Third Person’s POV “HOW are you, anak? May ibabalita ka raw sabi ng dad mo?” bungad na sambit ni Palestine sa anak habang pareho nilang kaharap ang kani-kanilang mga laptop. Katabi ni Palestine ang asawa habang pareho silang nasa salas ng kanilang tahanan sa Spain habang katabi naman ni Hendrix ang kan’yang grandma at nasa salas din sila ngayon ng kanilang bahay sa San Ramon. “Ayon na nga po, mom, dad, and grandma kaya ko po kayo ngayon kinausap ng sabay-sabay dahil may ibabalita po ako sa inyong matagal ko ng hinihintay. Ito po ‘yong isa sa pangarap ko, well, except kay Bearlene---” “Ay! Laggam na naman! Ano ba naman ‘yan, anak! Huwag mong sasabihin na nagpro-propose kana?” biro naman ng ina sa kan’ya kaya napamasahe naman si Hendrix ng kan’yang batok.

