NAGKAKAGULO ang mga kasama ko noong lumabas ako galing sa studio. Kung hindi dahil sa nagtutuksuhan sila dahil sa mga regalong natanggap mula sa mga jowa nila ay naghihiyawan naman dahil may mga umaamin na may gusto sa katrabaho. Napapailing na lang ako at nakikitawa sa kanilang lahat pero hindi na ako nagtagal doon sa taas dahil plano ko pang bumisita sa boutique at for sure maraming stocks kami ngayon na nabili dahil kaliwa at kanan ang magreregalo. Hindi lang naman kasi pambabae ang benebenta namin ngayon dahil nag-try din ako kahit kaunti ng mga t-shirt na panlalaki naman. “Happy valentines day, Ma’am Bearlene,” lapit sa kin noong isang staff ng radio station na more on sa office works. Ngumiti naman ako atsaka ko tinanggap ‘yong binibigay n’yang boutique. “Happy valentines day din!

