CHAPTER 1
MERIMIE
"Mahaaal!" Sigaw ko sa kawalan ng makita ko na ang boyfriend kong pababa sa escalator. Syempre agaw pansin yung pag sigaw kong 'yon dahil sino ba namang tanga ang sisigaw ng 'mahal' sa airport diba? Ako lang.
Tumakbo ako palapit sa kaniya saka siya niyakap at inamoy-amoy. Umay gooosh! Ang bango ng honey ko.
"Who are you Miss?" Napabitaw ako mula sa pagkaka yakap sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Haha honey naman nakaka tawa ka, ako 'to yung imaginary girlfriend mo. Remember asa panaginip tayo?" Hindi mabasa ang expression sa itchura niya, naka kunot noo itong naka tingin sa 'kin. Hinawakan ko naman ang braso niya. Halatang nag gy-gym siya dahil sa tigas ng muscle niya sa braso.
"Lika na, uwi na tayo." Yaya ko sa kaniya saka kinuha yung mga gamit niyang nag kalat sa lapag. Ay, saan nga pala kami uuwi? Hinawakan naman niya ang mag kabilang braso ko at pinaharap ako sa kaniya.
"Miss kung sino ka man, hindi ako nakikipag biruan sayo. Una sa lahat, hindi kita kilala at lalong lalo na hindi kita girlfriend. At saka ano bang sinasabi mong panaginip lang 'to? Miss tulog pa yata 'yang kaluluwa mo. Paki-gising nga at ng marialize mong hindi ka na nanaginip." Ako naman ngayon ang hindi maipinta ang itchura. Hindi, panaginip lang 'to. Ni hindi ko nga rin alam pa'no ako napunta dito sa airport eh, alangan naman nag teleport ako habang tulog diba? So, ibig sabihin panaginip nga talaga 'to.
"Ano ka ba naman hon, maling-mali ka sa lahat ng sinabi mo. Hindi ako na nanaginip, gising na gising nga ako eh, naka dilat mga mata ko 'di ba? May tulog bang naka dilat? Wala naman 'di ba? Maliban nalang kung gising ka pero nagtutulog-tulugan ka." Sabi ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya. Napasapo naman ako sa batok ko ng makaramdam ako ng hapdi doon. Sinamaan ko naman ng tingin si Maya.
"Hoy! kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." Panenermon nito sa 'kin.
"Hey Miss, ikaw ba ang kaibigan niya?" Tanong naman nung lalaki sa harap ko.
"Yes Sir." Sagot naman ni Maya. Wow, magalang yarn?
"Can you tell to your friend na hindi siya na nanaginip, na hindi ko siya girlfriend or imaginary girlfriend o what-so-ever words pa 'yon. Dahil hindi ko siya kilala pero magugulat nalang akong yayakap siya sa 'kin at tatawagin akong boyfriend niya. Can you tell that to her, dahil hindi siya nakikinig sa 'kin and I need to go." Pagkatapos niyang hakutin lahat ng gamit niya ay umalis na siya.
Hindi makapaniwalang napatingin si Maya sa 'kin, "hayop ka fren, mapapahamak tayo sa kagagawan mo. Wala kang jowa remember? Tapos magugulat nalang akong sisigaw ka ng mahal dyan tas tatakbo at yayakap sa kung sino. Agaw attensyon ka." Hindi ko nalamang siya pinansin sa kakadada niya. Iniisip ko parin kasi yung lalaki kanina.
Sobrang nakaka hiya ka Merimie, naisip mo pa talagang na nanaginip ka. Panenermon naman ng isip ko sa 'kin. Nakaramdam naman ako ng hapdi sa noo ko.
"Ouch fren ah! Ano bang problema mo?" Tinaasan niya ako ng kilay saka nag cross arms pa. Attitude ka ghourl?
"Ako pa talaga may problema sa 'tin? Hoy babae! Baka nakakalimutan mo, pumunta tayo dito sa airport para sunduin boyfriend ko at hindi yung imaginary boyfriend mo." Pag e-emphasize nito sa 'imaginary boyfriend' oo na, gets ko na. Wala na talaga akong jowa.
Naghintay pa kami ng ilang minuto para sa pagdating ng 'boyfriend' niya kunno at paglipas ng 1 2 3 4 5 6 7 8... 10 years ay sa wakas andito na rin yung boyfriend niya.
"Hi babe, how's your flight?" Salubong ni Maya sa kaniya.
"It's fine, how are you?"
"I'm also fine." At dahil sukang-suka na ako sa pagiging PDA ng dalawa ay lumayo layo muna ako sa kanila at ng makapag honeymoon sila. Joke lang.
Nabalik lang ako sa wastong pag-iisip ng kausapin na ako ng bestfriend ko. Tapos na yata sila mag kamustahan.
"Hey buddy, how are you?" Tanong ng boyfriend niya saka ako niyakap.
"Well I'm fine, thank you and you." Sagot ko. May manners parin naman ako kahit papaano.
"Well babe 'yang si Meri may ginawa na namang kabalastugan." Pinandilatan ko naman ng mata si Maya. Nginisian lamang ako nito at mukhang balak ituloy ang sasabihin.
"Ano 'yun?" Curious na tanong ni Miles.
"Haha no worries babe hindi naman 'yon ganon kalala. Tara kain na tayo." Muntikan ko ng mabatukan si Maya sa sobrang kaba ko. Hinila naman niya si Miles sa isang restaurant, malapit dito sa airport.
⁂
"Mag c-cr lang ako," Miles said. Tumango lamang kami ni Maya.
"Swerte mo hindi ko sinabi."
"Letche ka talaga." Inirapan ko naman siya na siyang ikinatawa niya.
"Pero seryoso, paano kung magkita kayo uli nung lalaki na nilandi mo kanina tapos sabihin niyang kasal na pala siya tapos ipakulong ka nung asawa niya. Hala kaaa, mabubulok ka sa bilangguan!" Pananakot nito. Hayop talaga at FYI hindi ko 'yun nilandi na carried away lang ako.
Buti nalang bumalik na agad si Miles kaya sila na nag-usap, while me ito... kain to death kasi libre naman hahaha.
Nang matapos kaming kumain ay naglibot libot muna kami sa pinaka malapit na mall na nakita namin, yung dalawa ang sakit sa mata. Gusto ko na ngang umuwi kaso si Maya gusto pang maglakwatsa. Pinipilit ko ngang umuwi na dahil pagod boyfriend niya dahil sa flight nito pero ang demonyo ayaw patinag, susumbong pa daw ako sa ginawa ko kanina.
Nakakainis, wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kanilang dalawa na masayang kumakain ng ice cream. Meron din naman ako eh, ang mahal kong cookies & cream. nom nom.
Habang busy akong patingin tingin sa paligid ay may isang taong nahagip nang mga mata ko.
Yung lalaki kaninang niyakap ko. Naramdaman ko namang uminit ang pisnge ko, shet nag ba-blush ba ako? Iwinaksi ko nalamang ang namumuong imahinasyon sa ulo ko at nagtuloy sa paglalakad. Baka nagkamali lang ako, baka kamukha niya lang 'yun.
Pero possible naman diba? Ang pogi kaya nun, sobrang pogi. Ang hottie! Sure kang hindi mafia boss 'yon?
Sa mga novels lang naman yung mafia mafia boss na 'yan o baka artista siya, hindi kaya? Pero impossible din. Apakasungit eh! Oh baka CEO siya nang isa sa mga kilalang companya sa buong mundo! Wow possible kaya 'yun? Kasi parang ang yaman niya tignan. The way niya manuot, magsalita, yung mga gamit niyang halatang mamahalin, tas yung relos niya. Parang nakita ko na 'yon somewhere eh... oo Richard Mille! A very expensive watch. Gosh, it cost millions to buy that watch but then that guy have it.
Mukha akong namumulubi, sakit.
Narinig ko naman ang matinis na boses ng kaibigan ko, haist, kelan ba matututong mag tawag ng pangalan 'to na hindi pasigaw? As always pag pangalan ko ang maririnig mo sa kaniya kung hindi galit na pasigaw, sigaw na may kailangan.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, lakas lakas ng boses asa mall kami. Ayan tuloy daming tumingin sa kaniya. Lumapit naman ako sa kanila, na o-op kasi ako pag kasama ko 'tong dalawang 'to. Sila lang naman nag-uusap, parang hangin lang ako dito sa tabi nila.
Kung hindi lang para sa libre, hindi ako palaging sasama sa kanila eh. Tsk. Kung hindi ako hangin taga buhat ng bag, kung hindi taga buhat ng bag taga bili ng maiinom. Nagiging PA ako pag kasama ko 'tong dalawang mag jowang 'to. Swerte nila mahal ko sila pareho. Kung hindi matagal ko na silang itinakwil. Ang ganda ganda ko ginagawa nila akong katulong, hamp.
Ginabi na kami ng uwi dahil sa paglalaro sa enchanted world, oo ang saya. Ang sayang tumayo lang doon tas manood sa kanilang naglalaro. Ang sarap nilang ipakain sa machine. Nang gigigil ako. Dapat sakin sinasama para ilibre, para pasayahin. Hindi para gawing alalay, body guard, PA shotaaa!
Nang makapag palit ako ng pantulog ay nahiga na ako kaagad, ngunit hindi pa ako inaantok. Naalala ko naman yung lalaki kanina sa airport. Ang pogi talaga, 'di ko malimutan yung mukha. May asawa na nga ba talaga 'yon? Siguro? Kasi ang sungit eh. Ayaw niya sigurong may ibang babaeng lalapit sa kaniya kasi alam niyang selosa yung asawa niya.
Sanaol ganon yung asawa. Ako kaya kailan magkaka asawa? Napa upo naman ako sa gulat ng dahil sa pumasok sa isip ko.
Ay shota ka Merimie! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Ang bata bata ko pa pero asawa asawa na agad nasa isip ko. You're just 22 Merimie for God's sake!
Nakabusangot akong muling humiga. Pagod na nga ako mag hapon, mapapagod pa akong mag isip ng kung ano-anong walang kwentang bagay.
⁂
Nakaramdam naman ako ng sakit sa dibdib, bakit nangyayare na naman sa 'kin 'to? Bakit? Ano bang nagawa kong mali? Nagmahal lang naman ako ah?
Nakita ko silang magka yakap, kapwa pareho silang masaya. Samantalang ako, andito ako. Lumuluha, nasasaktan sa mga nakikita ko. Bakit niya ako nagawang lokohin? Hindi ba't nangako siya sakin na hanggang huli mamahalin niya ako? Tatanda kaming magkasama? Mamumuhay kami ng mapayapa? Siya lang at ako.
Siya lang,
at ako.
Pero bakit nakikita ko siyang masaya? Hindi sa 'kin kundi sa iba? Nakaramdam ako ng muling pag sakit ng dibdib. Nasasaktan ako, hindi dahil sa nararamdaman sa puso, kundi sa kasiyahan ng taong mahal ko sa piling ng iba.
"Iniisip mo bang minahal kita?"
"Kahit kailan hindi kita minahal at hinding hindi kita mamahalin."
"You're nothing but a trash to me."
Napa upo ako ng dahil sa sakit ng dibdib ko. Hinabol ko naman ang pag hinga dahil parang kakapusin ako ng 'di oras. Bakit ko na naman 'yon napanaginipan?
Ilang taon na. Ilang taon ko nang nakikita sa panaginip ko 'yon. Kung hindi yung lalaking nasa airport ang nasa imahinasyon ko, ang nangyare naman sa nakaraan ko ang nasa panaginip ko. Simula noon, tila isang bangungot ang bawat scenario na nangyare sa araw na 'yon at isang masayang alaala naman ang panaginip ko tungkol sa lalaking niyakap ko sa airport.
Nababaliw na ba ako? Kailangan ko na bang magpa-psychiatrist? Hindi. Hindi ako baliw. Oo, panaginip lang 'yon. Yung bangungot na 'yon, hinding hindi na mangyayare 'yon. Hinding hindi na.
Tinignan ko naman ang orasan na naka patong sa mini table sa tabi ng kama ko. 4:23 am. As usual, ganitong oras ako nagigising.
Nag-ayos na lamang ako ng mahihigaan at nag-ayos na nang sarili upang makapag handa sa pag pasok sa trabaho. Iwinaksi ko na rin sa isipan ko ang panaginip ko kanina.
Napa tingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin. Naka suot na ako ng pang work attire ko. Simple lang naman 'yon but I found it sexy. Bagay na bagay sa kurba o mala coke ko na katawan, pero maliit dibdib. Grrrrr
8:30 na nang matapos akong mag almusal, nag linis pa kasi ako ng apartment ko bago ako naligo at nakakain ng umagahan. Sakto may ilang minuto pa bago ako makarating sa opisina.
Sumakay na ako sa kotse ko, i-nopen ko ang engine nito. Pag katapos mag dasal ay inayos ko na ang upo ko saka nag seat belt.
Hai! This is it!