napacross arm pa ang nasabing maliit na nilalang na ito. "Okay, di talaga ako tinatago ang mga gamit ko sa pagmimina at iniiwan ko nalang basta-basta sa huling pupuntahan ko. Happy?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita na tila nagsasabi ito ng totoo. "Mabuti at marunong kang alamin ang kasalanan mo batang Xiaolong. Alam mo bang

