“DRIX, hello? Nasaan ka ba ang ingay?!” iritado kong bungad kay Clavel noong tinawagan ko siya after kong makatapos sa trabaho ko. “Darling,” dinig ko namang sambit n’ya pero ang gulo lang ng sa background nakakabingi lang naman. “Nasaan ka nga? Umalis ka nga muna d’yan! Nabibingi na ako sa ingay, Clavel, hindi na nakakatuwa!” iritado ko na namang tugon at narinig ko pa nga ang pagtawa n’ya, gunggung din talaga. Ilang saglit pa noong tumahimik na ‘yong background. “Buti naman at naisipan mong maghanap ng lugar na may katahimikan, ano?” pabalang kong bungad. “Oh, sorry na, mainit na naman ang puso mo sa kin. Nagkayayaan kasi sila Jessie kaya napasama na ako, nag-text ako, ah, hindi mo nabasa?” aniya kaya agad kong inilayo ang phone ko sa tenga ko para tignan ang messages at meron nga.

