"Aalis na kayo nang hindi ko pa kayo binabayaran? Ayaw ba ninyo ng pera?" Napatingin ang mga lalaki kay Brent nang lumabas ito habang may hawak na kutsilyo. Ikinikiskis nito ang kutsilyo sa kamay na para bang dinadama ang katulisan nito. "Sir, nakakaawa na ang bata. Kailangan na nating ibalik ito sa mga magulang niya. Kahit hindi mo na kami bayaran. Ayaw rin naming makulong, may mga pamilya kaming kailangang buhayin." Sagot ng isa. Sinamaan naman sila ng tingin ni Brent, saka itinutok nang lalaki sa kanila ang kutsilyong hawak. "Akin na ang bata, hindi niyo siya pwedeng ibalik sa mga taong iyon. Pinaghirapan kong kunin 'yan." Mariin nitong wika. Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kaniya ang mga lalaki, siya? Siya ang naghirap kumuha? Eh naghintay lang naman siya nung andoon sila

