"Matanong ko nga bata. Siguradong alam mo na ang Late Stsge Xiantian Realm Expert lamang ang makaka-condense ng Xantian Needle ng isang piraso pero paano naging posibleng makagawa ka nito. Wag mo kong lokohin bata dahil alam kong alam mo ang bagay na ito." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tingin ba ng batang si Li Xiaolong na ito ay makakatakas siya sa malakas niyang obserbasyon lalo na sa kaniyang matalas na paningin. "At alam mo rin na hindi lamang Late Stage Xiantian Realm Expert ang makakagawa ng Xiantian Needle hindi ba?! Kahit ang Early Xiantian Realm Expert ay maaaring makagawa ng ganitong klaseng Xiantian Needle." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakalutang sa ibabaw ng kaniyang sariling palad ang nasabing Xiantian Needle na kulay pula. "Hahahaha... Tama ka bata, m

