“BAKIT kasi ayaw mong subukan, bakit hindi mo kayang sumugal?” Huling tanong na raw pero ang bigat naman kapag sinagot. “Don't worry, darling, just let me hear your answer, and then you'll see that I'll be giving you what you wanted. Kailangan ko lang talaga malaman for my personal contentment, too,” dugtong nito noong matagalan ako sa pagsagot. “Masakit kasi gusto kong subukan pero hindi pwede, ayos na akong nandiyan ka, nasa tabi kita kaysa naman sa sundin ko ang gusto mo, ibigay ko ‘yong pagmamahal na hinihingi mo, pero hindi natin alam kung kailan ko na lang mababalitaan na hindi na pala kita mahahawakan. Hendrix, sorry kung hindi ko kayang sumugal, ayaw kong isugal ang buhay mo.” Iyon na lang ang huli kong nasabi bago ako kusang yumakap sa kan’ya ng mahigpit

