Episode 27

1295 Words
Isang umaga, nagising si Leina at lumabas ng kwarto, bigla itong umiyak at naupo sa sofa, wala lang iyak lang siya ng iyak, maya maya ay nagising si Matt at nagtaka siya kasi wala si Leina sa tabi niya, bumangon siya at nagbanyo muna saka lumabas nang kwarto, kinabahan siya nang makita ang asawa na nakaupo sa sofa at umiiyak, nilapitan niya ito at niyakap, yumakap rin ito sa kanya "Mahal, anong problema?" ani ni Matt "Hindi ko alam, basta naiiyak lang ako" "Ha? Nalulungkot ka ba?" "Oo" "Bakit?" "Hindi ko alam" "O sige Mahal, dito lang ako sa tabi mo" "Mahal, samahan mo muna ako dito ah?" "Oo Mahal ko, sasamahan muna kita" sabay halik sa noo ni Leina, hindi na kumibo si Leina pero nakayakap pa rin ito sa asawa, maya maya ay nakatulog ulit ito, binuhat ito ni Matt papasok sa kwarto at inihiga sa kama, humihikbi pa ang asawa, humiga ulit siya sa tabi nito at niyakap "Grabe naman magbuntis ang misis ko, kung ano-ano ang hinahanap, kung ano-ano ang nararamdaman, kawawa naman tong asawa kong to" nangingiting ani ni Matt, niyakap niya lang ang asawa, maya maya ay nakatulog rin siya. Halos 10am nang magising ulit sila, tiningnan ni Matt ang asawa na nagpupunas ng mata "Mahal ko, okay ka na?" "Medyo" "Medyo lang?" "Gutom na ako ehh" Napangiti si Matt "Anong gustong kainin ng asawa ko?" ani ni Matt sabay haplos sa pisngi nito "Gusto ko ng tapsilog" "Ganun ba? Wala tayong tapa dyan eh, pero sa baba, merong tapsilog yung isang resto dun, gusto mo?" ani ni Matt, tumango naman si Leina "O sige na Mahal, mag-ayos na tayo okay? Para makakain na ang Mommy Mahal at Baby Mahal ko" "Mahal, pagkatapos punta tayo kina Mama ha? At saka pwede ba dun muna tayo matulog ngayong gabi?" "O sige, wala namang problema dun, kung dun ka sasaya Mahal ko, ayoko kasing nalulungkot ka" sabay himas sa pisngi nito, hinawakan naman ni Leina ang kamay ni Matt na nasa pisngi niya at saka ngumiti "Thank you, I love you" "I love you too" sabay halik sa labi ng asawa "Ano? Lika na? Kain muna tayo bago umuwi sa inyo" "Sige" Nag-ayos na nga ang dalawa tapos ay bumaba na sila para kumain saka umuwi sa bahay nila Leina "Mama" ani ni Leina, biglang tumulo nanaman ang luha niya sabay yakap sa ina "O bakit?" ani ni Aling Linda sabay tingin kay Matt, nagkibit balikat naman si Matt "Mama namiss lang kita" "Naku ang buntis namin" nangingiting ani ni Aling Linda "Mama pwede kami matulog dito?" "Oo naman, pwedeng pwede kaya lang wala kaming aircon Matt" "Naku wala pong problema Ma" ani ni Matt sabay tingin kay Leina "Asawa ko, kailangan ko dumaan sa opisina ngayon, pinapakuha na yung clearance paper ko, marami pang pipirma dun, pero kukunin ko lang, saka na ako magpapapirma" "Sige Mahal, ingat ka" Hinaplos naman ni Matt sa pisngi ang asawa "Anong gusto mong ipasalubong ko sayo?" "Hmm, siopao bola bola tapos may pula sa gitna" Natatawang naiiling si Matt "O sige Mahal ko, dito ka lang ha? Magpahinga ka, wag ka nang malungkot, andito si Mama" Tumango naman si Leina "Uwi ka agad ha?" "Oo Mahal ko, sandali lang ako" "Mamimiss kita eh" sabay yakap kay Matt "Ako rin" "Ang mabuti pa anak, pumunta ka na sa kwarto niyo at magpahinga ka muna" ani ni Aling Linda "Sige ihahatid na kita sa kwarto" ani ni Matt, tumalikod na sila at pumasok na nga sa kwarto, nahiga si Leina sa kama, maya maya ay nakatulog na ito, hinalikan niya ito sa noo at hinimas ang buhok, maya maya ay tumayo na si Matt at lumabas na, nasalubong naman niya ang biyenan galing kusina "O, tulog na ang asawa mo?" "Opo Ma, bakit kaya nagkaganun si Leina?" "Buntis kasi, parte siguro ng paglilihi niya, pero madalang kasi ang ganyan sa buntis, pagpasensiyahan mo na lang kung minsan emotional siya" "Wala po yun Ma, nagwoworry lang ako talaga ako sa kanya, hindi ako sanay" "Magiging okay rin siya" "Sabagay nga po, paano po Ma alis po muna ako pero babalik rin ako agad" "O siya anak, ingat ka" "Thank you po" sabay halik sa pisngi ng biyenan saka siya umalis, maya maya ay nakarating rin siya sa opisina nila at kinuha ang Clearance Papers niya, palabas na siya sa lobby nang tawagin siya ni Ria "Matt" Nilingon niya ito "Why?" "Ahm, remember yung necklace na binigay sa akin ng mommy ko?" "O?" "H-Hindi ko kasi makita, baka nasa condo" "Wala ka nang gamit sa condo, pinadala ko na sa inyo ang mga gamit mo, wala ba dun?" "W-Wala eh, akala ko nga andun" "Hindi ko alam" "Ahm, baka pwede kong hanapin sa condo, saglit lang naman, alam mo naman importante sa akin yun" Saglit na nag-isip si Matt "Sige, pero sandali lang ah, bilisan mo lang ang paghahanap kasi babalik pa ako sa bahay ng biyenan ko" "Oo, sandali lang, promise" "Lika na" ani ni Matt at saka siya tumalikod, ngingiti ngiti namang sumunod si Ria sa kanya, sumakay sila sa kotse ni Matt at saka umalis na, pagdating nila sa condo ay naghanap na sila, tinulungan na rin ni Matt si Ria "Ahm, Matt pwede makiinom? Nauuhaw na kasi ako" "Sure sige" tumalikod naman si Ria at pumunta sa kusina, pagbalik niya ay may dala na siyang juice para kay Matt "Matt, inom ka muna, baka uhaw ka na" Inabot naman ni Matt ang juice "Salamat" at saka ito ininom "Paano yan? Mukhang wala naman dito ang kwintas mo" "Oo nga eh, tsk, remembrance pa naman ng mommy ko yun sa akin" Nang biglang sumakit ang ulo ni Matt, ngumiti naman si Ria, ilang saglit lang ay parang tumitindi ang sakit ng ulo ni Matt na may kasamang hilo "s**t, ano ba tong nangyayari?" "Why?" "Biglang sumakit ang ulo ko" "Ang mabuti pa magrest ka muna, baka sa init yan" "Oo nga" "Lika tutulungan kita pumasok sa kwarto" ani ni Ria, tumayo naman si Matt at inalalayan ito ni Ria na pumunta sa kwarto, pagkahiga sa kama ay nawalan na ng malay si Matt, ngingiti ngiti si Ria, naupo siya sa gilid ng kama at sinimulan nang hubaran si Matt, walang tinira, ganun din ang ginawa niya at wala siyang tinirang saplot sa katawan at nahiga sa tabi ni Matt saka yumakap, hinalikan niya pa ito sa labi. Sa bahay naman nina Leina, tinatawagan ni Leina si Matt pero hindi ito sumasagot, ang sabi nito ay babalik agad, kanina pa siya excited sa pasalubong nitong siopao, maya maya ay may nareceive siyang message, video ito ng pagsakay nina Ria at Matt sa kotse mula sa parking ng opisina nila, kasunod nun ang message na "Nasa condo sila ngayon" Napahawak si Leina sa dibdib at tumulo ang luha niya, nagbihis siya at palabas na ng bahay nang tawagin siya ng mama niya "Anak, san ka pupunta? Nagbilin ang asawa mo na magpahinga ka muna ah" "M-May bibilhin lang po ako saglit Ma" "O sige, bilisan mo baka maya maya andito na yun si Matt" "Opo" at saka ito tumalikod, nagtaxi na lang siya para mas mapabilis ang pagbalik niya sa condo, kabadong kabado siya, hinihiling niya na sana nagsisinungaling ang nagpadala sa kanya ng message, maya maya ay nakarating siya sa condo, binuksan niya ang pinto at unti unting pumasok, nakita niya pa sa lamesita ang isang baso ng juice, unti unti siyang lumalapit sa pinto ng kwarto nila, at hawak ang dibdib niya, kinakabahan talaga siya, nanginginig ang kamay niya na binuksan ang pinto, at biglang nagsunod sunod ang tulo ng luha niya, kitang kita niya, si Ria at Matt, hubot hubad sa kama nila, magkayakap at natutulog, hindi siya makapagsalita, iyak lang siya ng iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD