Chapter 1

1424 Words
Shamella Reese agising ako sa lugar na hindi ako pamilyar. Puting kesame. Malawak na silid. Pilit kong inalala ang nangyari. Naalala ko tumalon ako sa tulay. Pero isa lang ang alam ko buhay pa din ako. Huling naalala ko may lalaking tumawag sa pangalan ko. At ang kamay na pilit na umaabot sakin. Iniangat ko ang aking sarili. At biglang bumukas ang pinto. Isang nurse na pamilyar sakin ang pumasok. " Kumusta na Shamella, Kanina ka pa ba gising?" " Kagigising ko lang po, bakit po nandito ako nurse Jane." Kilala ng pamilya ko si nurse Jane dahil bata pa lang ako ay laman na ako ng hospital Nagkaroon kasi ako ng sakit na Asthma ngunit nawala din ito pagtungtong ko ng pitong taong gulang. Dahil sa takot ng aking magulang magkakaroon kami ng yearly checkup. At si nurse Jane ay isa sa mg nurse na matagal ko nang nakikita dito. Maganda si nurse Jane, maputi, ngunit may kaliitan, sa tantsa ko ay nasa mid thirties pero hindi halata. Samantalang ako nasa mid twenties pa lang mukhang stress na stress na sa buhay. Kasalukuyan niyang tinitignan ang vital signs ko. " Ahmm nurse Jane, sino pong nag dala sakin dito." Kasalukuyan siyang nag susulat sa kanyang chat at humarap sakin. "Di mo ba mataan daan, Ikaw talagang bata ka, hindi ka nag iingat buti at nasagip ka ni Dr. Castilliano. Unang araw pa lang niya dito sa Pilipinas ay napasabak na siya sa pag ligtas sayo. Ano bang nangyari sayo at nalunod ka. Alam mo ba dumating dito si Doc na basang basa nagulat kami kasi dapat sa susunod na linggo pa siya dapat mag rereport. Kahit hindi pa on duty ay siya talaga ang nag asikaso sayo at tumingin sayo." Huminto siya at tinignan ako na parang may halong ibang kahulugan. "Nobyo mo ba si Doc?, kasi nung hindi ka pa nag kakamalay ay sigaw siya ng sigaw nang "Please don't do this to me, wake up, wake up" lahat kami awang awa sa kanya kasi parang takot na takot siyang mawala ka" Nanlaki ang mata ko at nailing. "Hindi ko po Kilala si doc at lalong hindi ko pa po siya nakikita". "Ha? talaga, grabe naman na pala tong si doc ang hina pa din hanggang ngaun at kala ko at naka the moves na" "Po?" "Ay naku wala sige na magpahinga kana, nga pala hindi ko ma contact ang parents mo para sabihin ang nangyari sayo. Nasaan ba Sila?" " Nasa out of town po sila" "Hala mag isa ka lang pala ngaun dyan, buti at nasagip ka ni Doc. oh siya mag roving muna ako sa ibang pasyente. Mamaya darating ang pagkain mo ha kumain ka ng maayos." Ngiti lang ang sagot ko Kay nurse Jane at tinanaw siyang palabas ng pinto. Sinagip ako ng kung sinong doktor para mabuhay sa mundong gusto ko nang takasan. Masakit pa din lahat ng nangyari at dama ko pa din ang pait sa pag Iwan sakin. Patayo na sana ako sa mula sa aking higaaan. Hawak ko na nag dulo ng dextrose ko at balak kung tanggalin ito. Nang biglang bumukas ang pinto. At dali daling pumasok ang Isang doktor. " What the F*ck!" Isang doctor ang nagmamadaling lumapit at pinigilan ako sa tangkang pag alis ko ng dextrose. galit na galit ito nang pigilan ako. Matalim ang pinukol kung tingin sa kanya. Siya marahil ang doktor na sumagip sakin. Ang dahilan kong bakit nakakaramdam pa rin ako ng sakit. " SINO KABA? HAYAAN MO NA KO , IKAW BA ANG NAGLIGTAS SAKIN HA!!!! SINO KABA??? HAYAAN MO NA KO !! BUHAY KO TO!" Hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay at binuhat ako pahiga sa kama at umibabaw siya sakin habang nakataas din ang aking mga kamay. galit na galit akong nag pupumiglas sa kanya pero hindi siya nag patalo. "You will end you life just because someone dump you?" Nagpupumiglas ako sa kanya at pilit na inaalis ang kamay niya. Sinubukan ko siyang sipain pero inipit niya ang aking mga hita ng kanyang mga binti at hita para hindi ako makagalaw. " Wala kang alam, pagod na ko, pagod na pagod na kong umiyak, magalit, tangunin ang sarili ko ano pa bang kulang ano pang mali at ayoko nang masaktan. Sobrang sakit na!!!.. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng aking luha at onti onting nanghihina. "Ayoko na pagod na ko". Dahan dahan lumuluwag ang ang hawak niya sakin ngunit hindi pa din siya umalis sa ibabaw ko. Paulit ulit kong pinopokpok ang aking dibdib na para bang ito ang sagot para mawala ang sakit sa loob nito. Tinitigan. niya ako at pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi. "You don't have to give up your life just because someone left you or dump you, Hindi mo ba naisip ang magulang mo? Hindi mo ba naisip na mas maraming dahilan para mabuhay kesa ang sumuko. Maraming pasyente dito ang araw araw nakikipag laban para mabuhay at para madugtungan pa ang buhay. Hwag mong sayangin. Your pain is just temporary believe me... Someday you will just laugh when you realize that your experiences are just a part of the lesson you need to learn in life." Tinignan ko siya sa kanyang mga mata para bang mas nasasaktan siya na makita akong nagkakaganito ngaun. This is my first time seeing him. I don't even know why he was too concerned to me. "Why did you save, Sana hinayaan mo na ko, sana hindi mo na ko niligtas" " I'm a doctor and my job is to save people and not let them die in front of me especially you" I frozed and look at him closely. Why this my man is giving me so much concerned. Hindi ako sumagot at tumayo na siya mula sa ibabaw ko at inaayos ang kanyang damit. Ngaun ko lang napansin matangkad siya, gwapo at sakabila ng salamin sa mata ay ang magandang mata na maraming tinatagong emotion o lihim na hindi ko maipaliwanag. Inaayos niya ang dextrose ko sa kamay at pati ang kumot. Tinigigan niya ako at para akong napasok sa parean ng pagtingin niya kaya iniwas ko na mag Tama ang aming paningin. Doon ko napansin ang buong paligid. Ilang saglit lang ay lumabas na siya.Tumahimik ang paligid. Kaya mas nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdaan ang buong kwarto kung saan ako ngaun. Masasabi kong nasa private room ako dahil magisa lang ako at malawak ang kwarto. May maliit na receiving area sa tabi ng kama ay may maliit na refrigerator. Sa harapan naman ng kama ay Isang flat screen tv sa aking uluhan ay Isang Aircon. sa kabilang gilid naman ng kama ay Isang maliit sa side table na madaming frutas at bulaklak. Naisip ko ilang araw na ba ko dito. Wala pa din sila mama kaya palagay ko wala akong bantay. Pero parang sa gilid kung saan may nakalagay na maliit na kama para sa mga bantay ay may bakas na parang may naghiga. Pinagiisipan ko lahat ng sinabing nag doktor na yun. Tama siya dapat nga na isipin ko ang aking mga magulang. Panigurado akong wala pang alam sila na nandito ako. Si Carl kaya alam niyang tumalon ako sa tulay pero wala siya dito. Baka inakala na niyang wala na nga ako. Baka iniisip na ng aking mga magulang na wala nako. sinabi kaya ni Carl. Sa ginta ng aking pag iisip dumating ang Isang staff ng hospital na may dalang mga pagkain. Siya ata ang taga hatid ng pagkain dito. Pero para naman akong bibitayin sa dami ng pagkain. "Ate bakit po ang daming pagkain?" " Ah special request ni doc. Dito din ata siya kakain ng hapunan. Malapit na din matapos ang duty niya kaya sinabay ko nang dalhin. Tuld kagabi ay ganun din ang ni request niya. Buti at gising kana hindi na mapupuyat si doc. kakaalala saiyo." Pinag masdan ko ang mga pagkain nakalagay sa maliit na mesa sa receiving area sa kanyang bahagi ng silid. Halos gulay at isda ang nakahain may konting karne pero. Karne ng manok ang mga ito. Parang pang tatlo o apat na tao ang kakain. Siguro ay may kasama siyang magbantay. Bakit kaya niya ako binabantayan. Natatakot ba siya na gawin ko ulit iyon. Siguro natatakot lang siya na Hindi ako mailigtas. Ganun. naman ang mga doctor. Tama siya trabaho niya ang magligtas ng buhay ng lahat ng pasyente niya. Sa lalim ng pagiisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD