After one week ay pwede nang lumabas ng ospital si Leina, malungkot pa rin siya pero kailangan niyang maging maayos para sa mga baby niya, alam niyang kambal ang anak niya kaya mas kailangan niya talagang mag-ingat, hindi lang doble, kundi triple, pumunta na sa may cashier si Aling Linda para magbayad
"Mam, bayad na po ang bill ni Mrs. Ledesma"
"Ha? Bayad na?"
"Opo may nagbayad po na babae kanina"
"Sino?"
"Hindi po nagsabi"
"Sige salamat" nagtataka man ay umalis na si Aling Linda para balikan si Leina, ang nagbayad ng bill ni Leina ay si Sarah, pinakiusapan ito ni Aldrin at Matt na siya ang magbayad sa bill pero kay Matt galing ang pera, nasa may sasakyan na sila
"Salamat Sarah" ani ni Matt
"Kung talagang wala kang kasalanan dapat hinaharap mo ang kaibigan ko"
"Bawal siyang mastress, pag nakita niya ako baka lalo siyang mastress sa akin, ayokong may mangyari sa kanila ng mga anak namin"
"Sigurado ka bang wala kang ginagawang masama?"
"Wala Sarah, mamamatay man ako ngayon wala akong ginagawang masama"
"Sana nga Matt"
"Ahh Sarah" ani ni Aldrin "Pwedeng dalawin mo mamaya si Leina?"
"Dadalawin ko talaga siya"
"Balitaan mo naman kami sa kalagayan niya"
"Ahh gagamitin niyo ako para mag espiya sa kaibigan ko"
"Hindi naman sa ganun Sarah" ani ni Matt "Gusto ko maging parte pa rin ako ng pagbubuntis ng asawa ko, gusto ko pa rin silang suportahan kahit sa malayo"
"So wala ka ngang balak harapin si Leina"
"Hindi ngayon Sarah, ayokong may mangyari sa kanila ng mga bata, pag tapos na ang lahat haharapin ko siya, tatanggapin ko ang lahat ng galit niya, pero hindi ngayon para sa kanila na rin ng mga bata"
"O siya sige, tutulungan kita Matt"
"Salamat Sarah" ani ni Matt tumango naman si Sarah
"Gusto ko bilhan ng mga gamit ang mga bata"
"Naku wag muna Matt, wag muna ngayon" ani ni Sarah "Saka na, pag malapit nang manganak si Leina, may kasabihan kasing ganun, dapat daw binibilhan ng gamit ang baby pag malapit nang ilabas"
"Ganun ba yun?"
"Walang mawawala kung susundin natin"
"O sige, basta babalitaan mo ako ah"
"Oo ako nang bahala"
Kinahapunan ay nagpunta si Sarah sa bahay nila Leina, kasalukuyan naman itong nakaupo sa kama sa kwarto niya
"Friend, how are you?"
Biglang tumulo ang luha ni Leina at yumakap kay Sarah, naawa naman si Sarah sa kaibigan "Niloko lang ako ni Matt"
"Sssshhh, wag mo na siyang isipin, bawal ang mastress sayo friend"
"Kambal pa ang anak ko"
"Eh di maganda"
"Paano kami mabubuhay ng mga anak ko?"
"Wag kang mag-alala, andito naman kami, tutulong ako"
"Hindi na kailangan friend"
"Hayaan mo akong tumulong, pwede ba namang pabayaan ko kayo ng mga inaanak ko?"
Tumulo ulit ang luha ni Leina at yumakap sa kaibigan "Salamat, wala na rin akong balita sa ama nila, mula nang dinala niya ako sa ospital at pinaalis siya ni Mama hindi na siya nagpakita sa akin, baka masaya na silang nagsasama ni Ria, siya naman talaga ang mahal ni Matt, ang malas ko noh?"
"Wag mong isipin na malas ka, may blessing kang matatanggap friend, dalawa pa"
"Oo nga, yun na lang din ang iniisip ko friend"
"Tama ang baby na lang ang intindihin mo"
"Salamat dumalaw ka"
"Yaan mo lagi kitang dadalawin hanggang maging okay ka at mailabas mo na ang mga chikiting sa tiyan mo"
Ngumiti si Leina at hinimas ang tiyan niya, kahit gaano pa niya kamahal si Matt kailangan na niyang kalimutan ito dahil ang mas importante ngayon ay yung mga anak niya.
Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, six months na ang tiyan ni Leina, sinamahan siya ni Aling Linda at Sarah na magpa-ultrasound
"Dra, kamusta po?" ani ni Aling Linda
"Baby Girl po yung isa, yung isa medyo mahiyain" nakangiting ani ni Dra
"Naku ang mga apo ko, dapat magmana kayo sa mommy niyo na makapal ang mukha"
"Grabe ka sa akin Mama" natatawang ani ni Leina
"Ayun" ani ng Dra "Congratulations po Misis, dalawang Baby Girl ang anak niyo"
"Talaga po?"
"Oo"
"Okay po ba sila?"
"Oo parehas malikot o"
"Kaya nga po eh"
"Ay may Cruzita at Chabelita na kami" ani ni Aling Linda
"Ma, hindi yun ang ipapangalan ko sa kanila"
"Eh di palayaw" nakangiting ani ni Aling Linda "Nakakaexcite naman"
Maya maya ay nakauwi na sila, at umalis na rin si Sarah, inantay naman niya si Aldrin sa labas ng subdivision nila Leina, maya maya ay may humintong sasakyan sa tapat niya at sumakay siya
"Ano? Nasamahan mo?"
"Oo, excited nga ang Lola, dalawang babae kasi ang anak ni Leina"
"Talaga?" ani ni Aldrin "Kawawa naman si Matt"
"Asan ba siya?"
"Sinundo ang parents niya sa airport"
"Ahh uuwi na pala ang parents niya?"
"Bakasyon lang daw"
"Sayang, mukhang hindi nila makikilala ang mga apo nila"
"Pero sana maging okay pa rin sila ni Matt, naaawa na ako kay Matt sa totoo lang, ang laki kaya ng binagsak ng katawan niya"
"Eh ang Ria?"
"Ayun panay pa rin ang lapit kay Matt kahit pinagtatabuyan na siya nito, pinipilit niya na totoong may nangyari sa kanila, grabe na yung babaeng yun"
"Baka nga totoo"
"Hindi ako naniniwala, matagal ko nang kilala si Matt, never nga yang nagtwo time, one woman man yang si Matt"
"Mas nakakaawa si Leina, paano niya haharapin ang buhay niya ngayon? May dalawang baby na kailangan niyang buhayin"
"Kaya nga tutulong si Matt sa pamamagitan mo"
"Hindi kaya makahalata si Leina?"
"Basta ikaw na ang bahala dun, o paano ihahatid na kita sa inyo, susunduin ko pa GF ko"
"Hindi, ibaba mo na lang ako sa Megamall, may kikitain lang ako"
"Sino? Jowa mo?"
"Paki mo ba?"
"Nagtatanong lang, o sige sa Megamall ba Maam?"
"Oo bilisan mo" natatawang ani ni Sarah
"Siraulo" natatawa ring sagot ni Aldrin
"Hoy Aldrin, sabihin mo pala kay Matt pwede na niyang bilhan ng gamit ang mga baby"
"Talaga? Sige, pero ang tanong marunong kaya yun?"
"Yun lang"
"Di bale, yaan mo sasabihin ko"
"Okay" ani ni Sarah "Kuya Megamall lang po ah"
"Bwisit ka" natatawang ani ni Aldrin