KINABUKASAN, mabilis kong tinungo ang bahay ng mga Clavel without even informing Hendrix na pupunta ako sa kanila. Dahil sa kilala naman na ako ng halos lahat sa bahay nila ay hindi na ako nahirapan na makadire-diretso sa loob at agad kong tinungo ang kuwarto ni Hendrix. Pinihit an doorknob atsaka walang pakundangang pumasok sa kuwarto n’ya. Napaatras na lang ako n’ong makaharap siya sa kin at dahil sa gulat ay nabitawan n’ya ang natitirang saplot ng katawan n’ya, isang towel. Noong makabawi ako ay agad akong tumalikod mula sa kan’ya. “Magbihis ka na muna kaya? Sabihin pa ng iba binubusuhan kita,” kagat labi kong sambit. Hindi ko naman inaasahan na naliligo pala siya! “Pfft! Sarhan mo na lang kaya ang pintuan kaysa tumalikod ka d’yan? As if

