Agad namang nanlaki ang mata ng batang si Li Xiaolong mang makita niya ang tumpok ng Blood Gem Crystals na nasa lupa. "Hahaha... Limang Low Grade Blood Gem Crystals?! Nagpapatawa ka ba Fai. Paano yan, talo ka hehehe..." Nakangiting asong sambit ng batang si Li Xiaolong habang sinasambit nito ang mga katagang ito. Minsan lang naman siya mang-asar kaya lulubusin niya na. "Hmmmp! Ang kapal mo din batang Xiaolong. Yan lang yung nakuha ko sa ilalim ng lupa eh. Ang hirap kayang dalhin ang mga iyan huhu." Sambit ng nagsasalitang quoll na tila nakabusangot. "Hoy Fai, pagbigyan mo na ko. Minsan lang ako mang-asar eh hahaha... Tsaka kaya mo palang pumunta sa kailaliman ng lupa. Ngipin mo ba ang ginamit mo?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nasa maayos na ang kaniyang sariling ekspresyon sa

