bc

Sinumpaang Sumpa

book_age18+
467
FOLLOW
1.7K
READ
friends to lovers
curse
city
sassy
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Buo ang loob ni Bearlene Echavez na hindi niya hahayaan ang sariling mahulog sa kahit na sino mang lalaki. Determinado siya na kaya n’yang mabuhay kahit ang sarili lang ang makakasangga sa habang panahon, na hindi siya tutulad sa kan’yang mga magulang at sa iba nilang kapamilya na matapos magtangkang ilaban ang pagmamahalan ay mauuwi pa rin naman sa dilubyo o hiwalayan.

Ngunit ang paghihiwalay ng mga magulang n’ya ay hindi pa pala ang wakas ng lahat dahil mas darami pa ang magiging suliranin na kahaharapin ni Bearlene. Ang paghihiwalay na mas lalong magpapahina sa kan’yang ina upang lumaban sa sakit — dilated cardiomyopathy. Ang hiwalayang magpapalambot pala sa puso n’yang inaakalang hindi na iibig kahit kailan.

Matatapos pa kaya o ‘di naman ay habambuhay nang mananarasa ang — sinumpaang sumpa ng pamilyang Echavez?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
           “PARA buksan na nang tuluyan ang ating taonang larong bayan! Let us all welcome the very dynamic, ang ina ng ating bayan, Mayora Hermosa Echavez!” pag-aanunsiyo ng emcee sa mikropono na sinuklian naman ng hiyawan, pagsipol at palakpakan lalo na nang tumayo na si Mameng Herms mula sa pagkaka-upo sa harapan ng entablado.             Gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha ng aking lola habang naglalakad ito patungong mikropono at mas lalo pa ngang lumakas ang kantiyawan sa paligid. May ibang nagagalak at hinihiyaw pa ang pangalan ni mameng.             “Mayora! Mayora! Mayora!” hiyaw ng aming mga kababayan na nakaabang sa baba ng entablado. Merong tumayo na at lumulundag-lundag pa habang ang halos kalahating porsiyento naman ay nanatiling naka-upo sa benches ng covered court na malapit sa San Ramon City Hall.             “Maraming salamat, salamat,” panimula ng aking lola habang ako ay nanatiling nakatayo sa may pintuan ng backstage. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko si mameng at ang bulto ng mga taong nasa loob at labas ng court. Sinamahan ko kasi ang lola habang sina mommy ay naghahanda ng pagkain sa city hall.             “Nagagalak ako na sa muli ay dumating na ang oras na magsasama-sama na naman tayong lahat at magsasaya. Isang beses lamang sa isang taon nangyayari ang ganitong pistang bayan kung kaya’t pinaghandaan ng munisipyo ang pagdating ng araw na ito upang mas gawing makabuluhan, mas masaya at mas nakawiwili ang pagsasaluhan nating pistang bayan! Hindi ko na hahabaan pa ang aking mga sasabihin lalo at magtatanghalian na. Alam kong gutom na ang lahat, tama ba?” tanong ni mameng na nagpatawa sa lahat at siya ring nagpapuno ng bulungan sa loob ng covered court. Alam na! Kahit nga naman ako’y gutom na rin.             Bago kasi ang programang ito ay nag-motorcade muna sina mameng na dahilan kung bakit maaga pa kaming lahat sa bahay na gumising at naghanda. Taon-taon kasing namimigay ang municipal officials ng mga libreng t-shirt, tuwalywa, sombrero o kung ano-ano pang memorabilia para sa pista ng Señior San Ramon.             “Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Nawa ay mapuno na naman ng saya at kaluwalhatian ang pista ngayong taon! Maligayang pista ng Señior San Ramon de Nonato! Señior San Ramon de Nonato, bless us all!” pagkatapos ihiyaw iyon ni mameng ay sabay-sabay na sumayaw at nagtambol ang banda’t majorettes ng munisipyo. Meron pang pa-fireworks na agad namang sumakop sa kalangitan ng bayan namin.             Nag-umpisang maglakad si mameng pabalik sa mga taong nasa entablado na pawang nakatayo na rin. Nando’n ang vice mayor ng bayan kasama ang mga sangguniang bayan nito. Lalong umingay ang paligid nang umandar ang naglalakihang stereo at nagpatugtug ng mga malalakas na tugtugin.             Habang nakikipagkamay si mameng sa mga panauhing pandangal ay nag-uumpisa na ang mga taong magsidala ng kani-kanilang mga pagkain at ihain iyon sa napakahabang boodle fight na inihanda ng munisipyo. Nawala ang atensiyon ko sa mga taga-San Ramon nang biglang nag-vibrate ang aking phone. Nak, handa na mga pagkain sa opisina ng mameng mo. Tapos na ba?             Text ni Mommy na siyang punong abala sa paghahanda naman nang pagsasaluhan ng mga matataas na opisyales ng bayan.                                                                                             That’s great, mom. Tamang-tama po tapos na rin ang program.                     “Apo!” agad kong inangat ang aking tingin sa direks’yon nang tumawag sa kin.             “Po, mameng?” sagot ko atsaka nagsimulang maglakad patungo sa kan’ya.            Suot ang Balenciaga Ashen Wrap Maxi Dress natinernohan ko pa ng Prada Natural Pointed-Toe Pumps habang bitbit ang Givenchy Black Eros Long Flap Wallet ay malapad akong nakangiti n’ong makalapit ako kay mameng.             “Naka-usap mo na ba ang mommy mo? Ready to go na ba tayo?” tanong n’ya sa kin habang nasa mga bisita pa rin ang mga mata.             “Yes, mameng. Sa katunayan kaka-text lang ni mommy at ready to go na po tayo,” ani ko naman habang ngumingiti sa mga kasama ni mameng.             “That’s good. Let’s go? Para makakain na rin tayo,” anunsiyo ni mameng sa lahat. Kaming dalawa ni Mameng Herms ang naunang naglakad. Pinulupot ni mameng ang kamay n’ya sa kanan kong braso atsaka nagpatuloy sa pag-abante.             “Balita ko sa lola vice mo uuwi sina Hendrix ngayong araw,” nanunukso n’yang saad sabay hinaplos ang kamay ko.             “Mameng naman!” protesta ko pa ngunit tinawanan n’ya lang ‘yon.             Hendrix Clavel, ang apo — no scratch that. Ang paboritong apo ng currently Vice Mayor Eustaquia Clavel, si SuBu. Yes, you read it right, kung may FuBu o f**k buddy ang iba, ako, I have my SuBu, my summer buddy. Tuwing summer lang kasi ang pamilya nila nandito kaya tuwing summer lang din kami nagiging FuBu ng isa’t isa. I considered Hendrix as my childhood best friend. They have their home in Spain kung saan successful ang business ng parents n’ya kaya mas minabuti ng pamilya nila na doon na lang mamalagi habang ang lolo at lola n’ya ay kasama ang iba nilang kamag-anak na nandito nakatira sa San Ramon.             Hindi naman nagtagal ang paglalakad namin mula sa covered court ng city hall hanggang sa office of the mayor. Pinagbuksan kami ng personal security ni mameng at tumambad sa amin ang mahabang lamesa na may iba’t ibang pagkaing nakahanda. Lechon, alimango, sugpo, afritada, chicken cordon bleu, beef steak, at iba’t iba pang masasarap na pagkain.             Nakakatakam naman!             “Pasok kayo, pasok,” sambit ni mameng sa mga kasama n’ya kanina kaya agad akong lumayo mula sa kinatatayuan n’ya upang hayaan siyang mas maayos na maasikaso ang mga bisita at upang makalapit na rin kay mommy na nasa gilid na nakikikamay na rin sa ibang opisyales habang nakasakay sa wheelchair n’ya. Thru the years, mas lalong humihina si mommy, I am afraid that she will not last long.               “Mommy, hindi po ba kayo napagod?” agad kong tanong n’ong makalapit ako sa kinaroroonan n’ya.             Umiling ito sa akin atsaka hinawakan ang aking mga kamay. “Huwag mo akong alalahanin, anak. Ikaw ba? Kamusta? Hindi ka ba napagod na samahan si mama lalo at ang init pa naman ngayon sa labas?” aniya.              Lumapit ako sa harapan n’ya atsaka pumailan-lan upang magka-level kami.             “Ayos lang, mommy. Sanay naman na po ako. Magpagaling ka na po kasi mommy para ikaw naman ulit ang sumama kay mameng,” saad ko pa.             “Hayaan mo, anak. Magpapagaling si mommy malay mo naman next year dalawa na tayong sasama kay mameng mo,” nakangiti naman nitong tugon. Tumayo akong muli at humalik sa noo ni mommy.            Nakakalungkot na makita si mommy na unti-unti nang nanghihina. Kung nandito lang sana si daddy baka mas magkakaroon si mommy ng lakas kaso wala, iniwanan pa nga kami.            “Bearlene, apo! Halika rito salubungin mo ang kababata mong si Hendrix,” pagtatawag sa akin ni mameng.            “Bearlene!” kilalang-kilala ko na ang may-ari ng boses na ‘yan kaya agad akong humarap sa kanila.            “Hendrix, long time no see.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook