Inabot ng ilang oras ang binatang si Van Grego sa kaniyang pagmimina ng hindi niya namamalayan. Masasabi niyang maswerte siya ngayong araw dahil mayroon siyang tatlong Top Grade Blood Gem Crystals na ang presyo nito ay napakataas. Kung di naman ibebenta ay pwede itong gamitin ng mga Xiantian Realm Expert sa loob ng labinglimang araw. Mas marami itong enerhiya kumpara sa mga mabaang uri ng grado ng Blood Gem Crystals. Ang Blood Gem Crystal kasi ay napakaliit lamang sizes ng mga ito at masasabing kapag mas maliit na Blood Gem Crystal ay mas puro ang enerhiyang nasa loob nito. Kapag medyo may kalakihan kasi ay nangangahulugan na hjndi gaanong puro at compressed ang enerhiyang nasa loob nito. Habang mayroon naman siyang labing-isang High Grade Blood Gem Crystals. Masasabi niyang napakaswert

