bc

The Way You Loved Me

book_age18+
246
FOLLOW
1.0K
READ
revenge
bxg
lighthearted
campus
school
love at the first sight
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Jorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school. His life becomes roller coaster when he transferred in Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gonsale, fourth year student, become his rival.

At first, everything seems to be a quarrel and clash. They started to hate each other on the first day. But one incident bridge their relationship to become acquaintance. As the days go, their friendship gets deeper.

A misunderstanding happens when Lhorr thought she was betrayed. Until where can Lhorr forgive Jorge for misinterpreting what she has witness? Who will become the thorn of their ongoing story?

chap-preview
Free preview
C1: The First Encounter
Chapter 1: THE FIRST ENCOUNTER Jorge’s POV “This is it!” I certainly enunciated amidst worries, as I stand in front of the glass object that showed my reflection. I saw the man whose determination had erupted all over his place, dominating his heart with the lava that has hardened through times of waiting. I touched the tip of my hair strand; it’s immovable and had been solidified by the thick substance. And, as my contentment blink at me I know that this day will be as gleaming as those bunches of dark, this threadlike that grows on top of my well-being. Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng aking kwarto. Maingat ko itong isinara at matuling tumakbo papunta sa garahe. Ito ang takbo ng mga sandaling matagal kong hinintay. Sumakay ako sa aking puting sasakyan. Sinimulan kong tinahak ang daan patungo sa lugar kung saan lubusan kong maiintindihan ang salitang ligaya. Sa buong buhay hindi ko pa iyon gaanong nauunawaan. Maligaya lang talaga ang pusko ko ngayon. Patuloy ako sa pagmamaneho habang maya’t maya ang tingin sa mamahaling relo sa aking kaliwang kamay. Ayaw kong mahuli sa aking pupuntahan. Kalaban ko ang oras kaya mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at umiiwas sa nakakasabayang mga sasakyan sa daan. Sa bilis ng aking pagmamaneho ay hindi ko kaagad napansin ang isang bata. Mabilis ang lahat ng pangyayari dahil bigla lang sumulpot ang bata sa kung saan galing. Puwersa kong inapakan nang mahigpit ang preno at inilag ang sasakyan. Nabunggo ako sa isang malaking punongkahoy sa tabi ng daan. Naramdaman ko ang malakas na impak nito kaya halos basag ang unahan ng aking sasakyan. Nagmadali akong lumabas sa loob ng sasakyan. Iniabot ng kamay ko ang bulaklak na nakaupo sa aking tabi kanina. Nakaipit din dito ang isang maliit na kahon. Ito ang tutulong sa akin upang mapasagot ang nais maging kahati ng buhay ko. “Bullsh*t! Bakit ngayon pa!” reklamo ko. Nang mapadako ang tingin ko sa bulaklak ay napangiti na lang ako bigla. Kinuha ko ang maliit na kahon. Pagkabukas ko ay mas lalo pa akong natuwa. “Mabuti na lang at hindi ka nasira.” Kausap ko ang kumikinang na singsing sa loob ng kahon lalong-lalo na nang tinamaan ito ng sikat ng araw. “Akala ko hindi na matutuloy ang pinaghandaan kong proposal,” litanya ko pa. Mabuti na lang at wala akong nakuhang galos sa katawan. Kaya alam kong matutuloy ang lahat ng naging plano ko ngayong araw. Halos ilang buwan ko ring pinag-isipan ang lahat. Kaya hindi na ako mapakali ngayon pa lang. Nakita kong nagkumpulan ang mga tao sa aking sasakyan. Parang may tinitingnan sila sa loob nito. Hindi man lang pala nila namalayan na nakalabas na ako kanina pa. Nagsidatingan na rin ang mga awtoridad na rumesponde sa disgrasyang nagawa ko. Ngunit wala na akong oras para sa imbestigasyon nila. Kailangan ko munang unahin ang na-plano kong ito. “Babalik na lang ako,” sabi ko. Hindi ko na sila pinansin pa at nagmamadaling nagtungo sa lugar kung saan ko gagawin ang proposal. Pumara ako ng taxi ngunit walang humihinto. Wala na akong oras para maghintay ng masasakyan. Nilakad ko na lang papunta roon dahil ilang metro na lang din ang layo ko. Hindi naman ako nahuli ng dating sa aming tagpuan. Natanaw ko sa loob ng isang coffee shop ang babaeng tinitibok ng aking puso. Her beauty shines from afar. I couldn’t help myself but to be captivated by her radiant aura. Her smile draws a smile on my face too. Her presence makes my heart pounds faster. I need a lot of strength in order to deliver my speech for her as we met. “This is it! Wala ng atrasan pa!” Kinakabahan na ako. Sinusubukan kong panatagin ang aking sarili. Unti-unti akong lumapit sa coffee shop. Pagkabukas ko ng pinto ay kagad na akong lumapit sa kaniyang puwesto. Kaharap ko na ngayon ang babaeng bumihag ng aking puso. Ayaw ko nang sayangin ang pagkakataong ito para sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. “How are you doing?” Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa aking likuran. Isang pamilyar na mukha ang kaharap ko. Hindi ko alam kung bakit nandito rin siya. “Mabuti naman,” sagot nito. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari. Bakit hindi ako pinapansin ng taong mahal ko? “Jorge.” Na-estatwa ako. Hindi ko inakala na maririnig ko ulit ang boses na iyon. “Z-Zen?” Hindi ko hinintay pa ang kaniya sagot. Mabilis ko siyang niyakap. Sobrang na-miss ko ang presensiya niya. “B-Bakit ngayon ka lang ulit bumalik?” naluluhang tanong ko. “I really missed you so bad!” “May gusto lang akong sabihin.” “A-ano ‘yon?” “Huwag mo siyang hayaan mapunta sa taong ‘yan.” Naguguluhan ako sa sinabi ni Zenn. Napadako ang tingin ko sa dalawang taong masayang nag-uusap. “Mapapahamak siya, Jorge. Huwag mong hahayaan na maging katulad ng sinapit ko ang sasapitin niya.” “A-anong ibig mong sabihin, Z-Zen.” “Makinig ka na lang, Jorge.” “B-bakit…” Kring! Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang ingay. Pinapapawisan ako kahit ramdam ko ang lamig na nangagaling sa air conditioner. Hindi ko inasahan na panaginip lang iyon. Pero bakit ramdam ko na parang totoo? At bakit sila ang naging parte ng panaginip ko? Bakit nagpakita sa akin si Zenn? Wala naman sigurong balak iparating ang panaginip na ‘yon. “Argh!” Bad timing naman yata ng naging panaginip ko. Hindi ko na lang ito pinansin at agad na bumangon sa kama. Bigla ko na lang naalala na first day ng second semester ngayon. Kaya kaagad akong nagmadali na kumilos. Hinintay ko ‘tong araw na ito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-set ako ng alarm na hindi ko talaga noon ginagawa. I am still lucky that it saves me from that nightmare. Masyadong magulo ang naging panaginip ko. Napalingon ako sa aking gawing kanan nang mapansin kong katabi ko pala ang aking aso, si Chie. “Good morning, Chie!” bait ko. Tumahol siya bilang tugon. Iniregalo sa akin ni mommy si Chie dahil alam niyang matagal ko ng gusto magkaroon ng alagang aso. The thrill of being a first timer in a public University is undeniably stronger, waking up my accustomed soul, preparing things where I am not used to. Queries filled the wide container as I step on it to have a new start. As I slowly rub the soap in my arms, the faucet suddenly opened, splashing questions all over the tiled floor. How do public universities run their institutions? Drip! How about the students, are they easy-going? And a series of drip, drop, drip, dop, started to be heard. Then, I reach to turn it off, while hoping that things will be easy just like turning off this faucet. Jorge Casillo, 22. I saw my name printed on my identification card. At the back of it, my birthday was printed, December 28. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang naging anak ng mag-asawang negosyanteng nagmamay-ari ng mga kilalang sasakyan sa buong Pilipinas. Kung ganito lang man din ang buhay ko, sana naging simple na lang. I am enjoying my 22 years of existence so far. Brought by boredom I tried to accept the offer to endorse some known brands as well as modeling clothes with a high fashion brands. Pero pinapanatili ko pa rin ang simple at inosenteng buhay ko. Of all the things, you can say I am fortunate for having money, property, and a family. But the last one is suffering from impoverishment, even though we are completely united yet their time for their business is what makes each of us partly detached- mahirap abutin. Kaya kasama ko lang ang aking pinakamamahal na nanay, si nanay Binda. Bato nga ang bahay namin, pero mukhang walang tao. Totoo nga ang kasabihan nila, “aanhin pa ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago.” Nanay Binda was my nanny since I was a kid. That's why I treated her like my second Mom. She taught me of everything my parents' forgot to teach me, as my guardian, being humble and generous in spite of our position in the society. But, I'm so grateful; I have learned them so well. Pababa na ako ng hagdan nang matanaw ko si nanay Binda habang hinahanda ang almusal. Sinalubong niya naman kaagad ako ng isang ngiti na palagi niyang ginagawa. Kaya gano'n na lang din ako ka swerte na maging bahagi siya ng tahimik na mansiyong ito. "Anak, ito na ang paboritong mong almusal. Tortang talong at sinangag na kanin na hinalo ko pa sa star margarine," bungad ni nanay Binda sa'kin. "Thank you, nay," tugon ko. Agad ko namang inakap si nanay Binda. She taught me on how to live a simple life. That I should be grateful of everything that we had, it was one of her advices to me. It was the reason why I love to live like her life in the province. "Ikaw talagang bata ka. Dali na at baka lumamig pa ang pagkain." "Sige po, nay. Saluhan niyo na rin po ako rito," anyaya ko sa kaniya. Tahimik kaming kumakain ni nanay Binda sa lamesa. At napapansin ko ang panay sulyap niya sa akin habang nakangiti. Nang tanungin ko siya ay muntikan akong mabilaukan sa sinabi niya sa akin. Hindi ko inasahan ang kaniyang naging tanong. Iyon ang dahilan para tumigil ako sa pagsubo ng pagkain. "Anak, alam mo excited na akong magkaroon ka ng nobya. Parang ‘yan na lang kasi ang kulang sa'yo para maging masaya ka." "Huh?" nalilito kong tanong. "E-eh, Darating din po tayo diyan, nay," naiilang na sabi ko, sabay inom ng tubig. Masaya naman ang naging usapan namin ni nanay Binda. Pagkatapos kung kumain ng agahan, nagpaalam na rin ako sa kaniya na kailangan ko ng umalis. My fastest stride led me to our garage, where father's gift to me has been parked. I smiled as I open the door and started its ignition. ***** Nakarating na rin ako sa unibersidad na papasukan ko. Kakaiba talaga ang naramdaman ko nang tuluyan ko na itong nakita. Sobrang lawak din pala rito. Pagpasok ko pa lang sa gate ng unibersidad ay abot-tanaw kaagad ang malawak na field na pinalilibutan ng makukulay na mga buildings. I decided to study here because my friends told me that I can found the real happiness here. At dito ko rin daw mararanasan ang tunay na buhay ng isang college student. As my curiosity began to ignite, I know how flammable my entire journey will be. Hoping this one will be entirely different for I almost spend my time studying in a private institution. Habang naglalakad ako sa hallway ng isang building, kung di ako nagkakamali ay Communication building, ay nararamdaman ko ang pagsunod ng mga matang na parang gusto yata akong tunawin sa tingin. Agad naman akong nakaramdam ng alinlangan dahil hindi naman ganito sa mga dati kong napasukang paaralan. In short, I am not used with this environment and I have a huge adjustment before fitting myself to their world― the public world. Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng mga estudyante rito. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad upang hanapin ang block na nakasulat sa papel na ibinigay sa akin ng Registrar's office. I printed the email of the university. Base sa email na ipinasa sa akin ng university. Naka-imprinta sa papel na aking hawak, Block 13-HATELOVE, ito ang block ko. "Sounds bitter, huh," napabulong ko. I immediately searched on that room. Gusto ko na rin na makapuwesto upang kahit papaano ay makapag-adjust kaagad. "Nandiyan na siya!" sigaw ng isang babae pagdaan ko. "Kyah!" Naging mas malakas pa ang sigawan ng iba habang naglalakad ako sa hallway ng building. Karamihan naman sa kanila ay kumukuha ng litrato ng palihim. Pero mapapansin ko naman ang pag-flash ng kanilang cameras. Habang may ilang kalalakihan ang napatingin na rin; kaya hindi ko mapigilang mailang dahil sa reaksiyon nila. Ganoon na ba talaga ako ka-famous dito? Hindi ko naman inakala na ganito ang asal nila. Perhaps it really runs in our blood, ang pagiging guwapo. Natawa ako sa sinabi ko sa aking isip. "Hi po, kuya! Puwede po bang magpa-autograph? Idol po kasi kita. 'Di ba isa ka sa model doon sa billboard malapit sa city? Tinitingnan ko po talaga kayo sa tuwing napapadaan ako. Ang guwapo niyo po roon at lalo na sa personal pala," bungad sa akin ng isang kagaya kong third year student, base sa kaniyang name tag. But, why did she call me 'kuya' if we're in the same year level? Kung tutuusin mas mukha pa siyang senior kumpara sa akin. Hindi na rin ako nag-atubili pa na pirmahan ang litrato ko na hawak niya. Pagkatapos no'n ay mabilis akong umalis kaagad. You can easily identify the year level of the students in this university. Aside from our differences in school uniform, the blue name tags identified third year students which I am wearing in my left chest. The green tags are for sophomores, the yellow tags are for freshmen, and the red tags are for seniors. Nandito na ako ngayon sa Engineering building dahil ito ang field of study na pinili ko. I continued taking my previous course which is Chemical Engineering. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang kurso ko aside sa gusto kong course na Criminology. Nang papaliko na ako sa hallway ng building, biglang nabangga ko ang isang babaeng kumakaripas sa pagmamadali. Siguro ay may hinahabol nga ito. But, this is the first day of the semester pero parang pagod na ang mukha niya. "Aray!" Natumba ang babae sa sahig dahil sa malakas ng impak nito. Nabunggo siya sa aking dibdib. "Pasensiya na, miss. Hindi ko sinasadya, ayos ka lang ba?" agad na tanong ko. "Paanong hindi mo sinasadya? Hindi ka na nga tumabi sa daan tapos sasabihin mong hindi mo sinasadya? Bulag ka ba o sadyang tanga ka lang? May pa-concern ka pa d'yan pero ginusto mo naman na makita ako dito sa sahig." I was stunned to speak. I was mesmerized by her strong voice. To be honest, kahit mataray siya ay nag-uumapaw pa rin ang kaniyang ganda dahil sa kaniyang aura. May hawig nga siya sa artistang naging gusto ko rin. Pero 'di sila magkatulad sa ugali dahil ang babaeng kaharap ko ngayon ay pinaglihi sa sama ng loob. "Ang sakit mo namang magsalita, miss. Humihingi na nga ako ng tawad sa'yo. Hindi ko naman alam na paparating ka." "Whatever! Tumabi ka nga! Late na ako ng dahil sa’yo!" "L-late ka? Saan? First day of the semester pa lang at late ka na kaagad? Halika na muna at dadalhin na kita sa clinic dahil baka napaano ka pa," alok ko. "H'wag na!" matapang nitong sabi. "Istorbo ka lang at panira ka pa ng araw! Tsaka, haler, alam kong first day ng semester. Siguro hindi ka lang sanay ng kalakalan dito kaya nasabi mo 'yan. Palibhasa, kutis mayaman ka kaya para kang engot." Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata. "Sige na, miss. I insisted to bring you in the clinic. Alam kong 'di mo kayang maglakad mag-isa." "Tsk. Kaya ko kaya umalis ka na... dahil 'di kita kailangan!" Hindi ko na pinansin lahat ng mga huling sinabi niya. I was pre-occupied of my admiration to her personality. I am also fatally distracted by her down-to-earth beauty. Napaka-amo talaga ng kaniyang mukha na kagayang-kagaya ng artistang gusto ko. Mula sa makintab nitong buhok patungo sa mapupungay nitong mga mata. Halos 'di ko alam kung paano hindi ako ma-di-destruct sa kaniya. Hanggang pababa pa sa napakatangos niyang ilong na parang hugis ng Mayon, perfectly shaped. Dumapo naman ang aking tingin sa mapupula niyang labi dala ng ginamit nitong lipstick na inilapat niya sa kaniyang bibig. Nabuhayan ang aking dugo sa kaba na may kasamang tuwa. Sa tingin ko, ang mga lamang-loob ko sa aking katawan ay nagkakagulo na rin. Masasabi mong isa siya sa mga nauusong dalagang Filipina na sabi nila. Kahit papaano ay alam ko ang gano'ng mga trending sa panahon namin. Alam ko pa rin naman kung paano sumabay sa uso. Tumayo siya mula sa pagkakabagsak sa sahig at bigla ring natumba. Mabuti't agad ko siyang nasalo bago pa siya tuluyang humandusay ulit sa sahig. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" aniya. "As you wish, miss― sungit." Binitiwan ko siya kaagad. "Aray!” Tuluyan na nga siyang napahiga sa sahig. Nakita ko kung paano siya namilipit sa sakit ng kaniyang pagbagsak. "If you don't really need my help, then accept my apology. Hindi kasi lahat ng binabangga mo maiintindihan ka, miss. Paano kaya kung hindi ang kagaya ko ang bumangga sa'yo at pinabayaan ka na lang? Nagmamalasakit na nga ang tao pero ikaw pa itong masungit. Sana naman matuto ka ring tumanggap ng isang tawad," litanya ko sa kaniya. Nakaupo lang siya sa sahig habang masamang nakatingin sa akin. Upang hindi na magkaroon ng alitan sa pagitan naming dalawa ay humingi ulit ako ng tawad. Binigay ko na rin ang numero ko dahil baka may kailangan siya. In any other reasons, baka na rin ay i-add friend niya pa ako sa FaceNote. "By the way, I'm Jorge Casillo, that's my number, Ms. Sungit," sabi ko, sabay ibinigay sa kaniya ang card na hawak ko. "Tawagan mo na lang ako 'pag may kailangan ka. Do accept my apology for not seeing you in a hurry," Agad na akong naglakad palayo sa kaniya at naiwan na nga siyang mag-isa. "Humanda ka sa akin mokong ka!" sigaw niya. Hinayaan ko na rin siya at tuluyan nang naglaho sa hallway palayo. Pero rinig ko pa rin ang kaniyang malakas na sigaw. Mas bigla akong naguluhan nang makita siya. “That girl is familiar. Saan ko nga ba siya nakita?” nasabi ko. @phiemharc – C1

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook