Habang nasa byahe kami ni Jin pabalik sa companya ay hindi ko mapigilang mag overthink. What is that smile for? Nabalik naman ako sa ulirat ng maramdaman ko ang kamay ni Jin sa mukha ko, "are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot, nakatulala ka rin." He worriedly said. Nakahinto na pala ang sasakyan at nasa parkingan na kami ng companya. Ganon na ba ako katagal nag isip? "Okay lang ako, siguro pagod lang." Sagot ko. I heard his heavy sighed. "Next time sabihin mo sa 'kin kung pagod ka o hindi para at least alam ko kung anong gagawin ko." I nodded. Sabay kaming pumasok sa companya, hinatid niya lang ako sa office ko saka na siya bumalik sa department niya. Pasalampak naman akong umupo sa swivel chair ko, hinagod ko naman ang noo ko dahil parang nahihilo ako. Siguro

