C16: The Pretender

1972 Words
Chapter 16 – THE PRETENDER Lhorr’s POV “Baka nga wala na talaga ‘yon,” naghihinayang kong sabi. “Ano ‘yong nawawala, Lhorr?” napatanong ni Kately. Napalakas siguro ang sinabi ko kaya narinig ito ni Kately. “Ah, ‘yong bracelet ko kasi nawawala,” walang sigla kong sagot. “Iyong sinabi ko sa inyo na may sentimental value. Ibinigay kasi ‘yon ng childhood friend ko sa probinsya,” dagdag ko. “Hindi mo pa ba nahanap? Saan mo ba kasi inilagay? O baka nahulog mo lang, Lhorr, sa kung saan lang,” usyuso naman ni Kristoff. “Sabihin mo, baka may nagtago at ayaw ng ibalik sa’yo, Lhorr,” gatong naman ni Joshy. “Baka nga!” sabay naman na sabi ng dalawa, parang sumasang-ayon sa sinabi ni Joshy. “Hindi naman siguro―” “Hi, Lhorr!” Napalingon kaming apat nang makita ang pagdating ni Sandara na abot langit ang ngiti. Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng ikinikilos niya. Hindi naman siya gano’n sa t’wing nagkikita kami. Parang may masaya siyang balita na gustong sabihin sa amin. Halos mag-iisang buwan na rin kaming hindi nagkikita ni Sandara. Ngayon na lang ulit kami nag-krus ang landas namin pagkatapos ng nangyari sa akin. Nang nakabalik din ako, hindi pa kami nagkikita at ngayon na lang ulit. I admit I missed her. After what happened to me, the chairman in the running event suggested withdrawing my spot for the upcoming Regional Sports event. I was informed that the participant who replaced me was Sandara. I wasn’t able to complain for I know it’s for my own good. I am happy that Sandara will represent our campus knowing she had a great experience in running. Hindi kasi naging maganda ang huli naming pagsasama ni Sandara. Kaya ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin nang dumating siya. Napayuko na lang ako. Ngunit laking gulat ko nang tawagin niya ulit ang aking pangalan. “Hi, Lhorr. Bakit hindi mo’ko pinapansin? Kumusta ka na?” masigla niyang bati. “A-ah, ayos lang naman ako. Ikaw, kumusta?” “I’m doing fantastic, Lhorr. Don’t mind me. Alam mo naman noon pa na kaya ko na ang sarili ko kahit wala ka. I mean, we are older now at alam na nating magdesisyon mag-isa.” “Mabuti naman kung gano’n. I’m happy to see you enjoying life,” naging sagot ko lang. “Anyway, kaya kita hinahanap kasi may ibibigay ako sa’yo.” “Huh?” nagtataka kong tanong. “Bakit naman? Ano naman ‘yon?” pagtatanong ko pa. Nagtataka lang ako dahil hindi naman siya mahilig magbigay ng mga kung anu-ano. Kilala ko na si Sandara simula pa noon kaya parang may kakaiba sa kaniya ngayon. “Guess what.” “Hay naku, Sandara! Ang dami mo pang pasikot-sikot. Daig mo pa ang mga marites sa kalsada sa dami ng pasakalye,” inip na sabi ni Joshy. “Ikaw talaga, Joshy, kahit kailan epal ka talaga,” agad na sagot ni Sandara. Alam namin na magaling siya sa lahat ng bagay ngunit ang pinaka-ayaw namin sa kaniya ay ang kaniyang ugali. Hindi nila iyon itinatago sa akin. Iba kasi makitungo si Sandara sa kanila ni Joshy, Kately, at Kristoff. Kaya kung kasama namin siya hindi masyadong masalita sina Kately at Kristoff maliban lang kay Joshy. Kahit saan mo kasi dalhin si Joshy talagang may masasabi. Habang tumatagal na dumarami ang taga-hanga ni Sandara ay kasabay din ng biglaang paglaki ng ulo niya. Napapansin ko na ‘yon noon pa. Ngunit hindi ko na lang masyadong binibigyang pansin dahil kaibigan ko si Sandara. Malaki ang papel niya sa buhay ko lalo na noong grade school. Mabait si Sandara sa harap ng marami pero may pagka-maldita naman sa harap namin. At mas lalong napapansin ko ngayon ay maganda siya makitungo kapag may kailangan. Pero ayaw kong bigyan iyon ng mali dahil kilala ko si Sandara noon. Siguro may pinagdadaanan lang siya. “Take a look,” sabi ni Sandara. Ipinakita nito ang isang bracelet. Laking gulat ko dahil pamilyar sa akin ang bracelet na hawak niya. “Teka lang! Bakit na sa’yo ‘yan?” Napatayo ako bigla at walang pag-aatubiling kinuha ang kapira-piraso ng bracelet ko sa kaniyang kamay. “B-bakit pira-piraso ang mga ‘to, Sandara?” naluluha kong tanong. “Anong ginawa mo sa bracelet ni Lhorr, Sandara?!” pagtataas naman ng boses ni Joshy. Bago pa niya pag-initan si Sandara ay kumumpas ako sa kaniya na ayos lang. Ayaw ko munang magalit sila kahit na biglang nadurog ang puso ko. “H-hindi mo ba alam kung ano ang halaga nito sa ‘kin, Sandara?” “Oh, pasensiya ka na Lhorr ha. Ako na nga itong nagmagandang loob na ibalik sa’yo ‘yan parang ako pa ang may mali. Ayaw mo no’n na ako pa mismo ang nagbalik sa’yo ng bracelet mo? Paano na lang kung ang taong nagtago talaga niyan?” inis na sagot niya. “Akala ko magiging masaya ka dahil nakita ko ‘yan. Iyon pala ako lang ang sisisihin mo sa bagay na hindi ko naman ginawa,” may lungkot sa boses niyang sabi. I felt guilty. Hindi ko sana siya kaagad sinisi. Wala akong alam na nag-aalala rin pala si Sandara sa akin. Kaya hinanap niya ang nawawala kong bracelet. “A-ano ang ibig mong sabihin. Hindi ikaw ang nagtago at nagsira nito?” “Bakit ko naman ‘yon gagawin sa’yo? Alam kong mahalaga ‘yan sa’yo kaya tumulong ako maghanap. At hayan, nakita ko sa kamay ng nagtago at sumira niyan. Guess who? Sino pa ba ang nagkaka-interes sa’yo, Lhorr? “Syempre, ‘yong ex mong si Wilb. Alam ko na alam mo na dito din siya nag-aaral. Palagi ka niyang sinusundan, Lhorr. At napag-alaman ko na kinuha niya ‘yan sa iyo. Sa kaniya ko ‘yan nakuha. Mabuti nga nalaman ko na itinago niya ‘yan mula sa ‘yo. Dapat ka sanang magpasalamat sa akin at hindi ‘yong galit ka pa diyan,” mahaba niyang litanya. “I-I’m sorry, Sandara, nabigla lang talaga ako. Sobrang mahalaga lang talaga kasi nito sa akin. Malaki ang pasasalamat ko sa’yo dahil nakuha mo ito sa kaniya,” paghingi ko ng tawad. “Akala ko pa naman nagbago na siya. He’s still the Wilb I’ve known before. Humanda ka sa’kin, Wilb!” gallit kong sabi. “Exactly, Lhorr! Dapat ka talagang magalit sa kaniya. Hamakin mo ‘yon siya ang nagsira ng isang bagay na mahalaga sa’yo. Dinig ko pa naman nagkakamabutihan na daw kayo. Naku, Lhorr. Isipin mo kung ano ang ginawa niya sa’yo noon. Niloko ka niya. Kagaya ko na naloko na rin ni Jaycee,” nakangiti niyang sagot. “Hindi ‘yong sa akin ka pa magagalit. Sabi ko naman sa’yo noon pa na hindi ako bumabalik sa ex. Kagaya mo kaya ako noh, kaya dapat lang talaga natin silang gantihan.” “Salamat talaga, Sandara,” nasabi ko lang. Dala ng galit kay Wilb ay agad kong kinuha ang aking bag sa mesa. Wala akong pakialam kung marami ng nakatingin sa amin. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kakaunti pa lang naman ang mga estudyante na nandito. “Wait lang! Saan ka pupunta, Lhorr?” tanong ni Joshy. Mataman ko siyang tiningnan. “Hahanapin ko si Wilb!” galit kong sabi. “I got your back, Lhorr. Bilisan mo na at hanapin mo na siya. H’wag ka nang maging marupok sa kaniya. Nababagay lang siyang bigyan ng leksiyon,” sabat ni Sandara. Sa sinabi ni Sandara, nabuhayan ang loob ko upang gantihan si Wilb. Sinira niya ang bagay na mahalaga sa akin, kaya dapat din sirain ko ang bagay na mahalaga sa kaniya. Hindi ko na pinakinggan ang sunod na sinabi ng mga kaibigan ko. Kumaripas na ako nang takbo para puntahan kung nasaan man si Wilb. May kutob ako na nasa building lang ng kanilang Department siya. Hindi pa man ako nakakapasok sa building ay bigla akong napahinto. Tumunog ang ringtone ng cellphone ko at dahil iyon sa tawag. Sandara is calling… Tumatawag si Sandara. Ano na naman kaya ang gusto niyang sabihin sa akin? Sinagot ko na lang kaagad ang kaniyang tawag. “May nakalimutan ka bang sabihin?” bungad na tanong ko. “Yes, Lhorr. I just want to remind you na isama mo na rin ‘yong Jorge. Napag-alaman ko kasing magkasabwat sila,” sabi nito. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi na ako nakapagtanong ng agad niyang ibinababa ang tawag. Narinig ko pa ang kaniyang malakas na pagtawa. “Sinasabi ko na nga ba!” galit kong sabi, matapos tumama ang kutob ko. Hindi ko inakala na magkasabwat silang dalawa. Hindi naman ako magtataka dahil magkasama silang nagbantay sa akin sa hospital. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at umakyat sa ikalimang palapag ng building. Nakita ko kaagad si Wilb kasama ang mga kaibigan nito. Mukhang masaya sila sa kanilang pinag-uusapan. Nang makita ko siya, galit lang ang aking naramdaman kaagad. Galit na galit ako sa kaniya. Lumapit ako sa kanila. “Oh, Lhorr, bakit ka nandi―” Plak! Isang malutong na sampal ang binungad ko sa kaniya. Kinamumuhian ko siya. Nagsinunggaling ulit siya sa akin. Akala ko pa naman nagbago na talaga siya. Hindi ko na siya mapapatawad pa. “Wohhh!” sabay na reaksiyon ng mga nakakita. Alam kong hindi nila inasahan ang ginawa ko kay W ilb. Hindi ko pinagsisihan ang nagawa ko sa kaniya dahil ‘yon ang bagay sa kagaya niya. “A-anong problema, Lhorr?” mahinahon niyang tanong. “P-para saan ang sampal na ‘yon?” “Para ‘yan sa katarantaduhan mo! Hindi ka lang pala manloloko no? Isa ka pang magaling na sinungaling!” “Ano bang ginawa ko sa’yo, Lhorr? Hindi ba okay naman tayo no’ng huli tayong nag-usap?” “Wala kang alam, Wilb?! Ang galing mo namang magmaang-maangan diyan!” galit kong sabi. “Bakit na sa ‘yo ‘to?” Pinakita ko sa kaniya ang pira-piraso ng aking bracelet. Nakita kong nagulat siya nang makita ang bracelet ko. “Ngayon mo sabihin sa akin na wala kang alam dito! ‘Di ba natameme ka? Sana nga… sana nga hindi na lang kita ulit pinagkatiwalaan.” Tumalikod ako sa kaniya. Ayaw kong makita muli ang pagmumukha niya. Nang nakalayo na ako ay narinig ko ang kaniyang sinabi na nagpatigil sa’kin. “Si Jorge. Siya ang dahilan kung bakit nasa akin ‘yan,” wika niya. Hinarap ko siya. Naglakad ako ulit papunta sa kinatatayuan niya. “Ulitin mo ang sinabi mo. Sino ang nagtago ng bracelet na ‘to?” “Si Jorge ang nagtago n’yan, Lhorr. Pinaki-usap niya ‘yan sa akin na ako ang magsauli niyan sa’yo.” “Ibig bang sabihin na magkasabwat kayong dalawa? At pinaglalaruan ninyo ako?” may galit sa boses ko. “Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang bracelet na ‘to, Wilb. Alam mo kung gaano ko kinamumuhian ang taong nagsisinunggaling sa akin. Bakit mo itinago sa akin ‘to, Wilb? At bakit mo ‘to sinira?” “Makinig ka muna sa akin, Lhorr. Hayaan mo naman muna akong magpaliwanag.” “Hindi ako makikinig sa’yo, Wilb. Mahirap na pagkatiwalaan at pakinggan ang taong kagaya mo. Lalong-lalo na kung alam mo ang taong nagpapaliwanag sa’yo ay ang sumira ng tiwala mo. Hindi na kita papatawarin, Wilb. Hinding-hindi na,” madiin na sabi ko. Galit ako sa kaniya. Ngunit hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman na sobrang galit kay Jorge. Magkasabwat sila. Kaya dapat lang na magalit ako ng lubos din sa kaniya. Pero bakit hindi ko ‘yon ramdam? “Akala ko ibang-iba ka na. Isa ka pa rin palang magaling na tarantado, Wilb,” sabi ko bago ko siya tuluyang talikuran. @phiemharc – C16
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD