Shamella Reese
Nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa aking balikat. Kaya't minulat ko ang aking mata. Isang gwapong binata ang tumambad sakin. Napatitig ako sa kanyang mata.
Naka asul na pang itaas at itim na pantalon. Tinitigan ko siya at pilit kinikilala kung sino.
" You didn't eat. Get up and join me."
Umupo ako sa kama at pinag masdan siya. Ibubuka ko pa lang ang aking bibig ng mapansin ang doctor's gown sa sandalan ng upuan at salamin sa ibabaw ng lamesa. Ngaun ko lang napag tatanto na ang gwapong kaharap ko ngaun ay ang doctor na sumagip sakin. Tama nga ang sinabi ng naghatid ng pagkain. Siya ang nag babantay sakin. Ilang araw na ba ko dito sa hospital. Ilang araw na ba niya akong binabantayan. Hindi ba ko hinahanap nila mama. O baka sinabi ni Carl na tumalon ako sa ilog.
Kailangan ko makausap sila mama I kahit si ate.Pero alam kong abala si ate sa trabaho niya sa Laguna.Pero naisip ko sila mama baka nag aalala na sila sakin.
Sa layo na nang na abot ng akong isipin ay hindi ko na namalayan na katitig pala sakin si doc.
"Are you okay?" Hinawakan niya ang aking noo at pinakiramdaman kung mainot ba ko.
"You don't have a fever unlike last night"
"Ilang araw na po ba ako dito?"
" Three days and two nights" Tatlong araw.Kung ganun nakauwi na dapat sila mama ngaung araw.
"Bakit Ikaw ang nagbabantay sakin?"
"We try to contact your parents using the contact number in the hospital record but no one answered".
Landline sa bahay ang number sa record na nakasulat dito sa hospital. Malamang wala pang tao sa bahay kaya walang sumasagot.
"If you want I can call your parents, alam mo ba kung anong number nila?"
Umiling ako at sinabing land line lang namin at sariling cellphone number ko ang kabisado ko. Sinabi niyang susubukan niya muling tawagan ang aking mga magulang.
Maya naya pa ay inalalayan niya ako upang sumandal sa kama at inilapag ang pagkain sa ibabaw ng kama na nakalagay sa maliit na lamesa.
Ito yung pag kain na hinatid kanina pero mukhang ininit niya bago ihain.
bukod sa maliit na refrigerator ay may oven din malapit sa lababo sa tabi ng cr.
Mukhang mamahalin ang kwarto na ito. Panigurado akong mahal ang Isang gabi dito. Mukhang mahal ang babayaran ko dito.
"Kumain kana o gusto mo pang subuan kita?"
Inirapan ko siya, pabago bago siya parang napaka concerned niya. Minsan naman parang napakasungit niya kagaya ngaun.
Kinuha niya ang kanyang pag kain at umupo sa upuan sa tabi ng kama at nilapag doon. Sinimulan ko ng kumain at nang makita niya na kumakain na ko ay ganun din ang kanyang ginawa.
Masarap ang pagkain hindi tulad ng karaniwang pag kain na hinahain ng mga hospital sa mga pasyente na parang walang lasa. Ganun kasi karaniwang nakakain ko pag nasa hospital ako noon kaya konti lang kinakain ko. Ang pagkain namin ngaun ay parang galing sa Isang five star restaurants. Masarap at sariwa ang mga sahog halatang inilito ng Isang chef.
Napadami ang kain ko dahil parang ngaun lang ako nakakain ng ganito kasarap at bukod pa doon ay ilang araw na pala akong nandito sa hospital at ito ang unang beses na kumain ako. Malamang hindi ako nagugutom dahil sa dextrose na naka tusok sakin.
Pagkatapos kumain ay napansin kong tapos na din siya. Mukhang madami din siyang nakain dahil walang natira sa hinatid na pag kain samin.
Akmang tatayo ako para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko nang bigla niyang kinuha ang maliit na lamesa kung saan nakapatong ang lahat ng pinag kainan ko. Kaya wala akong nagawa kung abutin ang Isang bote ng mineral at inunomin. ito. Pag katapos kong uminom ay nilagay ko ito sa side table.
" After fifteen minutes drink your medicine"
Hindi siya direktang nakatingin sakin pero alam kong habang may ginagawa siya ay pinakiramdaman niya ako.
Tapos na din niyang ligpitin lahat ng pinag kainan namin. Umupo siya sa may sofa at kinuha ang bag niya sa gilid nito.Matapos ay nilabas ang laptop niya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at inabot ang gamot sa ibabaw ng lamesita. Binuksan ko ito at ininom kasabay ng tubig.
Napapaisip ako kung bakit nandito pa siya. Hindi naman niya ko kailangan bantayan. O baka natatakot lang siyang ulitin ko ang pagtatangka sa buhay ko.
Pinagmamasdan ko siya mula mukha at hanggang sa hubog ng kanyang pangangatawan. Masasabi kong gwapo siya at medyo may katangkaran. Matangos ang ilong at medyo may mapanga at ang kanyang labi ay mapupula. Medyo mahaba din ang buhok niya dahil lampas sa tenga ang ang kanyang patilya. Medyo wavey din ito. Napakalinis niyang tignan kahit sa napaka simpling kasuotan.
Hindi mo aakalain doktor ang naka upo at nagbabantay sakin. Mas mukha kasi siyang isang modelo.
"Are you done staring at me"
" Feelingero"
Inirapan ko siya at inabot ang remote ng tv para mag hanap ng palabas.Naghanap ako ng palabas at nakita ko ang isang pelikula na kung saan napaka Ganda ng bidang babae. Naaakit akong panoorin dahil sa title ng palabas. Maya maya ay umiyak ang bidang babae at tinanong kung bakit siya iniwan. Then she suddenly asks, "Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?"
Those words are like a knife that keeps on stubbing my heart. I just saw myself as the main lead of this movie. Those are the questions I'm asking myself. Tears from my eyes are starting to fall. I admit for a while, just for a day I thought I forgot him. But I was wrong because deep inside it still hurts the moment I remember him. Lahat ng panahon at oras na nilaan ko para sa kanya. Sa tatlong taon naming pagsasama ni Minsan Hindi naisip na maghihiwalay kami ng ganito. First year college pa lang kami noong nanligaw siya sakin. Tatlong taon na kami at siya ang inspiration ko sa pag aaral. Kahit hindi pa ko tapos ay pinilit kong maghanap ng pagkakakitaan para lang pag may gusto siya ay maibigay ko. Kahit Hindi niya Sabihin bibilhin ko Basta alam kong kailangan niya o magustuhan niya. Kahit pa Isang taon pa lang akong nagtratrabaho halos wala akong maipon dahil lahat inilalaan ko para sa paglabas namin. Parehas pa lang kaming studyante pero lahat ng kaya kong ibigay binagay na material ibinigay ko na.
Then suddenly a shadow of a tall man covered what was being watched and my attention turned to him. He offered me a box of tissues. Without any single word from his mouth. Just a gesture of showing his concern. I looked at his eyes that full of emotions. He seems to be hurting and logging for someone.
"His not worth it, don't waste your tears over a mor*n"
He gently wipes my tears and sat beside my bed.
"If you want I can help to forget him." Then he shook his head.
"No, I mean I will make you forget him like he doesn't exist at all."
Tinignan ko siya na parang bang gusto kong humingi ng tulong at kapitan ang sinabi niya.
" Pano? Sabihin mo sakin? may gamot ba sa sakit na nararamdaman ko? Kung meron please paki bigay na kasi ang sakit dito ang sakit."
Walang humpay ang paghampas ko sa kaing dibdib na parang binabayo para madurog Yung sakit na paulit ulit na namumuo.
He held my hands ang hugged me tight while gently caressing my back. Somehow I feel comfortable. Tumagal kaming magkayakap ng mga limang minuto. Hanggang sa dahan dahan niya akong hiniga at kinumutan. Akamang aalis na siya ay hinawakan ko ang kanyang kamay.
" Dito ka lang hwag mo kong iwanan."
" Don't worry I won't leave you I will stay. Close your eyes."
Naramdaman ko ang marahan niyang pag haplos sakin. Nakaramdam ako ng na para bang may mainit na labi ang dumampi sa ang bibig. ngunit dahil sa antok ay di ko nagawang imulat pa ang aking mga mata. Ang sarap sa pakiramdamdam na para akong batang hinehele ng kanyang mga haplos.