GRRROOOOWWLLL!!!!!! Mabilis na naagaw ng atensyon ng Giant Red Armoured Crab ang atensyon nina Li Xiaolong at ang nagsasalitang Quoll na si Fai sa pamamagitan ng pag-atungal nito ng malakas. Tila ba hindi makapaniwala sa kanilang nakikita ang batang si Li Xiaolong at si Fai sa kanilang nasaksihan dahil tumalon muli ng malakas ang halimaw papunta sa direksyon ng batang si Li Xiaolong. "Hmmmp! Napakarahas at agresibo ng halimaw na ito hmmp!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Pansin niyang hindi siya aatakehin ng halimaw na ito o pakay dahil balak lamang siya nitong pisain. Malapit na siyang daganan at pisain ng nasabing halimaw na Giant Red Armoured Crab kung saan ay ang bigat nito ay inilalagay o nakalagay mismo sa lower part ng ka

