"Bakit ko naman gagawin yun Fai?! Pwede mo bang sabihin sakin ng diretso. Masyadong malalim ang sinasabi mong mga salita." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang naguguluhan na ito sa sinasabi ng nagsasalitang quoll na si Fai. "Ang nais ko lang sabihin batang Xiaolong ay kailangan mong pigilan ang nagbabadyang panganib sa Li Clan at sa iba pang angkan na nakatira rito sa buong Green Valley. Alam mo naman siguro na namatay na ang Ibang mga Clan Chief. Mabuti na lamang at buhay ang Clan Chief ng Li Clan kung hindi ay tuluyan ng madi-dissolve ang mga angkan ng Green Valley. Liban lamang sa tatlo pang angkan ay sobrang hina na ng Li Clan sa totoo lang lalo na kung gigipitin sila ng mga opisyales ng Sky Flame Kingdom ay wala kaying laban." Makahulugang sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai h

