Kinakabahan siyang pumasok sa kwarto nila at dun niya nakita sina Matt at Ria na magkayakap, hubot hubad at magkayakap, hindi siya makapagsalita, iyak lang siya ng iyak, nang maramdaman niyang may umaagos sa binti niya, pagtingin niya ay may dugo na siya, humugot siya ng lakas para sumigaw, biglang napabangon si Ria at napatingin kay Leina, si Matt naman ay napabangon rin at hawak pa rin ang ulo niya at saka pa lang siya napatingin kay Leina
"Mahal" gulat na ani ni Matt at napansin niyang dinudugo ito, tumayo siya at dun niya lang napansin na hubot hubad siya at katabi niya rin si Ria na wala rin ni isang saplot sa katawan, hindi siya nakapagsalita
"Baby ko" iyak ani ni Leina, napaupo na ito sa sahig, nilapitan siya ni Matt
"Mahal ko" iyak na ani ni Matt, dali dali siyang nagbihis at binuhat ang asawa palabas ng condo, naiwan naman si Ria na ngingiti ngiti at nagbihis na rin, isinakay ni Matt si Leina sa kotse, awang awa siya sa asawa, dinala niya ito sa ospital
"Doc please tulungan niyo ang asawa ko at ang baby ko, iligtas niyo sila please" iyak na ani ni Matt, hindi niya maisip kung paano sila dumating sa sitwasyong ganun, nagising siya katabi si Ria at parehas silang walang saplot, si Leina dinudugo sa may pintuan, at ang natatandaan niya lang ay hinahanap ni Ria ang kwintas nito nang biglang sumakit ang ulo niya, hanggang dun na lang ang natatandaan niya, maya maya ay lumabas ang doctor
"Doc, kamusta?"
"Binigyan na namin siya ng gamot to stop the bleeding, pero imomonitor muna namin siya"
"Ang baby namin?"
"Gagawin po namin ang lahat to save the baby, sa ngayon po she needs to be monitored"
"Sige po Dok, kahit ano po Dok, basta mailigtas lang po ang mag-ina ko"
"Sige Sir"
Dinala si Leina sa isang private room, tulog pa ito nang dumating si Aling Linda
"Matt, ano bang nangyari? Naguguluhan ako"
"Honestly po, hindi ko rin po alam"
"Eh ang paalam niya sa akin may bibilhin lang siya, sinabihan ko pa nga na bilisan kasi baka dumating ka na, san ba kayo nagkita?"
"S-Sa condo po"
"O bakit sa condo?"
"Ma, hindi ko alam, galing akong opisina eh, tapos nilapitan ako ni Ria hinahanap ang kwintas niya, sabi ko wala na siyang gamit sa condo, tapos para makasigurado sinamahan ko siyang hanapin ang kwintas, tapos biglang sumakit ang ulo ko ng matindi, wala na akong matandaan, nagising ako sa sigaw ni Leina, dinudugo na po siya, tapos po dun ko napansin na magkatabi pala kami ni Ria sa kama, walang saplot"
Bigla siyang sinampal ng biyenan, halos mabingi siya "Sinong tanga ang maniniwala sa kwento mo Matteo?" umiiyak na ani ng biyenan "Hubot hubad kayo ng ex mo, magkasama kayo, kaya dinugo ang anak ko dahil sa inyo, ang kakapal niyo naman, minahal ka ng anak ko Matteo, kailan lang kayo kinasal niloloko mo na"
"Ma, wala akong kasalanan, hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganung sitwasyon"
"Putang ina Matt, hindi ako pinanganak kahapon, wag mo akong lokohin na wala kang alam sa nangyari, sana hindi na lang ako pumayag na pakasalan mo ang anak ko, akala ko mahal mo talaga siya"
"Mahal ko po ang asawa ko Ma" iyak na ani ni Matt
"Huwag mo akong matawag tawag na ganyan, dahil hindi kita anak, hindi kita kaano ano, ang mabuti pa lumayas ka na dito ngayon, wag ka nang magpapakita sa anak ko kahit kailan"
"Pero si Leina lang po ang pwedeng magdesisyon niyan"
"Tingin mo gugustuhin ka pang makita ni Leina pagkatapos ng lahat? Eto ang sinasabi ko sayo Matt, oras na may mangyaring hindi maganda sa anak o sa apo ko, mananagot ka kasama ng kabit mo"
"Wala po akong kabit, si Leina lang ang mahal ko"
"Umalis ka na" ani ni Aling Linda at itinulak niya si Matt palabas ng kwarto "Umalis ka na at wag ka nang babalik, alis!" patuloy na tulak nito hanggang sa nakalabas ito ng pinto, iyak ng iyak si Matt sa may labas ng pinto, wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga dumadaan
"Mahal, please, sorry, maniwala ka sa akin" iyak na ani ni Matt, hindi pa rin siya umalis at naupo na lamang sa sahig, sa loob naman ng kwarto, awang awa si Aling Linda sa anak, naupo siya sa may tabi nito at hinimas ang buhok
"Anak, andito lang si Mama, kayanin mo pakiusap, andito lang ako" ani nito habang umiiyak, maya maya ay unti unti nang nagising si Leina "Anak"
"Ma" iyak na ani ni Leina
"Sssshhh, baka makasama sayo"
"Ang baby ko? Kamusta ang baby ko?"
"Okay ang baby anak, magpahinga ka lang at wag ka nang mag-isip"
"Mama si Matt" ani ni Leina "Niloko niya ako Ma, ang sama sama niya"
"Shhh, wag kang mag-alala anak, pinaalis ko na siya, hinding hindi papayag si Mama na makalapit pa si Matt sa inyo ng baby mo"
"Ma, mahirap ba talaga akong mahalin? Hindi ba ako talaga ako nagawang mahalin ni Matt?"
"Anak, hindi ka mahirap mahalin, hindi lang talaga marunong makuntento ang asawa mo sa isa, nagkamali rin ako, akala ko matino siya kaya pumayag ako na magpakasal ka sa kanya pero hindi pala, masama pala siya"
"Ma, mahal na mahal ko si Matt, paano na ngayon to? Paano na kami ng anak ko?"
"Shhh, andito si Mama, magtutulungan tayo para sa anak mo"
"Mama" iyak na ani Leina, niyakap naman siya ng ina niyang awang awa sa kanya
Pinuntahan ni Matt ang doktor na tumitingin sa asawa "Dra. kamusta po ang asawa ko, si Heleina Ledesma"
"Ahm Sir, to tell you honestly, medyo delikado ang lagay ng asawa niyo kaya kailangan muna siya maconfine, bawal na bawal po siyang mastress at kailangan niyang magbed rest, actually Sir, kambal ang magiging baby niyo kaya mas critical ang kondisyon ng mag-iina niyo"
"Kambal po?"
"Opo Sir"
"Okay po ba sila?"
"Okay naman po, wag lang magbibleeding ulit si misis, ialis niyo po muna siya sa mga tao, bagay o sitwasyong makakastress sa kanya, dahil baka mawala po ang mga anak niyo"
"O-Opo Dra, sige po salamat" at saka umalis, tulala siyang naglalakad, kambal ang anak nila, at delikado ang buhay ng mga anak niya, at kailangang ilayo si Leina sa taong makakastress sa kanya, at siya yun, napaiyak nanaman siya, napagdesisyunan niyang pumunta na sa parking at sumakay sa kotse niya, hindi pa siya umalis, nakaupo lang siya, napalingon siya sa passengers seat, may mga dugo pa yun galing sa asawa niya, lalo siyang napaiyak, para na siyang mababaliw, hindi niya alam ang gagawin, hindi niya kayang mawala ang pamilyang sinisimulan pa lamang buuin.
Maya maya ay napagdesisyunan ni Matt na umuwi muna sa condo, parang umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang makita si Ria na nakaupo sa sofa
"Hayop ka" ani ni Matt, sabay lapit dito "Hindi ka pa talaga umalis"
"Matt, wag kang magalit sa akin, ginusto natin ang nangyari"
"Anong pinagsasabi mo?" kunot noong ani ni Matt
"Sumakit ang ulo mo, hinatid kita sa kwarto para makapagpahinga, pero nung nakahiga ka na bigla mo akong hinalikan at sinabi mong ako pa rin ang mahal mo"
"No, hindi yan totoo"
"Totoo yun, bakit ba hindi mo matandaan?" iyak na ani ni Ria "Mahal pa rin kita kaya pumayag ako na may mangyari sa atin, muli kong naramdaman ang pagmamahal mo sa akin, ako pa rin talaga yun Matt"
"No, hindi yan totoo, si Leina lang ang mahal ko, ang asawa ko"
"Eh ako? Bakit mo ako sinex kanina? Bakit tayo nagsex?"
"Wala akong matandaan, masakit nga ang ulo ko at wala akong natatandaan tapos makikipagsex pa ako sayo?"
"Ginawa natin yun Matt, believe me"
"Umalis ka na Ria please lang, bago ko makalimutan na babae ka"
Kinuha ni Ria ang bag "Babalik ka rin sa akin Matt, believe me babalikan mo ako" ani ni Ria sabay talikod kay Matt at ngingiti ngiti saka tuluyang lumabas ng pinto.