AKMANG sasampalin n’ya n asana ako sa tindi ng galit n’ya sa mga pinagsasabi ko pero agad kong hinawakan ang kaliwa n’yang kamay at mabilis ko siya inunahang sampalin gamit ang kaliwa ko ring kamay na sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko ay napaatras siya mula sa pagkakalapit sa kin. Agad siyang nakabawi at agad sana akong sasampaling muli noong awatin na kami ni Hendrix. “Tama na, Grace!” sambit ni Hendrix habang siya na mismo ang sumalo noong kamay n’yang akmang sasampalin din ako. “He-Hendrix, I can’t believe Bearlene! Sinampal n’ya ako kahit wala naman akong ginawa sa kan’ya. Pumasok lang ako rito to use the comfort room tapos bigla-bigla na lang n’ya akong binulyawan kesyo masyado raw akong pakialamera sa inyong dalawa. I can’t imagine na gan’yan ang ugali ng babaeng mahal mo! Akal

