Episode 33

1219 Words
Kinabukasan habang nag-aalmusal sina Matt at Leina ay tumawag si Minda sa anak "Nak, Good Morning" "Ma, Good Morning, napatawag ka?" "Nak, tanungin mo nga si Leina kung tuloy kami mamili ng mga gamit ng mga baby ngayon" "Ah wait Ma" tapos ay tumingin kay Leina "Mahal, sabi ni Mama kung tutuloy kayo bumili ng gamit ngayon" "Okay lang naman" ani ni Leina "O sige" at kinausap niya ulit ang Mama niya "Ma, okay raw po, samahan ko na lang po kayo kung gusto niyo" "Sige para may tagabuhat kami" natatawang ani ni Minda "Wow, gwapo kong to tagabuhat?" ani ni Matt, napangiti naman si Leina "Eh ano? O siya sige na, aantayin ko na lang kayo dito" "Sige po Ma, bye" "Bye" "Sasama ka Mahal?" ani ni Leina "Oo sasama ako, tagabuhat daw sabi ni Mama" "Marami ba kaming bibilhin?" "Siguro, excited din sila kay Cruzita at Chabelita eh" ani ni Matt, tinitigan niya ang asawa at nagpalumbaba "Anong tinitingin tingin mo dyan?" "Wala lang, namiss kasi kita" "Talaga ba?" "Oo sobra, mahal na mahal kita Leina" sabay hawak sa kamay ni Leina "Mahal ko, akala ko hindi na mangyayari ulit ito, yung makasama kita" "Mahal na mahal rin kita, siguro naman alam mo yun diba? Pwede ba akong makiusap sayo?" "Ano yun?" "Pwede ba wag ka nang lalapit kay Ria?" "Mahal ko, matagal ko nang iniiwasan si Ria, alam mo rin yun, pangako, hindi na niya tayo masisira ulit, basta Mahal ko, paniwalaan mo lang ako please" "Sige Mahal, panghahawakan ko yang sinasabi mo, please wag mo na akong saktan ulit, baka hindi ko na talaga kayanin" "Hindi na Mahal ko, pangako, I love you misis ko" "I love you too mister ko" ani ni Leina, hinalikan naman siya ni Matt sa labi Maya maya ay nag-ayos na sila at umalis para sunduin si Minda, pagkasundo kay Minda ay nagpunta na sila sa mall, nasa gitna si Matt at hawak ang kamay ng asawa at ina "Bakit nakangiti ka?" ani ni Leina kay Matt "Sino ba naman ang hindi mapapangiti, isang buntis at isang matanda ang kaholding hands ko" Bigla siyang hinampas ng Mama niya sa braso "Hoy Matteo, sino ang matanda?" "Yun ba ang sinabi ko Ma?" natatawang ani ni Matt "Oo" nakangiting ani ni Minda, inakbayan naman siya ni Matt at hinalikan sa buhok "Joke lang" ani ni Matt "Nakangiti ako kasi dalawang magandang babae ang katabi ko" "Mahal ikaw talaga" "Ahh Leina, dalawang crib ang bilhin natin para sa kambal o isang malaki kaya?" ani ni Minda "Hindi ko po alam Ma, parang ang gastos po kasi kung dalawang crib pa" "Eh di isang pang twins na lang" "Opo" "Tapos dalawang stroller" "Kayo po, salamat po" "Naku, wala yun, para naman yun sa mga apo kong mahal, excited na nga ako, kaso naman anak, babalik na kami sa Canada ng Papa niyo, buti nga nagkita tayo" "Kailan po kayo babalik dito?" "Hmm, hindi pa namin napag-usapan, pero uuwi kami pag nagbirthday sila" "Ang tagal pa nun" ani ni Matt "Anak, yaan mo na, ilang taon na lang magreretire na kami ng Papa niyo, kaya asikasuhin mo na yung business na itatayo mo okay?" "Yes Ma, dont worry about it" "O lika na, excited na ako mamili" ani ni Minda, nagpunta na sila sa baby section, bukod sa crib at stroller ay bumili rin sila ng baby dresses, feeding bottles at kung ano ano pa na kakailanganin ng mga baby, umabot ng almost 50k ang binayaran ni Minda sa pinamili nila, pagkatapos mamili ay inihatid na ni Matt sa sasakyan ang mga binili nila, sina Minda at Leina ay nagpunta naman sa isang resto para dun na sila manananghalian, masayang nagkukwentuhan ang magbiyenan nang may biglang umupo sa pwesto nila "Hi Tita Minda" ani ni Ria "Long time no see" "What are you doing here Ria?" ani ni Minda "Well, nakita kita, kasama ang manugang mo na hindi mo tanggap, oopps, tanggap mo na ata noh?" "Pwede ba umalis ka na?" "Tita, bakit ka naman ganyan sa akin? Para namang wala tayong pinagsamahan, diba nga ikaw pa ang tumawag sa akin para tulungan kita na maghiwalay sina Matt at Leina, diba nga ayaw mo kay Leina kasi mukhang pera lang naman ang habol nito sa anak mo" nagkatinginan naman si Minda at Leina Muling tumingin si Minda kay Ria "Tumigil ka na" "Oopps, hindi pa ba alam ni Leina yun? Sorry, akala ko alam na niya kasi close na kayo eh, kaya nga gumawa ako ng paraan para matulungan ka Tita" "Wag mo akong idamay sa kalokohan mo" ani ni Minda, siya namang lapit ni Matt "Anong meron dito?" ani ni Matt "Hi Matt" ani ni Ria "Eto kasing si Tita, hindi naman sinabi sa akin na hindi pala alam ni Leina na nagtulong kami para paghiwalayin kayo" "No anak" ani ni Minda "Hindi yun totoo" "Wag kang sinungaling Tita, dapat nga nagsasabi ka ng totoo sa kanila diba? Para talagang okay na kayo" "Ria you can go now" ani ni Matt, tumayo si Ria at humarap kay Matt "Bye, see you soon Babe" "Sana hindi na, sana last na nating pagkikita to at sana tigilan mo na ang pamilya ko" ani ni Matt, tinalikuran naman siya ni Ria at umalis na, naiwan namang umiiyak si Minda, hinawakan ito ni Leina sa kamay "I'm sorry" ani ni Minda "Aaminin ko na nung sinabi ni Matt na nagpropose na siya sayo, hiningi ko talaga ang tulong ng babaeng yun, pero nung nalaman kong nagcivil wedding na kayo, at nakita ko kung gaano kasaya ang anak ko, sinabihan ko siya na hindi na itutuloy, na bibigyan kita ng chance na makilala, pero hindi ko alam na seseryosohin niya yung plano na yun" "Siyempre Ma" ani ni Matt "Matagal na niya kaming sinisira ni Leina" "Sorry talaga anak, sorry Leina" "Ma" ani ni Leina "Magiging ina na rin ako, naiintindihan naman po kita, ayoko na po ng gulo, nakaraan na po yun, kung sinasabi niyo po ngayon na pinigilan niyo naman si Ria, paniniwalaan ko po yun para sa ikatatahimik nating lahat, para kay Matt, para sa mga apo niyo, sana lang po bigyan niyo po ako ng chance na mas magkakilala po tayo, hindi po pera ang habol ko kay Matt, mahal na mahal ko po talaga siya" lalong naiyak si Minda sa sinabi ni Leina "Salamat anak, salamat" sabay yakap dito "Yaan niyo na po yun Ma, para sa bagong simula po" Tumango si Minda at tumingin kay Matt "Anak sorry, sorry talaga" Hinawakan naman ni Matt ang kamay ng ina "Okay na Ma, kaya wag na wag mo nang kakausapin si Ria please" "Yes mga anak, promise yan ni Mama Minda sa inyo" Biglang gumalaw ang mga baby sa tiyan ni Leina "Hala gutom na si Chabelita at Cruzita" nakangiting ani ni Leina, hinawakan ni Minda ang tiyan niya at naramdaman din nito ang paggalaw ng mga bata "Naku gutom na ang mga apo ko, wait lang mga apo, darating na inorder ni Lola" ani ni Minda sabay punas ng luha saka ngumiti, at hinaplos ang pisngi ni Leina "Napakabait mo anak, salamat dahil ikaw ang manugang ko" "Tanggap niyo na po ako?" "Oo anak, sorry ulit" "Hug mo ako Ma" ani ni Leina, niyakap naman siya ng biyenan, napangiti rin si Matt sa kanila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD