"Ano pa nga ba ang nangyayari. Ginusto nila ng g**o, edi bigyan ng gulong ninanais nila. Uunahin kong burahin ang Sky Ice Kingdom sunod ang Hollow Earth Kingdom Sunod ang Sky Flame Kingdom siyempre buburahin ko din ang Wind Fury Kingdom!" Sambit ng batang si Li Xiaolong. "Nagbibiro ka lang batang Xiaolong diba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai na nasa uluhan ng batang si Li Xiaolong. Ngunit hindi na siya sinagot ng batang si Li Xiaolong kung saan ay mabilis na tiningnan nito ang kaniyang Xiantian Needle sa kamay. Bigla na lamang lumitaw pa ang ang dalawa pang bagay sa kamay nito. "Tatlong Xiantian Needle?! Kaya pala..." Tila napasinghap ng malakas ang nagsasalitang Quoll na si Fai sa kaniyang nasaksihan. Ngayon ay alam niya na kung bakit nging posible ang lahat ng bagay na ito

