Third Person’s POV “HEY, everyone! Nakuha ko na ‘yong tickets nating lahat,” masiglang sambit ni Hendrix habang bitbit ang mga plane ticket nila bago siya naupo sa hapagkainan ng mansiyon nila. Isa-isa n’ya ‘yong ibinigay sa mom, dad, lolo, lola at pati na rin kay Vice Mayor Revilla na sasama muna sa Spain para magbakasiyon. “Thanks, apo,” mabilis na sagot ni Mrs. Clavel n’ong matanggap ang plane ticket nilang mag-asawa. “No problem, lola.” “Siya ng pala, son, anong balita kay Bearlene? Akala ko ba sabi mo sasama siya?” tanong ng ama ni Hendrix sa kan’ya. “Actually, dad, susunod. Aayusin daw muna n’ya leave n’ya sa work at maghahanap pa ‘yon ng magma-manage ng boutique bago siya umalis. I don’t know baka i-train n’ya pa o

