Chapter 3

2002 Words
Shamella Reese Magising ako na para bang may bagay na nakapatong saking baywang. Minulat ko ang aking mga mata at puting kisame ang aking nakita. Napatingin ako sa kamay na nakapatong sa aking bewang. Si doc pala naka upo sa isang silya habang ang ulo nakapatong sa gilid ng kama. Ang isang kamay niya ay nakahawak saking kamay habang nakapatong naman ang isa sa aking bewang. Naramdaman niya atang gising nako kaya nag angat siya ng tingin sakin at minulat ang mga mata niya na halatang kagigising lang. Magdamag ba siyang natulog nang ganito ang posisyon. " You need anything?" Umiling ako at pinagmamasdan pa rin siya. Nakapatong pa din ang isang kamay niya habang ang isa at sinilip niya para tignan ang oras. Base sa relo niya it's seven twenty in the morning. Baka kailangan na siya ng mga pasyente niya. " Ok lang ako baka may gagawin ka pa" " I don't have duty today. Besides ngaun ang discharge mo kaya sasamahan kitang pauwi." Tumango ako at bumangon ng bahagya para sumandal sa uluhan ng kama. " Pano pala ang bill ko dito sa hospital, kailangan ko munang kausapin ang magulang ko dahil wala akong ibabayad dito". "Don't worry I will settle the bill." Inikot ko ang paningin sa buong kwarto. Sapalagay ko sa itsura pa lang ay mahal na ang babayaran dito. "Mukhang mahal ang babayaran dito kaya babayaran ka na lang namin pag uwi ko." "No need. By the way what do you want for breakfast?" Tumayo na siya at lumapit sa lamesita sa tapat ng sofa at kinuha ang kanyang cellphone. Habang ako naman nag iisip ng gusto kong kainin. " Pwede bang pancakes at strawberry?" " Yun lang?" Tumingin siya sakin at tumango naman ako. " How about drinks, chocolate drink or milk?" " Ahmm chocolate na lang" "Ok lang after breakfast ayosin na natin ang mga gamit mo then aalisin na yung swero mo" Tinignan ko ang swerto na nakatusok sakin. May dugong umakyat mula sa karayom. "Okay lang ba ito may umakyat na dugo" Dali dali siyang lumapit at napamura. Pinindot niya ang button sa may taas ng uluhan ng kama at ilang sandali lang may dumating na nurse. "Yes doc" "Can you get some bandages, alcohol and surgical tape?" "Opo doc, may nasugat po ba?" " Wala naman pero tatangalin ko na Yung swero niya since madidischarge na siya today umaakyat na din ang dugo dahil siguro na daganan." "Okay po doc." "Sorry babe nadaganan ko ata pag tulog kagabi" Hinihimas niya ang aking kamay at napaawang naman ang aking bibig dahil malinaw saking pandinig nang tawagin niya kong babe. " Anong sabi mo doc?" Napakunot ang noo niya sa tanong ko na para bang iniisip kung may mali ba siyang nasabi. "I said I'm sorry?" "Hindi yun yung kasunod?" lumapit siya ng husto sa tsaka umupo sa gilid ng kama. " Remember what I told you last time. Will help you to forget your pain." "Pano?"Hinaplos niya ang aking buhok at malamlam ang mga matang nakatingin sakin. "Let me be your rebound, let me be your aid until one day you no longer feel the pain." Nakatingin ako sa mga mata niya. Sinasabi niya bang gawin ko siyang panakip butas sa sakit na nararamdaman ko ngaun. Hindi ako nag salita at nakatingin lang sa mga mata niya. "Let me be your boyfriend in the meantime and I will teach you how to forget him." Pwede ba yun. Yung tatagalin niya lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko. " Think about it" Yumoko ako dahil hindi ko na nakaya ang makipag titigan sa kanya. Hindi pa rin ako nakasagot hanggang sa bumalik ang nurse at sinimulan na niyang tanggalin ang swero sa aking kamay. Maingat niyang tinggal ang karayom at nilagyan ito ng gasa. Kinuha muli ng nurse ang mga ginamit niya at lumabas. Hawak pa din niya ang aking kamay at dinampian ng halik. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Aaminin ko may kaunting tuwa sa ang nararamdaman ko. Ganito pala ang alagan. Hindi ko naranasan Kay Carl ang ganitong mga bagay. Dumating na din ang mga pagkain at tulad ng ginawa niya kagabi siya ang naghain at naglagay sa maliit na mesang ipinatong niya sakin kandungan. Sinimulan na din niyang hiwain ang mga strawberry na hinugasan niya kanina. Siya din ang naglagay ng syrup sa pancakes bago ito hatihatiin. Akmang susubukan niya akong subuan nang abotin ko ang tinidor mula sa kanyang kamay. "Ako na, salamat" Inabot niya sakin at sinimulan ko nang kumain. Napansin kong kanin pala ang almusal niya. Nag order kasi siya ng sinangag na may kasama ng itlog at tapa na mayroon ding kamatis at mga gulay na may mais sa maliit na mangkok. Kumain siya sa aking tabi at nakapatong ito sa table na nakalagay sa tabi ng kama. Magana ang kanyang pagkain at nakakatuwa siyang panoorin. Matapos ang pagkain namin ay siya din ang nagligpit ng mga ito. Siya din ang naghugas ng pinagkainan. Sinimulan ko na din ang pag liligpit ng gamit. Kakaonti lang dahil palagay ko ay bibili niya lang ito para may magamit ako. May mga damit kasi ako na hindi ko alam kung saan galing. Marahil bibili niya ito para sakin dahil may mga tag price pa ang iba rito. Pumili ako ng Isang dilaw na dress para suotin. Matapos mag ayos ay naligo na ako. Sa loob ng banyo ay kompleto ang mga gamit mula sa shower gel, shampoo at mga lotion pambabae. Halatang lahat ay bago. Paglabas ko ng banyo ay nakatingin siya sakin mula ulo hanggang paa. Kasalukuyan kong tinutuyo ang aking buhok dahil walang blower sa loob. "Maliligo ka na din ba?" basag ko sa aming katahimikan dahil para akong napapaso sa paraan ng kanyang pagtingin. Tumango lang siya at lumapit sa akin akmang lilihis ako upang bigyan siya ng daan nang bigla siyang huminto sa harapan ko sabay halik sa aking noo. Sa pagkabigla ay hindi ako nakapgsalita. Hinalikan niya ako sa noo bago siya pumasok sa banyo para maligo. Napahawak ako sa aking noo. Parte ba to ng sinasabi niya pagtulong sakin para makalimot. Pero bakit niya ko tinutulungan. Ano bang dahilan niya at bakit niya ginagawa ito. Pagkatapos niyang maligo at lumabas siya ng banyo na dala lahat ng ginamit namin sa paliligo. Nakaupo ako sa may gilid ng kama at ang suklay ng buhok. Hindi ko alam kung pano siya kakausapin dahil sa paghalik niya sa aking noo. Mula sa sulok ng aking mata at nakikita ko ang kanyang ginagawa. Matapos niyang maligpit at magbihis ay sinigurado niyang maayos na lahat. Siya na din ang nagligpit ng mga gamit sa banyo na natira tulad ng mga shampoo at sabon. Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay umupo at hintayin siyang matapos sa pagliligpit. Inilagay niya sa may pintuan ang Isang bag na nalalaman ng lahat ng aming gamit at Isang back pack kung saan nakalay ang kanyang laptop. Hindi pa rin ako umiimik at nanatiling nakaupo. " Are you ready?" Tumango lang ako ngunit naalala ko pala ang bill ng hospital. "Pano pala yung bill dito sa hospital?" "I already paid earlier, so no need to worry." Nabayaran na pala niya. Siguro Nung maliligo ako. Magkano kaya inabot ng bill ko. Gusto ko sanang tanungin kaso palabas na siya ng silid. Mamaya ko na lang tatanungin kung magkano. Nakalagay na ang kanyang backpack sa kanyang likod at nasa kanang kamay naman niya ang isa duffle bag na. kulay itim. Naglakad ako patungo sa pintuan at hinintay niya ako bago hawakan ang aking kamay at naglakad sa pasilyo ng hospital patungo sa elevator. Madami kaming nakasalubong na mga nurse at doctor. At dahil magkahawak kami ng kamay ay nakita nila kung paano ako hawakan at alalayan nI Doc. Marahil iba na ang kanilang iniisip dahil nakita nila ang aming mga kamay na mag kahawak. Ano kaya ang iniisip ng mga taong nakakasalubong namin lalo na ng mga kasamahan niya sa trabaho. Alam kong sa pag lalakad namin ay nakatuon ang paningin nila sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan ang pag yuko ay magpatianod na lang ako sa kanya kung saan niya ako dadalhin. Hanggang sa nakarating kami sa parking lot ng hospital at isinakay niya ang mga gamit salikod matapos ay pinag buksan niya ko ng pinto sa tabi ng drivers seat. Mukhang mamahalin ang sasakyan niya na kulay itim. Matapos sumakay ay pinaandar na niya ito patungo sa bahay. Napatingin ako sa kanya dahil hindi naman niya ako tinanong kung saan ako nakatira pero alam niya kung saan ako nakatira. Iniisip ko na lang na nabasa niya sa medical record ko. Pag dating sa tapat ng bahay ay nakabukas ang gate bumababa si Doc at pinag bukasan ako. Inalalayan niya ako hanggang sa makabasok sa loob ng bahay. Sa sala naka upo si Mama habang yakap ni papa. Napatingin Sila samin at halatang nagulat Kaya't na patayo si mama at agad na yumakap sakin. " Anak ko, buhay ka!" sigaw ni mama at yumakap ng mahigpit. Rinig ko ang malakas niyang pag iyak. Kaya't pati ako ay naiyak na din. Ilang araw ko lang silang nakita pero sobra na ang pananabik ko sa kanila. Nang humupa na ang iyak namin ni mama at bahagya na siyang lumayo sakin tsaka ko lang napansin na nasa tabi ni papa si Carl. Palapit na sana siya sa amin pero bahagya akong umatras na siya namang pag hawak sa magkabilang balikat ko si Doc at napatingala ako sa kanya. Parang sinasabi niyang hwag akong mag alala dahil nandito na siya. Kaya't humarap ulit ako ulit sa direksyon nila papa na katabi ni Carl. "Anong ginagawa mo dito! Lumayas ka!" Nagulat sila mama sa aking pagsigaw. Sabagay hindi pa nila alam kung anong ginawa sakin ni Carl. " Babe sorry, I was worried about you!" "Babe!" pagak akong natawa sa sinabi niya. " The last time we talked sa pagkakatanda ko ay naghiwalay na tayo!" " I'm really sorry babe!" Humigpit ang hawak sakin ni doc Kaya't nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Siguro tama siya. Dapat pahalagahan ko na ang sarili ko. Muntik ko nang sayangin ang buhay ko dahil sa Isang taong tulad niya. Tama na siguro ang ilang taong pagpapakat*nga ko para sakanya. Akmang mas lalapit siya sakin ng biglang lumipat si doc sa harapan ko upang harangan ang tangkang paglapit sakin ni Carl. " Back off man!" May diin na salita ni doc. "Sino ka ba?" " I'm Shamella's new boyfriend!"may diin sa bawat salita ni doc. Pero dahil sa sinabi niya halatang Naiinis si Carl. Hindi ko alam kung anong arte ba ang gusto niyang palabasin ngaun. Ganyong siya naman itong pinagpalit ako. " Sira ulo ka ba ha!! nung Isang araw lang kami hiwalay tapos you're claming to be her boyfriend!!" " As far as I remember you're now her ex boyfriend since four days ago and now where together so back off!" Akmang susuntukin ni Carl si doc kaya tinulak ko siya palayo l samin. " Ano pa bang ginagawa mo dito hindi ba Ikaw ang nakipaghiwalay sakin. Bakit ka pa nandito, Ano pa bang kailangan mo! Why can't you just leave me and go back to your new girlfriend!" " Babe please let me explain I know my mistakes please forgive" " Don't you dare try to touch me! Nakonsenya ka ba kaya nandito ka akala mo ba patay na ko pwes nagkakamali ka! Kung nakonsenya ka dahil akala ko mo wala na ko well good news for you I'm still alive and I know my worth now". Hindi ko alam kung saan ko makukuha ang tapang ko na harapin siya matapos ang lahat ng ginawa niya sakin. Kung sa ibang pag kakataon siguro baka ako pa ang lumuhod at mag makaawa sa kanya na balikan ako. Pero siguro Tama nga si doc hindi ko na dapat sayangin ang buhay ko para sa kanya. May mga magulang at pamilya ako na mas higit na nagmamahal sakin kesa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD