Chapter 2

1229 Words
           “LALO kang gumaganda, hija!” salubong agad ng mommy ni Hendrix na si Tita Palestine bago nito unahan si Hendrix na makapunta sa kin at makayakap ako.             “You too, tita. Parang mas lalo ka pong bumabata!” puri ko naman sa kan’ya habang nakikipag-beso na.             “Naku! Bolera talaga ‘tong anak mo, Nikita!” biro pa nito bago binalingan ng atensiyon si mommy na matalik ding kaibigan ni Tita Palestine. Umusog ako para bigyang daan ang muling pagkikita ng magkaibigan nang bigla namang lumapit sa kin si Hendrix na may dala pang flowers.             “Flowers for you,” bulong n’ya. Tinignan ko siya bago ko tinaggap ang nakaayos pang mga bulaklak.             “Thanks. Kailan pa kayo dumating?” tanong ko na.             “Kani-kanina lang, may jetlag pa nga ako,” bakas sa pagtatagalog n’ya ang accent sa Spain, mukhang imported na talaga ‘tong best friend ko s***h SuBu.             “Why didn’t you rest?” dugtong ko pa habang nakangiti sa mga taong dumadaan sa harapan namin.             “It’s fine besides I miss you kaya mas minabuti ko nang pumunta,” napahalukipkip ako sa naging sagot n’ya.             “Wala ka pa ring pinagbago, bolero ka pa rin,” asik ko sa kan’ya. Apo nga ng politiko mabulaklak ang bibig.             “Ikaw din wala ka pa ring pinagbago, ikaw pa rin ‘yong babaeng mahal ko,” seryoso n’yang salita habang nakatitig pa sa aking mga mata. Nagkatitigan kami sandali at nang tinawag kami ay agad na nag-unahan sa paghagilap ng ibang matitignan.             “Bearlene, hija! You too, apo. Umupo na kayo rito at kakain na tayo,” untag sa amin ni lola vice. Kaya ngumisi ako kay Hendrix at agad siyang nilagpasan.             “The moves pa,” mahina kong banggit na tinawanan n’ya lang.             “Kakain na po, lola vice,” sagot ko naman.             Pinaghila ako ng upuan ni Hendrix kaya katabi ko siya ngayon sa kaliwa habang sa kanan naman ay si Tita Palestine.              “Thanks,” ani ko ulit bago maingat na umupo.             “No problem, basta ikaw,” himig pagbibiro n’ya bago hilahin ang sarili nitong upuan na nasa tabi ko.             “Alright! Let’s eat! For a successful fiesta!” Itinaas ni mameng ang wine glass n’ya kaya kinuha naming lahat ang wine glass sa aming harapan at sabay-sabay na itinaas iyon sa ere.             “For a successful fiesta!” sabay-sabay na ani ng lahat.              Tahimik kaming kumakain at ini-enjoy ang mga nakahanda sa hapag nang biglang magsalita si Hendrix.             “How’s life, Bear?” Ginagawa talaga akong uso nitong mokong na ‘to.             “Good. Nasa radio station pa rin ako. Ikaw?” sagot ko gamit ang bahaw kong tinig.             “Wow! That’s great. Same radio station?” tanong naman n’ya.             “Yes, 99.9 Padayon Radio Station / 99.9 Padayon Radio Station,” pareho kaming natawa nang mahina dahil sabay pa naming nabaggit ‘yon.             “Ang tagal na ng radio station na ‘yan, mga bata palang tayo pinapakinggan na natin ‘yan, ‘di ba?” pagbabalik tanaw n’ya bago kinuha ang table napkin at poging-poging ipinahid ‘yon sa bibig.            Gusto ko na lang tuloy maging table napkin.             “Ah oo, mabuti nga napagtiisan nila ako,” biro ko pa.             “Why not! The talent is already there. They will lose a big opportunity kapag t-in-urn down ka nila.” Tumingin ako sa kan’ya atsaka ko siya nginitian biglang tugon.             “Ikaw? Magkuwento ka naman! Kamusta ang Spain?” Hindi ko alam kung bakit ako tens’yonadong kaharap siya pero siguro ay naninibago lang talaga ako sa presensiya na meron siya ngayon.              “Spain is dull without you,” agad akong napa-irap bilang sagot.            “Pwede ba tigil-tigilan mo ako sa kalandian mo, Drix. Kilabutan ka nga!” bugnot ko pa habang nginunguya ang napakabango at napakasarap na balat ng lechon.            “Pfft! Anyways, okay lang naman. Mabuti nga nakauwi kami this year kasi na-busy si mom sa work n’ya. Na-miss ko pa naman ‘tong special alimango ng mom mo,” tumango-tango lang ako bilang tugon.            “By the way, balita ko nililigawan ka raw n’ong anak ng isang konsehal,” untag niya sa kin. Napatigil naman ako sa pagkain ng dessert na sapin-sapin, ibinaba ko ang hawak kong tinidor bago nagsalita.            “Saan mo naman nalaman ‘yan?” pangungusisa ko sa kan’ya.            “Grandma told me,” hindi naman halatang pinu-push nila na kami ang magkatuluyan ano?            “Wala, dati pa ‘yon. Pinatigil ko na. It is just a waste of time,” atubili kong sambit.            “Waste of time? Bakit naman? Ayaw mo bang magka-boyfriend?” usisa na naman n’ya habang hawak-hawak ang tinidor na may tusok-tusok na laman nang paborito niyang alimango.            “Alam mo, Drix. Kumain ka na nga lang d’yan ang dami mong tanong,” bugnot ko na namang tugon.            “Nagtatanong lang naman eh.”            Iyon na ang huli naming pag-uusap na dalawa kasi nabalitaan kong nagbakasyon ang pamilya nila sa Tagaytay. Actually, in-invite pa nga kami kaso hindi naman ako sumama dahil may trabaho ako rito sa radio station.            “Mula  sa  himpilan  ng  katotohanan,  ang  numero unong  pag-asa  ng  bayan na maghahatid  sa  inyo ng  mga  balitang  tapat,  balitang  sapat. Magandang magandang magandang mas maganda ako sa hapon! This is 99.9 Padayon Radio Station at ito ang inyong Mama Chuchay ang mamang mamahalin ninyo sa hapon!” panimula ko na sinundan ko pa nang pagpasok ng kantang Tie Me Down ni Gryffin ft. Elley Duhe.             “Kamusta, San Ramon! Summer na naman at dahil summer na magkakasiyahan na naman dahil sa fiesta ng Señior San Ramon de Nonato! Lamunan na naman ito! Yuhoo!”            Mataas na mataas ang energy kong nagtatalak sa radyo nang mga iba’t ibang pabati, song request at kung ano-ano pa.             “Dear Mama Chuchay, itago n’yo na lamang po ako sa pangalang Bibi ko. Ay sana all! Bibi ko! Ikaw pa rin ang bibi ko, bibi ko. Charot! May problema po ako sa mga marites ng aming baranggay. Tsini-tsismis po kasi nila sa buong barangay na juntis ako at ang ama raw ay isang tikbalang. Ay grabi na ‘yan, mars! Tikbalang pala ang nadali mo! Gandara ka, ghorl! Biro lang,” pabiro kong banat at muli sumeryoso upang ipagpatuloy ang pagbabasa.            “Mama Chuchay, tulungan po ninyo ako, ano pong gagawin ko para malinis ang pangalan ko? Ay naku, naku! Ito talagang mga marites sa gedli napakatitindi, pwede nang ipasok sa Star Cinema at maging story maker. But! Bibi ko huwag kang mag-alala dahil hindi ka bibiguin ni Mama Chuchay at ng programang ito. Hindi matatapos ang hapong ito na hindi namin nasusulosyunan ang iyong problema. Kaya stay tuned, stay alive! Magbabalik ang talk to Mama with Mama Chuchay!”             Tatlong oras ang program ko na nagbibigay ng walang k’wentang mga advice, slight lang naman ang walang k’wenta kasi ang iba ko namang callers ay may sense naman talaga kung mag-advice. Bale kahit sino pwedeng magpadala ng problema nila at babasahin ko on-air then bibigyan ko at ng callers ko ng advice ang nagpadala.             Sasakay na sana ako sa CBR kong motor nang biglang may pumaradang BMW na kotse sa harapan ko.             “Sakay kana, ihahatid na kita,” ani ni Hendrix. Nakauwi na pala ang mokong na ‘to galing Tagaytay.             “Ayaw ko nga! Race na lang tayo, 10,000 ang talo.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD