Maya-maya pa natigil ang pag-uusap ng nagsasalitang Quoll na si Fai at ng batang si Li Xiaolong nangapansin nila ang biglang pagbulwak at animo'y pagkulo ng napakapulang tubig. "Bata, lubhang napakadelikado ng sa atin kung dito tayo pupwesto. Dapat ay nasa malayo tayong lugar baka bigla na lamang tayong atakehin ng mga nilalang sa ilalim ng katubigang iyan." Suhestiyon ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba hindi ito komportable sa kasalukuyan nilang pwesto at distansya sa nasabing b****y Gem River. "Ano ka ba naman Fai, wag kang mag-alala, hindi tayo mabibiktima ng mga nilalang na nasa ilalim ng b****y Gem River. Isa lamang silang nilalang na tanging instinct lamang ang gumagana sa mga ito at natural behavior lamang ang kanilang ginagawa." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakan

