"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
Paulit ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ng dinosaur na 'yon. Ni hindi na nga nawala sa isip ko.
Nakahiga lamang ako sa kama ko, hindi na ako pumasok dahil nga sa tinanggal na ako sa trabaho nung dinosaur na 'yon. Ni hindi ko manlang alam kung anong dahilan ba't niya ginawa sa 'kin 'yon.
Hindi kaya dahil sa ginawa ko nung nasa airport kami? Hmmmm... alin ba don? Yung pag yakap ko sa kaniya? Pag sabi ko ng boyfriend ko siya o imaginary boyfriend ko siya o yung tinawag ko siyang 'mahal'?
Arrghhhh! Kahit na alin pa doon, hindi parin magandang dahilan na tanggalin niya ako sa trabaho ko! 'Yun yung tanging companya na tumanggap sa 'kin sa lahat ng companya na inaplayan ko. Yawa naman. Ba't ba ako umiiyak? Ish! Makarma sana yung lalaking 'yun. Ansama ng ugali niya.
Narinig ko namang tumunog ang chan ko. Nagugutom na ako, kaya tumayo ako para makapag luto. Kaso pagbukas ko ng ref. ay wala itong kalaman-laman.
Sumasakit na ang sikmura ko. Bigla namang tumunog ang doorbel kaya agad kong binuksan ang pinto.
"Mr. Ramirez, may problema po ba?" Si Mr. Ramirez ang landlord ng inuupahan ko. Siguro maniningil na naman ito.
"Eh neng, alam mo namang tatlong buwan ka nang hindi nakaka bayad ng upa. Kailangan na kailangan na kasi ngayon eh, kung hindi makaka alis ka na dito." Bakit parang ang malas naman yata ng katauhan ko? Bakit sa 'kin lahat ang bagsak ng kamalasan? Gising ba ako nung mga panahong umulan ng kamalasan o baka pinag puyatan ko pa siya?
Wala na akong nagawa kundi mag impake ng mga gamit na kukunin ko sa pag alis. Saan na ako titira nito? Wala na akong ibang mapupuntahan, Pano na 'ko neto?!
Kakapalan ko nalang ang mukha ko, kahit ayoko man gawin 'tong bagay na 'to, ngunit no choice ako. Kailangan ko ng pera at ng matutulugan. Pumunta akong muli sa Dillera Corp. malamang sa malamang andito na yung dinosaur na 'yun. Dapat lang, kailangan ko talaga siyang makausap at kung sasabihin niyang busy siya ay hindi ko siya titigilan dahil kailangan kong maibalik ang trabaho ko.
Umakyat naman ako sa 11th floor dahil nandun din ang office nung dinosaur na 'yon, pag labas ko palang sa elevator ay nag umpisa na ang bulong bulungan sa paligid. Nakatingin ang lahat sa 'kin, pati ang mga kaibigan ko ay mukhang nagulat rin na makita ako ngunit kalaunay kumaway sila at parang masaya pang makitang andito ako.
Dumeretso naman ako sa office nung dinosaur ngunit hindi pa man ako nakakapasok ay hinarang na ako ng secretarya niyang mukhang pugad.
"And where do you think your going?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pa english english ka pa, malandi ka naman.
"Get out of my way, pugita." Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko, inalis ko ang kamay niyang nakaharang sa harap ko saka ako nag tuloy-tuloy sa paglalakad.
Kumatok muna ako sa pinto niya, baka isipin niyang pumunta ako dito para mag iskandalo.
"Come in." Narinig kong sabi nito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, busy naman siya sa pagbabasa ng papel. Pero agaw pansin ang salamin niya. Mas lalo siyang gumwapo. Umangat naman ang ulo niya saka ako nito tinaasan ng kilay.
"What are you doing here Ms. Bautista? As far as I know you haven't had a job here since yesterday." Nang-aasar ba siya? Gusto niya yatang lumabas mula sa bintana? Gusto ko siyang barahin ngunit magpipigil muna ako sa ngayon. Kailangan kong palambutin ang puso niya, kung may Ilalambot pa ito. Baka kailangan pang ilaga para lumambot eh.
Huminga muna ako ng malalim bago nag umpisang magsalita.
"Mr. Montrales, I need my job back. Wala na akong mau-uwian dahil sa pinalayas ako sa inuupahan ko. Hindi pa din ako kumakain simula kahapon dahil sa wala akong pera para pang grocery. Malapit na ang sahod namin ng tanggalin mo 'ko sa trabaho, kaya please I need to get back to work." Hindi ko man gustong mag makaawa sa dinosaur at walang puso na Montrales na 'to, ngunit kailangan ko talagang maibalik ang trabaho ko. Nakatulala ito habang nakatingin sa 'kin. Mukhang nag-iisip ng ipambabara sa 'kin, subukan niya lang at pag nawalan ako ng pasensya tuluyan siyang lalabas sa bintana.
"Well, okay." Napatingin naman ako sa kaniya. What? 'Yun lang sasabihin niya?
"But..." Pagpuputol nito sa sasabihin.
"Be my secretary," Ha? Talagang nang-aasar siya eh, no? Hindi ko trabaho ang pagiging secretary at saka...
"Diba meron ka nang secre—" Pinigilan naman niya ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng pagtaas ng hintuturo.
"Then I will fire her," Ahhhh? Ganon lang kabilis sa kaniyang gawin 'yun? Psh. Tutal siya naman may ari ng companya na 'to, kaya nagagawa niya lahat ng gusto niya. No choice rin ako kaya tinanggap ko nalamang yung offer niya. Opportunity na rin 'to para sa 'kin.
"Okay." Tanging sagot ko. Mag papaalam na sana akong aalis ng muli siyang magsalita, "as long as you work in my company, you have rules to follow. You will start tomorrow. Goodbye," bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng mga papeles. Psh, masyadong bossy. Pero sa loob loob ko nag pe-pyesta na ako. Sa wakas lumambot naman ang puso niya, hindi na kailangang ilaga.
Ngayon ang problema ko nalang ay kung saan ako mag papalipas ngayong gabi. Naalala kong may kotse pala ako, siguro naman pwede na roon. Tapos dito nalang ako sa companya makiki cr. Wala naman akong pera para makakuha ng condo.
Narinig ko na namang tumunog ang chan ko. Arghhh, gutom na ako. Kaso wala akong pera, siguro titiisin ko na lamang muna ang gutom ko. Meron namang free foods sa canteen ng companya, dun nalang ako kakain bukas. Sa ngayon, kailangan kong matulog para hindi ako sabog bukas.
⁂
6 am palang ay gising na ako, saktong nagbubukas palang si Mang Doni ng companya, nakisuyo naman ako mag ccr, "of course Ma'am Bautista, pwedeng pwede po." Pina salamatan ko naman siya at dali daling pumasok ng comfort room.
Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ay sakto namang dumarami na ang mga taong pumapasok. 9 am na nang umaga pero wala parin si dinosaur, heto't nag hihintay naman ako sa labas ng office niya gaya nga ng sabi niya kahapon. Psh, swerte nya boss ko siya. Pinag titiisan ko lang ugali niya dahil kailangan ko ng trabaho.
Nagsitayo naman lahat ng kasamahan ko, ibig sabihin andito na si dinosaur. Taas noo naman itong nag lakad papunta sa kinaroroonan ko. Babatiin ko na sana siya ng bigla niyang itampal ang kamay niya sa mukha ko. Arghhh ano bang problema niya?! Narinig ko pa ang pag bukas—sarado ng pinto nang office niya.
Tinanggal ko naman sa mukha ko yung papel na nilagay niya. Contract.
Ha? Ano 'to?
Binasa ko naman ang mga nakasulat rito. The following are the conditions—ano daw? Ba't may paganto? Hindi ba niya ako pinagkakatiwalaan? Sa bait kong 'to? Hai!
Pasalampak akong umupo sa swivel chair ko dito sa labas ng office ng boss kong feeling pogiI! Tsk. Sarap bigwasan ng dinosaur na 'yon. Ang laki-laking aso este tao 'di kayang mag handle ng problema.
Hindi ko ba pwedeng i crampled 'tong papel? Itapon ko rin kaya sa mukha niya? Ay, baka hindi pa ako nag uumpisa mapaalis ulit ako dito sa companya. Wag na. I'll just take the risk. Kung ito gusto niya pwes, gagawin ko nalang. Para sa trabaho at buhay ko.
Ano ba kasing demonyo pumasok sa katawan ng lalaking 'yun at ang hilig manira ng buhay ng may buhay? Sirain ko rin kaya kina iingatan niya?
"Pumunta ka ngayon dito," sinamaan ko naman ng tingin yung telepono kung saan nag mula yung boses niya. Tsk, masyado siyang pala utos. Simula nung naging secretarya niya ako ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang utusan ako ng utusan. 'Yun din kasi ang nasa contrata.
Anak ka ng nanay mo! Ibang klaseng contrata 'yan, puro pabor sa boss ko. Eh paano naman ako? Paano yung gusto ko?! Arghhh! Pumunta na lamang ako sa office niya para matahimik ang kaluluwa ko. Hindi pa naman ako titigilan nito hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Kumatok muna ako bago pumasok.
"What can I do for you Mr. Montrales?" Tanong ko ng maka pasok. Ngunit pag pasok ko ay wala siya, saan naman pumunta 'yon? Baka lumabas saglit. Pag kasara ko ng pinto ay may biglang sumigaw.
"Boo!"
"Ahhhhhhhh!"
Tawang tawa naman itong umalis mula sa likuran ng pinto. Naiyukom ko nalamang ang kamay ko, okay na yung pag papahirap niya sa 'kin sa trabaho pero itong pang ti-trip niya, hindi pwede sa 'kin 'to. Habang nakatalikod siya ay kumuha ako ng lakas para sipain yung likod niya.
"Ahhhugh!" Sigaw nito na paniguradong rinig sa labas. Bigla namang bumukas ang pinto.
"A-anong nangyayare dito?" Nginitian ko lamang yung lalaking palaging kasama ni dino na pumasok, gulat naman siyang napatingin kay dino na naka luhod.
"Ahh ehh haha wala, naglalaro lang kami kaso natisod siya," hindi makapaniwalang tumingin sakin si dino.
"Si-sini—" hindi na nito natapos ang sasabihin ng mahulog sa ulo niya ang vase na nakapatong sa gilid ng table niya.
"Bo-boss!" agad siyang nilapitan ng mga taong nag kakagulo na sa labas ng opisina. Nanlaki naman ang mata ko ng bigla itong mahimatay ng mahulog ang vase sa ulo niya. Sandali, ang liit lang nung vase ah? Bat—bat nahimatay siya?
Hinawakan ko ang bibig ko upang hindi matawa. Shet, w—weak. Hahahahahaha.
Tawa ko sa utak ko. Hindi ako pwedeng matawa, baka mabawasan puntos ko sa langit.
Hindi ko naman kasalanan kung bakit nahulog sa ulo niya yung vase, kasalanan na niya 'yon dahil siya naman ang nakasagi ng table. Itinakbo sa clinic si dino dahil sa dumugo ang ulo niya. Ay basta, hindi ko kasalanan 'yon.
Muli ko na namang narinig ang bulong-bulungan sa paligid, ayan na naman po ang mga bubuyog.
"Grabe nagawa niya 'yun kay Boss?"
"Nasesante na nga siya noon, baka gusto niya ulit mangyare 'yun sa kaniya?"
"Dapat hindi na siya pinagbigyan pa ng chance."
'Yan lang naman yung mga naririnig kong commento nila, ano bang pakealam nila? Buhay ko 'to, gagawin ko kung anong gusto kong gawin. Ilang oras ang lumipas, tuloy parin sa pag c-chismisan ang mga marites kong co-workers ngunit agad din silang bumalik sa pagta-trabaho ng makitang palapit si dino. Oh, ayos na pala siya eh.
Nasa tabi lamang ng pinto niya ang table ko kaya't madadaanan niya ako kung sakali, ngunit hindi ko siya pinansin, kunyareng may chine-check ako sa computer ko. Ramdam ko ang masasama niyang titig, ngunit hindi ko parin siya tinignan. Bahala ka dyan.
Bago pa man siya makalagpas sa harap ko ay may sinabi siyang nagpa tindig ng balahibo ko, "simula ngayon magiging mesirable na ang buhay mo hangga't andito ka sa companya ko." Kailangan ko na bang kabahan? Matakot? Aishh! Ramdam ko na namang paparating si karma!
⁂
"Aishhh, pagod na ako!" Sigaw ko sa kawalan. This past 2 weeks, palaging ako nalang yung inuutusan niya. Mas lalo siyang naging mahigpit sa 'kin. Yung dating may kasama akong gumawa ng mga paper works, ngayon ako nalang mag isa; binigyan niya ng bagong trabaho yung kasama ko, at talaga namang yung trabahong binigay niya ay ang dati kong trabaho. Pinapa inggit niya pa talaga ako.
Mas marami na rin siyang ini uutos ngayon kaysa noon, kahit kape nga niyang hindi ako ang gumagawa noon, ngayon sa 'kin niya ini uutos. At ang mas worst pa sa lahat ay mas binabaan pa niya ang sahod ko. Pinatanggal niya rin sa schedule ko ang pagkain ng lunch, pati nga sa gabi ay over time ako. Binibigay niya kasi sa 'kin lahat ng trabaho na hindi natatapos ng iba o sadyang hindi nila tinatapos dahil sinabi niya? Ang tanging pahinga ko ay pag tinatawag ako ng kalikasan.
Haist, pero kahit anong mangyare ay hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong lumaban hanggang sa makapag ipon na ako, at pag may pera na 'kong muli ay saka ako aalis sa impyernong companya na pinapatakbo ng mas masahol pa kay satanas.
Andito ako sa rooftop ngayon, gabi na at andito parin ako sa office dahil nga sa over time ako. Psh, wala talagang puso ang dinosaur na 'yon. Tanging sa gabi lang ako nakakapag pahinga ng matagal dahil maaga siyang umuuwi. Noong una ay hinihintay pa niya akong matapos mag trabaho sa gabi ngunit ngayon ay napagod na rin yata sa kakahintay kaya't nauuna na siyang umuwi.
Kahit inaantok ay tinatapos ko parin ang trabaho ko, dahil kung hindi ay i le-late niya ang pag bibigay ng sahod ko at 'yun ang hindi ko gugustuhing mangyare. Kaya't kahit pagod na pagod at inaantok ay kinaya ko parin magtrabaho.
Bumalik na lamang ako sa office para ipagpatuloy ang pagta-trabaho, wala naman na akong uuwian kaya okay na sigurong dito nalang ako matulog sa office. Meron naman guard na naka night shift kaya pwede akong lumabas at pumasok any time. Sobrang inaantok na talaga ako, pero heto't tinutuloy ko parin ang pag ta-type sa computer.
At natapos ko na rin sa wakas. Haist! Buti nalang at malakas ako. Unti unti nang bumibigay ang tulikap ng mata ko. Inaantok na talaga ako, siguro okay lang naman na umidlip diba? Gigising rin ako maya maya; at tuluyan na nga akong kinain ng dilim.