Nakapunta na sila sa NBI, ichecheck nila ang IP Address na ginamit sa pagmemessage kay Leina, pagkagaling sa NBI ay nagpunta sila sa condo, sinalubong sila ng mga magulang ni Matt
"Kamusta Iha?" ani ni Ferdie sabay yakap kay Leina
"Okay lang po Tito"
"Tito? Papa ang itatawag mo sa akin"
"Okay po P-Papa"
"O lika pasok na, upo ka Iha, maya maya lalabas na rin ang Mama niyo" ani ni Ferdie, naupo sa sofa ang dalawa
"Mahal, kinakabahan ako" bulong ni Leina kay Matt
"Relax Mahal" ani ni Matt, siya namang labas ni Minda sa kwarto, napatingin si Leina dito, lumapit si Minda at nakangiting binati si Leina
"Hi anak"
Tumayo naman si Leina "Hi po M-Mama"
Niyakap naman ni Minda si Leina "Kamusta ka na Iha?"
"Okay naman po"
Hinimas nito ang tiyan ng manugang "Ang laki na nila, nakakatuwa"
"Opo nga po" nakangiting ani ni Leina
"O alam kong gutom na kayo, kain na tayo, nagluto ako ng lunch natin, lika na Iha" inalalayan pa nito si Leina, tumingin naman si Leina kay Matt at ngumiti ito sa kanya
"Opo nga po, kanina pa po ako gutom"
"Siyempre naman dalawa kaya yang nasa tiyan mo, di bale nagluto na si Lola" sabay himas ulit sa tiyan ni Leina "Kakain na kayo mga apo"
Habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila "Iha, dalawang baby girl pala ang unang mga apo namin" ani ni Ferdie
"Opo Papa"
"Anong ipapangalan niyo sa kanila?"
"Sabi po ng Mama ko, Cruzita at Chabelita raw"
"Talaga?" natatawang ani ni Minda
"Opo, pero sabi ko ayoko po na yun ang ipangalan, palayaw na lang daw po"
"Eh anong ipapangalan niyo?"
Napatingin naman si Leina kay Matt "Maleina Patricia po at saka Maleina Samantha"
"Ay, ang cute naman, Maleina"
"Opo Ma" ani Matt "Combination ng pangalan namin ni Leina yun"
"Oo nga noh, o Leina kain lang ng kain anak"
"Opo Ma" ani ni Leina, maya maya ay tapos na sila kumain, naupo sa sofa sina Minda at Leina
"Ano Iha? Okay lang ba ang pagbubuntis mo?"
"Opo Ma"
"Pagpasensyahan mo na sana ako Leina, hindi naman sa galit ako sayo, siguro hindi lang tayo magkakilala pa"
"Naiintindihan ko po Ma"
"Di bale, babawi ako, bukas kung okay lang sayo, bilhan natin ng gamit ang mga bata?"
"Kayo po Ma"
"Tapos etong kwarto sa tabi ng kwarto niyong mag-asawa, yan ang gagawin nating room nila, aayusin natin yan para kay Cruzita at Chabelita"
Ngumiti si Leina "Sige po Ma"
"Ang sabi ni Matt hindi ka pa raw babalik dito?"
"Ayaw pa po kasi ng Mama ko, kailangan daw muna patunayan ni Matt na wala siyang ginawang masama"
"Naiintindihan ko naman siya, pero sana maging okay ang lahat"
"Sana nga po" ani ni Leina, siya namang lapit nina Matt at Ferdie
"Mahal ano? Magpapahinga ka muna?"
"Hindi na Mahal, uwi na tayo"
"Okay sige"
"Ma, Pa, uuwi na po ako, pasensiya na po, pagod na rin kasi ako, ang bigat po kasi ng tiyan ko"
"Eh di matulog ka muna" ani ni Minda
Napayuko si Leina "Sa bahay na lang po Ma"
Parang naintindihan na nila kung bakit ayaw matulog ni Leina sa kwarto "Alam mo Matt, ang mabuti pa siguro, iparenovate natin ang kwarto niyo, yung magmamatch sa inyong dalawa bilang mag-asawa" ani ni Minda
Nagkatinginan naman si Matt at Leina "Ano Mahal?" ani ni Matt "Okay sayo yun?"
"Oo Mahal" ani ni Leina
"Sige po Ma"
"Oo tapos eto ring kabilang kwarto para sa kambal natin"
"Thanks Ma" nakangiting ani ni Matt "Paano po? Ihahatid ko muna si Leina sa bahay ng mama niya" malungkot na ani ni Matt
"Sige anak, mag-iingat kayo" ani ni Ferdie, tumayo na sila, hinatid pa sila sa may pinto nina Ferdie at Minda
"Ferdie kokontak na ako ng interior designer para sa kwarto nina Matt at ng mga apo natin"
Ngumiti si Ferdie at inakbayan ang asawa "Mukhang excited ang misis ko ah"
"Oo naman, excited na ako, mukhang okay naman si Leina, sana nga magkasundo kaming dalawa"
"Siguro naman, mukha namang mabait ang manugang natin"
"Kaya nga eh"
Nakauwi na rin si Leina sa bahay nila, pagpasok nila sa sala ay andun ang Mama niya
"Ma" ani ni Leina, sabay halik sa pisngi nito, nagmano naman si Matt at humalik rin sa pisngi nito
"Kamusta ang lakad niyo?"
"Ichecheck po nila ang IP Address ng internet na ginamit sa message tapos, ichecheck nila kung saan o kanino ito nakaassign" ani ni Matt
"Tapos?"
"Ayun po, mas maganda po sana kung hindi public internet o public wifi ang ginamit, para mas mabilis malaman kung kanino yung IP Address na yun, kasi pag public wifi for sure po na marami ang gumagamit na ibat ibang tao"
"Ahh okay, kumain na ba kayo?"
"Opo Ma, umuwi po kami sa condo, naghanda po kasi ang parents ko"
"Andyan na pala sila?"
"Vacation lang po, in two to three weeks po babalik na po sila sa Canada"
"Ahh okay"
"Ma, magpapahinga po muna kami" ani ni Leina
"Kayo? Kayong dalawa?"
"O-Opo"
"O siya sige, magpahinga muna kayo, ako naman aantayin ko lang si Nene na dumating, para may kasama ako sa grocery, sasama ko muna si Nene tutal andito naman ang asawa mo"
Nagkatinginan naman ang dalawa "Sige po Ma" ani ni Leina, tumayo naman na sila at pumasok na kwarto, naupo si Leina at aktong hihiga na, inalalayan naman siya ni Matt saka ito tumabi sa kanya at hinalikan sa noo
"Magpahinga ka Mahal, mukhang napagod ka" ani ni Matt
"Yung mga anak mo kasi, ang likot at ang bigat"
Napangiti si Matt at hinimas ang tiyan ng asawa "Cruzita, Chabelita, wag masyadong malikot mga anak, nahihirapan si Mommy niyo" gumalaw naman ang mga bata sa tiyan
Natawa si Leina "Tingnan mo Mahal, ang kulit diba?"
"Oo nga ehh" ani ni Matt "Ssshhh, sige na sleep rin kayo"
"Sleep ka rin muna Mahal"
"Mahal, andito pa ba ang mga gamit ko? Hindi mo itinapon?"
"Oo andyan pa"
"Mahal, gusto ko dito matulog, okay lang ba?"
"Okay lang Mahal, sige dito ka matulog kasama namin ni kambal" nakangiting ani ni Leina
"I love you Misis ko"
"I love you too Mister ko"