PINAGBUKSAN ako ni Hendrix ng pintuan n’ong mai-park n’ya ng maayos ang kotse n’ya sa harapan ng sementeryo kung saan nakalibing si mommy. Mula n’ong nawalan ako ng malay hindi na ako nakabalik pa rito na hindi ko man lang nakitang maisara nila ang nitso n’ya. “Maghahanap muna ako ng space,” paalam n’ya sa kin. Tumango naman ako bago naglakad papalapit sa nagbebenta ng bulaklak at kandila sa harap. Bumili ako ng dalawang naka-arrange ng bulaklak atsaka isang plastic ng apat na malaking kandila na sinabayan ko na rin ng isang kahon ng posporo. Mag-isa akong naglakad papasok ng sementeryo at may mga nakakasalubong akong mga mangilan-ngilan na binibisita rin ang mahal nila sa buhay. Isang malakas na ingay mula sa bakal na pintuan n’ong museo namin ang suma

