Sinundo ni Matt ang mga magulang at umuwi na sila sa condo, nalulungkot si Minda sa nangyari sa anak, alam niyang sinadya yun ni Ria, pero hindi niya masabi kay Matt dahil malalaman nito na minsan niyang kinausap si Ria para masira ang anak at si Leina, pero kahit sinabi niyang wag na ay tinuloy pa rin ni Ria ang plano nito, naupo si Matt sa sofa at nakatingin sa kawalan, tinabihan naman ito ng ina
"Matt anak" ani ni Minda, tumingin naman si Matt sa kanya "Masyado ka nang haggard, ang laki ng binagsak ng katawan mo"
"Ang totoo Ma, wala na akong ganang mabuhay, more than three months ko nang hindi nakikita ang asawa ko, hindi ko alam kung ano na ang lagay ng mga anak ko" iyak na ani ni Matt "Sinira ni Ria ang buhay ko Ma"
Tumulo ang luha ni Minda at niyakap ang anak "Gusto mo tulungan ka namin ng Papa mo?"
"Ma, hindi na po, alam rin naman po ni Leina na ayaw mo sa kanya, pero nakahanda siyang tiisin yun alam mo ba yun Ma? Ayaw niya ngang magkagulo tayo dahil sa kanya"
"Anak, sorry"
"Sige po Ma, magpapahinga po muna ako, kayo rin po magpahinga na po kayo" sabay tayo at pumasok na sa kwarto niya, naiwan namang umiiyak si Minda, awang awa siya sa anak niya pero hindi naman niya alam ang gagawin ngayon, kung maaayos pa ba ang gulong ginawa ni Ria
Lumipas pa ang mga araw, dinalaw ni Sarah si Leina
"Friend" ani ni Sarah "Gusto mo ibili natin ng gamit si kambal?"
"Ha? Wala pa ang pension ni Mama, nag iipon pa nga kami para sa panganganak ko"
"Sige ako na ang bahala"
"Ha? Ang dami mo namang pera friend"
"Hindi naman sa ganun, sige na excited akong bumili ng gamit para sa kambal, sige na" pilit ni Sarah
"Salamat ahh"
"Wag mo nang isipin yun, sige na magbihis ka na"
"Okay sige"
Nagbihis na nga si Leina at umalis na sila ni Sarah, nagpunta sila sa mall at dun sila mamimili ng mga gamit, lingid sa kaalaman ni Leina ay andun rin si Matt, sinusubaybayan sila nito, halos maluha si Matt nang makita ang asawa, ramdam na ramdam niya ang pagkamiss dito, ang laki na rin ng tiyan nito, gustong gusto na niya itong lapitan at himasin ang tiyan nito, gusto niyang maramdaman ang mga anak, binigyan niya ng pera si Sarah para mabilhan ng gamit ang mga anak nila, gustong gusto na niyang lumapit sa mga ito, nang may biglang kumalabit sa kanya
"Anong ginagawa mo dito?"
"May bibilhin sana ako nang makita kita" ani ni Ria
"Pwede ba lumayo ka sa akin"
"Matt"
"Ria please, ayoko nang magkaroon ng kaugnayan sayo" sabay layo kay Ria, nakayuko siya habang naglalakad kaya hindi niya napansin na may nabangga siya, nalaglag ang dala nitong baby dresses, pinulot niya yun "Naku sorry" sabay tingin sa nabunggo niya at naluha siya "Leina, Mahal"
"Matt" ani ni Leina, para siyang nakaramdam ng awa sa asawa niya, malalim ang mga mata nito at halatang walang tulog, malaki rin ang pinayat nito, biglang umiyak si Matt sa harapan niya, hindi niya rin napigilan ang sarili na lumuha
"Leina" ani ni Sarah "Gusto mo ba na mag-usap muna kayo ni Matt?"
Hinawakan niya ang tiyan, bigla kasing naglikot ang mga anak niya, parang excited din mga ito dahil alam nilang malapit lang ang Daddy nila "Sige"
"Text mo na lang ako kung saan kita babalikan" ani ni Sarah "Matt, ikaw na ang bahala"
"Sige salamat" ani ni Matt, tumalikod naman na si Sarah, humarap naman si Matt kay Leina, unti unti niyang tinaas ang kamay ay hinaplos ang asawa sa pisngi
"Ang payat mo, anong nangyari sayo? Dapat diba okay ka? Dapat masaya ka" ani ni Leina
"Paano ako sasaya? Kung wala naman sa akin ang asawa at mga anak ko"
"Magkakaroon rin kayo ng anak ni Ria"
"Hindi, ayoko, may mga anak na ako, at isang babae lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko"
Napailing si Leina "Wag mo na akong bolahin Matt, tama na, tanggap ko na, kailangan kong tanggapin na hindi mo talaga ako mahal"
"Mahal kita"
"Bakit sinaktan mo ako?" iyak na ani ni Leina
"Please, makinig ka sa akin, wala akong alam sa nangyari, ang alam ko lang sumakit ang ulo ko"
"Bakit nasa condo si Ria?"
"Hinahanap niya kasi ang kwintas niya, baka raw nasa condo pa kaya hinanap namin dun"
"Alam mo bang may nagsend sa akin ng video? Na pasakay kayo ng kotse ni Ria kasunod nun yung message na sinasabi niya na nasa condo kayo, kaya nagpunta ako"
"Ha?"
"Oo"
"Nasa iyo pa ba ang message na yun?"
"Oo nasa akin pa"
Hinawakan ni Matt sa magkabilang braso si Leina "Gusto ko paimbestigahan kung kanino galing ang message na yan" nagtitigan silang dalawa, unti unting niyakap ni Matt ang asawa, gumanti naman ng yakap si Leina "Asawa ko, mahal na mahal kita"
"Bakit ganun? Parang hindi tayo para sa isat isa?"
"Hindi totoo yun, tayo ang para sa isat-isa"
"Naniniwala ka dun?"
"Oo naniniwala pa rin ako, pagsubok lang tong dumarating sa atin ngayon" ani ni Matt, humiwalay siya ng yakap sa asawa at humarap siya dito "Kain tayo, bayaran na natin yan, teka bakit yan lang?"
"Si Sarah kasi ang magbabayad nito, nakakahiya naman kasi"
"Kumuha pa tayo, ako na ang bahala" ani ni Matt
"Wag na"
"Hindi pwede, anak ko rin sila" sabay hawak sa tiyan ng asawa, napangiti siya nang maramdaman niyang gumalaw ang mga anak "Gumagalaw sila Mahal"
"Masaya sila, kanina pa sila galaw ng galaw, mula nang lumapit ka"
"Miss na miss kita, kayo"
"Miss na rin kita"
Hinawakan ni Matt sa magkabilang pisngi ang asawa at hinalikan ito sa labi "Mahal na mahal kita"
"Paano si Mama? Galit siya sayo"
"Haharapin ko ulit siya, ang importante tayo, okay na tayo diba?"
"Mahal pa rin kita" ani ni Leina, niyakap naman siya ni Matt
"Lika, mamili pa tayo tapos itext natin si Sarah para makakain na tayo"
"Ikaw ang bahala" ani ni Leina, hinawakan siya sa kamay ni Matt at namili pa sila, nang nasa counter na sila ay tinext naman ni Leina si Sarah kung saan sila magkikita, nagkita sila sa isang restaurant
"Ano? Okay na kayo?" ani ni Sarah
Ngumiti si Matt at hinawakan ang kamay ni Leina saka ito tinitigan "Mahal na mahal ko talaga to eh" ani ni Matt
"O ang pera mo" ani ni Sarah sabay balik ng pera ni Matt, nagtaka naman si Leina "Sorry friend, kay Matt talaga yung pera na ipambibili sana natin ng gamit ng kambal, actually yung bill mo sa ospital ako lang ang nagbayad sa cashier pero sa kanya galing ang pera"
"Ha?" ani ni Leina sabay tingin kay Matt
"Kinausap kasi ako ng Doktor na bawal sayo ang mastress, anything na makakastress sayo dapat iiwas sa yo, kaya umiwas muna ako dahil ayokong may mangyaring masama sa inyo ni kambal, hindi ko talaga kakayanin, kaya humingi ako ng tulong kay Sarah, ang plano ko nga pag nakapanganak ka na at okay ka na saka ako magpapakita sayo para alam kong safe na kayo nila baby, kahit sobrang hirap at sakit nun"
Naluha si Leina sa narinig "Matt" at hinawakan rin niya ang kamay ng asawa
"Yaan mo Mahal, papaimbestigahin ko kung sino man yang tao na nagpadala sayo ng message, sigurado ako, may kinalaman siya sa nangyari, palagay ko rin sinadya ni Ria na mangyari ang lahat, may kasabwat si Ria"
"Yun ba yung kinwento mo sa akin na nagmessage sayo kaya ka nagpunta sa condo?" ani ni Sarah
"Oo" sagot ni Leina
"Sino kaya yun? Di ba nga sabi ko sayo nagtataka ako kung paano niya nalaman na sa condo ang punta ng dalawa"
"Oo nga eh"
"Ihahatid kita sa inyo, kakausapin ko si Mama Linda, ihahatid muna natin si Sarah"
"Ngayon na agad?"
"Oo, ayokong mawalay ulit sa inyo"
"Nag-aalala lang ako, baka magalit lalo si Mama"
"Haharapin ko siya Mahal, kung kailangan magpabugbog ako sa kanya gagawin ko, maibalik lang kayo sa akin"
"Mahal ko" ani ni Leina, hinalikan naman siya sa labi ni Matt
"Gutom na ako, mukhang busog naman na kayong dalawa, lalo na si buntis" ani ni Sarah
Natawa naman si Leina at Matt "Oo na, antayin na lang natin yung order, mabubusog ka na" nakangiting ani ni Matt, lingid sa kaalaman nila ay kanina pa sila sinusundan ni Ria, at galit na galit ito sa nangyayari.