Episode 31

1152 Words
Pagkatapos nilang kumain ay inihatid na nila si Sarah, papauwi sila sa bahay nila Leina "Mahal, paano pag galit pa rin talaga si Mama?" ani ni Leina "Haharapin ko siya Mahal, para sayo, para sa pamilya natin, bukas pupunta tayo sa NBI, kaya mo ba?" "Oo kaya ko naman" "Gusto kong patunayan na tama ang hinala ko kay Ria" Hindi na kumibo si Leina, hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng mama niya kapag nalaman na okay na sila ni Matt, maya maya ay dumating na sila sa bahay, nakaupo sila sa sofa nang lumabas si Aling Linda mula sa kwarto nito "Anong ibig sabihin nito?" ani ni Aling Linda "Bakit ka andito?" ani nito kay Matt "Ma" ani ni Matt "Baka pwede po tayong mag-usap" "Heleina, ano? Papaloko ka nanaman sa lalaking yan?" ani nito sa anak "Ma, si Ria po ang may kasalanan" ani ni Leina "At talagang naniwala ka sa mga sinasabi ng lalaking to? Lintik Heleina, wag ka ngang tanga, para kang mauubusan ng lalaki ah" "Mama naman" iyak na ani ni Leina "Tapos iiyak iyak ka pag niloko ka nanaman" "Hindi ko po siya niloko Ma, at nakahanda po akong patunayan yun" "Sige patunayan mo yan, hindi ako papayag na bumalik si Leina sayo hanggat hindi mo napapatunayan na wala ka ngang ginawang masama" Nagkatinginan sina Matt at Leina "Hindi mo maisasama si Leina hanggat hindi mo napapatunayan na malinis ang konsensya mo" sabay talikod at muling bumalik sa kwarto Hinawakan ni Matt ang kamay ni Leina "Gagawin ko ang lahat para patunayan na wala akong ginagawang mali" Hinawakan rin ni Leina ang kamay ng asawa "Paano yan? Dito muna kami" "Okay lang, siguro naman pwede ko kayong dalawin" niyakap ni Matt si Leina "Magsasama sama rin tayo Mahal ko" sabay halik sa noo ng asawa "Ilang buwan na lang manganganak na ako" "Wag kang mag-alala, sasamahan kita" nang maalala ni Matt ang mga magulang niya "Ngapala Mahal, dumating na sina Papa at Mama" "Talaga?" "Oo, at alam mo, gusto ka nilang makita" "Talaga? Siguro ang Papa mo oo, pero ang Mama mo hindi ko alam" "Wag kang mag-alala Mahal, magiging okay ang lahat" Maya maya ay umuwi na si Matt, pinuntahan naman ni Leina ang ina sa kwarto nito "Ma, pwede kang makausap?" "Bakit?" ani ni Aling Linda habang nagtutupi ng damit sa may kama Naupo si Leina sa tabi ng ina at niyakap ito "Ma, bigyan mo naman ng isa pang chance ang asawa ko" "Anak, alam mo mahal na mahal kita, alam mo kung gaano kasakit sa akin nung naospital ka? Sobra anak, kung ano ano ang pumasok sa isip ko nun, tapos malalaman ko na si Matt ang dahilan ng pagkakaospital mo" "Ma, patutunayan ni Matt na wala siyang kasalanan, Ma, kahit kailan po hindi nagsinungaling si Matt sa akin, nasaktan rin po ako pero may spot sa puso ko na nagsasabing paniwalaan ko ang asawa ko" "Patunayan niya muna anak, saka lang ako papayag na bumalik ka sa kanya" "Ma, pupunta kami ng NBI bukas" "Bakit?" "Papaimbestigahan namin yung taong nagmessage sa akin nung makita ko sila ni Ria sa condo, gusto malaman ni Matt kung sino ang nagpadala ng message na yun, gusto niya malaman kung may kinalaman ba yung tao na yun kay Ria" "Kaya mo ba?" "Opo, kasama ko naman po si Matt" "Sasama ako, wala akong tiwala sa asawa mo" "Sige po Ma" sabay yakap ng mahigpit sa ina "Mahal na mahal kita Ma, maraming salamat sa suporta" "Alangan namang pabayaan kita, sige na magpahinga ka na, baka pagod na si Cruzita at Chabelita" "Sige po Ma" at saka humalik sa pisngi ng ina Sa condo naman, napansin ng magulang ni Matt na masaya siya pag uwi "Matt, mukhang masaya ka anak" ani ni Ferdie "Pa, masaya talaga po ako, nagkita kami ni Leina, okay na kami" "Eh asan siya anak?" ani naman ni Minda "Yun lang po, ayaw pumayag ni Mama Linda na isama ko ang asawa ko, hanggat hindi ko napapatunayan na wala akong ginagawang masama" "Gusto mo anak, tulungan ka namin?" "Hindi na po Ma, okay lang po, pupunta kami sa NBI para paimbestigahan kung sino ang nagmessage kay Leina" "Sige anak, ikaw ang bahala, sana nga maging okay ang lahat, para makilala naman namin ng personal si Leina" "Talaga po ba Ma? Hindi ka na galit kay Leina?" "Sorry anak, hindi naman ako sa galit sa asawa mo, siguro we just need to know each other very well" Ngumiti si Matt "Thank you Ma" sabay yakap sa ina "I love you anak" "I love you too Ma" ani ni Matt, humiwalay siya ng yakap sa ina at humarap sa ama "I love you Pa" "I love you anak, sana maisama mo ang manugang namin dito" "Sige po Pa, magkikita kita rin po kayo" "Sige anak, pahinga ka na, aalis ba kayo bukas?" "Opo Pa, bukas na kami pupunta sa NBI" "Sige nak, pahinga ka na" "Sige po Pa, Ma, matutulog na ako, maaga pa po kami bukas" "Sige anak, Goodnight" "Goodnight po sa inyo" ani ni Matt, humalik siya sa mga magulang at saka pumasok sa kwarto nila "Buti okay na sila" ani ni Ferdie "Oo nga, masaya na ang anak natin" Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa bahay na nila Leina si Matt, maya maya ay lumabas si Leina, bihis na ito at nakamaternity dress, sinalubong niya ang asawa at hinalikan ito sa labi "Good Morning Mrs. Ledesma" nakangiting ani ni Matt "Good Morning Mr. Ledesma" "Ano? Alis na tayo?" "Sasama raw si Mama" Napakamot ng ulo si Matt "Sige" napangiti si Leina at hinaplos sa pisngi ang asawa, siya namang labas ni Aling Linda sa kwarto pero nakapambahay pa rin "Ma, aalis na tayo bakit hindi pa po kayo bihis?" ani ni Leina Tumingin ito kay Matt, nagmano naman si Matt sa kanya "Hindi na ako sasama, umayos ka Matteo, ibalik mo si Leina dito ng ligtas, wag mong itatanan ang anak ko" "Ma naman, hindi ko na kailangan itanan ang asawa ko" "Basta ibalik mo si Leina dito, sinasabi ko sayo, hindi pa tayo bati" "Opo na po Ma" nangingiting ani ni Matt "Sige na umalis na kayo, mag-iingat kayo" ani ng biyenan niya, yumakap naman si Leina sa ina "Alis na po kami Ma" ani ni Matt at humalik rin siya sa pisngi nito at saka sila lumabas, inalalayan pa ni Matt si Leina na makasakay sa kotse, ilang saglit lang ay bumabiyahe na sila "Mahal, pag nakapanganak ka, tuturuan kita magdrive" ani ni Matt "Talaga Mahal?" "Oo para pag mamamasyal tayo, palitan tayo sa pagdrive at saka pag may emergency marunong ka na" "Mahal, nakakalimutan mo na ata, marunong akong magdrive, wala lang akong lisensiya" "Oo nga pala noh, isa pala yun sa sinimulan natin nuon, hinatid mo ako sa condo kasi lasing ako" nakangiting ani ni Matt "Sige ikukuha na lang pala kita ng license" "Sige Mahal"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD