SUOT ang isang simpleng outfit na Skims Body Tank, Yeezy Five Pockets Jeans at Balenciaga Knife Spandex Sock Boots naglalakad ako ngayon palabas ng bahay namin. Mabuti na lang talaga at naniwala si mom na magco-commute na lang ako ngayong araw dahil hindi pa nalilinis ang kotse ko at dala naman ni mameng ang driver n’ya. Buti na lang talaga at umayon sa kin lahat. Maaga pa akong umalis dahil nga I need to meet with that Elion Trinidad na sinasabi sa kin noong nagbigay ng tip I hope na kung hindi man siya ay kahit may lead lang o kahit idea lang kung nasaan ang tatay ko. Gusto ko sanang tanungin ‘yong nabigyan ni dad n’ong regalo na dinala n’ya kahapon kung ano na ang mukha ni dad pero I am just restraining myself dahil baka malaman ni mommy at imbes na hindi n’ya pa malaman ang mga pinag

