"Ang ganda naman dito," wika ni nanay nang makababa kami sa eroplano. Nginitian ko naman siya saka hinawakan ang kamay niya. "Dito po tayo nay, tara." Binati naman kami ng guard ng resort, sila na rin ang nag dala sa hotel nang mga gamit namin. Nang mahagip ng mata ko si mom at dad na nag tatampisaw na sa dagat ay kinawayan ko sila, ganon rin ang ginawa nila sa amin. Lumapit kami sa kanila, "mom, dad—ang mga magulang ko nga po pala. Si nanay Sol at si tatay Ven. Ito naman po ang nakakatanda kong kapatid si kuya Philip." Nag yakapan naman si mom at nanay, nag kamayan naman si tatay at dad. "Finally, it's nice to meet you, buti nalang at nakapunta kayo rito. Ang mga anak natin nako! Ikakasal na." Tuwang-tuwa na sabi ni mom. "Salamat sa pag imbita sa amin dito." "Nako pare, hindi namin

