Third Person’s POV “PERO Mameng Herms, anong nangyari kay Lola Sinang pagkatapos n’yang masaksihan ang ganoon? If I were her, I would be so anxious.”.” “Sino ba naman ang hindi, apo? Kahit naman ganoon si lola ay may puso rin naman siyang mamon tulad nga ng sabi ko si lola ay mabait din namang tao sadyang hindi lamang siya marunong na ilagay sa tama ang kagandahan na meron siya at ang mga atensiyon na natatanggap mula sa iba’t ibang lalaki. Let me continue my story,” sambit ni Mayora Hermosa habang nanatiling nakatingin kay Hendrix na ngayon ay wala pa ring katakot-takot sa kan’yang mukha. Sa likod ng isipan ng mayora ay masaya ito dahil tulad ng kan’yang inaasahan seryoso nga talaga si Hendrix sa mga binibitawan nitong mga salita. “Mabilis na kumalat sa buong bayan ng San Domingo ang n

