MAGKASABAY kaming tatlo nina mameng at mommy ngayon na nag-uumagahan at kanina pa ako naghahanap ng tamang pagkakataon na makapag-isip ng paraan para makapagpaalam ako na sasama nga kay Hendrix ngayong umaga ng hindi nila ako mapapagalitan. Tahimik kasi si mameng at halata kong medyo wala siya sa mood lalo na’t nagising siya kanina n’ong makauwi ako at madaling araw na nga. Si mommy naman nagbabasa ng libro kaya tahimik din siya. Gosh. Nakakabingi ang katahimikan. Kinuha ko na nga lang ang phone kong kanina pa nagvi-vibrate. Morning. Darling, susunduin na lang kita ng mga 9 am. ‘Yong suot mo ayusin mo baka naman imbes na manalo kami ay hindi na lang kasi sa daan pa lang iba na ang inaatupag ko. Aalis sina mameng mo at grandma ngayon. May meeting daw sila sa kabilang bayan at gabi pa a

