CHAPTER 2

1832 Words
Lunes ngayon kaya umpisa na naman ng pagta-trabaho ko bilang executive sa isang pinaka sikat na companya sa balat ni satanas, 'de biro lang. Maganda naman ang pagta-trabaho ko dito, marami akong kaibigan at talaga namang mababait sila sa 'kin. Pagkapasok ko palang ng office ay naririnig ko na ang bulungan ng mga kasamahan ko sa trabaho. Nagiging bubuyog na naman sila. Hindi naman mukhang beehive yung office namin ha? "Excited na akong makita uli si Mr. Montrales," masayang sabi ng isang babaeng maiksi ang buhok. "For sure pogi parin si fafa Montrales!" Kinikilig na sabi nang isang kasama nila na kinulang sa tela. "Excited na rin ako, pero sana nag bago na siya." Sabi naman ng isa na puno ng kolorete ang mukha; pero sa paraan ng pag kakasabi niya sa huling tinuran niya ay parang malungkot siya o takot? Ayst! Bakit ko ba sila pino-problema, at sino ba yang Mr. Montrales na 'yan? Parang ngayon ko palang narinig ang pangalan na 'yon. Hindi kaya siya ang may ari nitong Dillera Corp.? Pero imposible... Montrales siya at Dillera ang pangalan nitong companiya. Oum imposib— "Are you damn blind?!" Napasapo naman ako sa noo ko ng tumama ako sa... saan nga ba ako tumama? Inangat ko naman ang ulo ko at isang lalaking magka salubong ang kilay ang nakatayo sa harapan ko. Napa atras naman ako dahil nakaka takot ang mukha niya, I mean... hindi naman ganon nakaka takot, kasi gwapo naman siya, matangkad, malaki ang katawan dahil sa muscles niya, yung buhok niyang malinis na nakaintak sa likod ng ulo niya, at ang mata niyang kulay D-dilaw?! "You're not only blind, you are also a deaf." May mga tumawa naman sa likod niya, ngayon ko lang napansin na may mga kasama pala siya. Mga naka business attire din sila katulad ng lalaking nasa harapan ko ngayon, pero bakit mas magandang tignan sa kaniya? "Wait a minute, you're the woman at the airport," naka taas kilay nitong sabi, ha-ha? Nag kita na ba kami? At kailan pa 'ko pumuntang airport, aber? "Excuse me sir, but you seem to be mistaken, we haven't met yet." Sabi ko. Hindi naman siya nagpatalo. "You are the woman who shouted 'mahal' while running towards me, hugged me and said we are in a dream and I am your imaginary boyfriend." Bumalik naman sa isipan ko ang eksenang 'yon sa airport. Napa tingin ako sa lalaking kaharap ko at ngayon ko lang napag tanto na... "Ikaw?!" Hindi ko mapigilang mapa sigaw dahil sa gulat. Agad ko namang tinakpan ang bunganga ko. Siya yung lalaki sa airport. Naalala ko rin yung sinabi ni Maya sa 'kin. "Pero seryoso, pano kung magkita kayo uli nung lalaki na nilandi mo kanina tapos sabihin niyang kasal na pala siya tapos ipakulong ka nung asawa niya. hala kaaa, mabubulok ka sa bilangguan!" Hindiii. Umalis na ako kaagad sa harapan niya dahil naririnig ko na ang bubuyog sa paligid. Ayaw ko pa namang nagiging center of attraction. Buti nalang at wala na akong narinig na bulungan pag dating ko sa 11th floor kung saan ang office namin. Sinalubong naman ako ng mga mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan ko. "Anong meron sa mga ngiting 'yan?" Lumapit naman sa 'kin si Dan, isa sa mga co-workers ko at the same time kaibigan na rin. "Well Meriiiii, alam mo namang bestfriends mo kamiiii, pero bakit naglilihim ka samin?" Mahinahon nitong sabi habang hinihimas yung buhok ko. A-ang creepyyyyyy. Tinabig ko naman ang kamay niya, alam ko naman kung anong gusto niyang malaman eh, I mean sila. "Pwede ba tigilan niyo 'ko? Atsaka fake news 'yang mga naririnig niyo as if namang gagawin kong yakapin yung Mr. Montrales na 'yun." Wala naman akong naririnig na ingay kaya dumilat ako, nakapikit kasi ako habang sinasabi 'yun sa kanila. Alam ko naman irereact nila kaso parang mali yata ako ng iniisip. Naka nganga silang lahat habang nakatingin sa 'kin. Yung iba natatawa, yung iba naman kinikilig? Ay, ewan ko ba! Nag umpisa naman ang bulong bulungan sa paligid, lahat sila ay nakatingin sa pinto ng elevator. Habang palapit ang isang lalaking magkasalubong ang mga kilay. Ba-bakit siya nandito?! Lahat naman sila'y tumayo para I greet ang mga bagong dating na naka business attire. Siya na naman?! Inilibot naman niya ang tingin niya hanggang sa dumapo ito sa 'kin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang gusto ko nalang biglang mag pakain sa lupa. Nakangisi ito na parang gusto akong kainin ng buhay. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. It means, magiging katrabaho ko siya dito sa floor namin. Araw araw ko na siyang makikita. Araw-araw?! Arrrghhhh! Lunch time na kaya nag-aayos na ako ng mga gamit ko. Buti nalang at hindi ako na i-storbo nung lalaking 'yun, pero silang lahat! Sila yung storbo sa pag ta-trabaho ko dahil sa bulong bulungan nila. Kesyo niyakap ko daw yung CEO namin, kesyo ang landi ko daw, kesyo kesyo kesyo arghhh! Kung hindi lang masama ang mang salvage ng tao, matagal ko ng sinako at tinapon sa basurahan ang mga ka co-workers ko maliban sa mga kaibigan ko dahil kahit isa sila sa mga nakiki bulong ay mahal ko parin sila pero kahit na, para silang mga bubuyog! "Meri!" Tawag sa 'kin ng isa sa mga kasamahan ko, "pinapabigay ni Mr. Montrales." May iniabot naman siyang folder sa 'kin. Inopen ko iyon at— "What?!" Nagulat naman silang lahat sa pag sigaw ko. Naiyukom ko ng wala sa oras ang kamay ko. Hindi maaari 'to. Pumunta ako kaagad sa office nung Montrales na 'yon, walang alinlangang sinipa ko ang pintuan ng office niya. Pagka pasok ko ay busy siya sa pakikipag landian sa secretary niya yata. Ito namang babaeng mukhang pugad ng ibon ay kung makakapit sa batok nitong Montrales na 'to ay akala mo mahuhulog sa bangin. Wala akong pake kung CEO pa siya ng pinagtatrabahuhan ko, basta hindi ako papayag na gawin niya sa 'kin 'to. Nang dahil ba sa nagawa ko sa airport? Napaka babaw naman ng dahilan niya. Ay basta, 'di ako papayag! "Ms. Bautista, don't you even know how to knock before entering?" Naka busangot na sabi nito, yung babae naman ay natawa. Anong nakakatawa sa sinabi ng dinosaur na 'to? Sinamaan ko naman siya ng tingin, wala akong pakealam kung sinong nasa paligid namin. 'Di rin naman kasali yung mukhang pugad na 'to sa pag-uusap namin kaya bakit hindi nalang niya paalisin? Mukhang nakuha naman niya ang gusto ko, sinenyasan niya yung babae na lumabas. Masama naman ang loob nung babae, hindi sa kaniya kundi sa 'kin dahil ang sama ng tingin nito sa 'kin. Syempre hindi ako nagpatalo sinamaan ko rin siya ng tingin. Psh. Nang tuluyan ng nakalabas si pugad ay agad kong hinarap itong dinosaur na naka upo sa swivel chair. Itinapon ko naman sa pag mumukha niya yung brown envelope na pinabigay niya. "What's wrong with you woman?" Inis na tanong nito, serves you right. "Ako dapat nag tatanong niyan sayo lalake, anong problema mo sa 'kin at gusto mo akong tanggalin sa trabaho ko?!" Haaist! Nakaka gigil! Hindi naman ako nakakita ng kahit anong reaction sa mukha niya maliban sa... ngisi? At nagawa pa talaga niyang ngumisi? "Well Ms. Bautista, It's not my—" hindi na niya natapos ang sasabihin ng pigilan ko siya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "For your information Mr. who ever you are—" naputol rin ang sasabihin ko ng sumingit siyang magsalita. "Jin... Jin Russel Montrales." Pagta tama nito sa 'kin. Aba! At talagang may gana pa siyang mag pakilala? Wala akong pake sa pangalan mo dino! "Hindi ko mata tanggap 'yang ginawa mo, I will get a lawyer." Hindi naman maipinta ang itchura niya, parang natatawa siya na natatae. "Pfft... hahahahahaha." Bumigay naman ang mga balikat ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "You're so funny Ms. Bautista." Naba baliw na ba siya? Hindi ako makapaniwalang sobrang babaw ng kaligayan ng isang tulad niya. As in? Unti unti naman na siyang tumigil sa pagtawa, siguro naman magse-seryoso na siya ngayon? Umayos siya ng upo at talaga nga namang sumeryoso ang itchura niya. "I don't want to see you again." Napa nganga ako sa sinabi nito. Masama ang tingin nito sa 'kin. Ano bang ginawa ko sa kaniya para gawin niya sa 'kin 'to? Do I even did something wrong to him? Sa pagkaka tanda ko wala akong kasalanan sa dinosaur na 'to. "If it's about the airport scene, it's not even a big deal para gawin mo sa 'kin 'to." Hindi naman niya ako pinakinggan. Dinampot niya lang ang papel na nasa lamesa niya at saka nag umpisa na itong pumirma. Seriously? How stubborn. Sa tingin niya ba 11 years old palang siya? Eh parang nasa mid 30's na siya eh. Tumayo lamang ako sa harapan niya, gusto kong malaman kung anong sasabihin niya sa 'kin. Ayaw ko sa lahat yung ini-ignore ako. "Get out Ms. Bautista dahil hindi na magba bago ang isip ko. It's either you leave on your own or—" tumigil naman siya saka ako tinignan ng nakaka loko. "I will call a security guard to drag you out from here." Yaaaaahhhh nang gigigil ako! Hindi ko ba pwedeng sipain 'to sa mukha? Apaka... apaka yabang! Wala akong nagawa at umalis na lamang sa opisina niya. Ibinalibag ko ang pinto ng makalabas ako para alam niyang galit na galit ako sa kaniya. I don't even deserve this. Napatingin naman ako sa mga co-workers kong mukhang nag pe-pyestahan sa mga ngiting iginagawad sa 'kin. Anong nginingiti-ngiti niyo dyan? Tanggalan ko kayo ng bibig eh. Padabog akong bumalik sa upuan ko. Hindi ko na lamang sila pinansin. Pag usapan nila ako hanggat gusto nila, wala akong pakialam. Mahal ko ang trabaho ko pero nang dahil sa lalaking 'yon. Dumating lang yung lalaking 'yon! Naging unemployed na ako. Malas! Nag impake na ako ng mga gamit ko. Nalulungkot naman ang mga kaibigan ko ngunit nginitian ko nalang sila at sinabing magiging ayos lang ako. Nag boluntaryo pa nga silang kakausapin yung dinosaur na 'yon pero pinigilan ko na sila. Wala naman silang magagawa dahil boss nga namin 'yon at kung ano daw sinabi niya 'yun masusunod. Bago pa man ako maka pasok ng elevator ay tinignan ko ang office ng magaling kong boss. Mag sisisi ka sa ginawa mo sa 'kin. Sisiguraduhin kong pababagsakin kita. Chor, 'di naman ako mafia queen. Isang ordinaryo lang ako na tao. At saka 'di ako marunong gumanti, wala rin sa vocabolaryo ko ang salitang revenge o mag higanti. Sobrang bait ko kaya, 'di ko lang alam ba't kabaliktaran ng ugali ko yung ugali ng demonyong dino na 'yon. Tsk. Mauntog sana siya at ng bumait bait naman siya. Yung mababagok talaga ulo niya. Yung magkaka c***k yung bungo niya. Ay bad bad. Tinapik tapik ko naman ang bunganga ko. Masama 'yan Merimie, mababawasan puntos mo sa langit. Pag pray nalang natin na sana matagal siyang mabubuhay pero sana hindi na rin siya nabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD