Episode 34

1225 Words
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa condo, hindi na nila binaba ang mga pinamili dahil dadalhin muna yun sa bahay nila Leina, nagCR muna si Leina kaya napilitan siyang pumasok sa kwarto nilang mag-asawa, ayaw niya sanang pumasok duon dahil naaalala niya ang nangyari, kung bakit sila nagkahiwalay ni Matt Sa sala naman ay tumingin si Minda sa anak na nakaupo sa sofa, nilapitan niya ito at tinabihan "Anak, sorry ulit" "Alam mo Ma, okay na po yun, kung si Leina nga napatawad po kayo, ako pa kaya? Pero siguro kung wala si Leina at dun ko nalaman ang lahat, sorry din Ma, pero baka nagalit ako ng husto sayo" "Alam ko, at masasabi ko anak ko, napakaswerte mo sa asawa mo" "Sobra Ma, sobrang swerte ko talaga, hindi ko inexpect na mamahalin ko siya ng ganito, ganito katindi, alam mo Ma, nung kami pa ni Ria, alam kong gusto na ako ni Leina nuon, pero Ma, never siyang nagpapansin sa akin, hindi siya tulad ng ibang babae Ma, kaya mahal na mahal ko siya, mas mahal ko pa siya kesa sa buhay ko Ma" ani ni Matt, lingid sa kaalaman nila Matt at Minda, naririnig ni Leina ang pag-uusap nila, naluha si Leina sa narinig mula sa asawa, maya maya ay lumabas na si Leina na nakangiti sa mag-ina, tumayo naman si Minda at muli siyang niyakap "Nak, punta kayo bukas ha? Darating ang interior designer bukas, paparenovate namin ang kwarto niyong mag-asawa, sana makatulong yun sa paglimot mo sa nangyari" Napayuko si Leina "Sorry po Mama, nahihirapan po kasi talaga ako pag pumapasok sa kwarto" "Ssshh, okay lang yun, naiintindihan ko, tapos papaayos ko rin ang kabilang kwarto para naman kina Cruzita at Chabelita" "Thank you po Ma" "Gusto ko rin bumawi sayo" "Wag niyo pong isipin yun, ang importante po sa akin, gusto niyo na po ako" "Hindi lang kita gusto, mahal ka na ni Mama Minda, sorry ulit" "Mahal ko rin po kayo" sabay yakap sa biyenan, napatulala si Matt sa dalawa, hindi niya ineexpect na ganun kaganda ang puso ng asawa, tumayo siya at niyakap ang dalawa "Pag okay na ang kwarto uwi ka na dito ha? Para may kasama na ulit si Matt" ani ni Minda kay Leina "Kukumbinsihin ko po si Mama na payagan na niya ako umuwi dito" "Gusto ko rin sana makilala ang balae ko, pwede kaya?" "Opo naman po Ma" "Sige, dadalaw kami sa isang araw, pagkauwi ng Papa niyo" "Ano bang ginawa ni Papa sa Bataan?" ani ni Matt "Gusto ng Papa niyo na ibenta na ang bahay duon, tapos bibili kami ng bahay dito sa Manila, kahit Townhouse lang kasi kaming dalawa lang naman, para pag retire namin dun na kami titira, tapos etong condo ililipat na sa pangalan niyong dalawang mag-asawa" "Bakit pa po Ma?" "Anak, siyempre naman, pamilya kayo eh, sooner or later, masusundan ang kambal, at least diba, may mga kwarto na kayo para sa mga bata, tapos lilipat na kayo sa taas sa kwarto namin, ang laki pa nga ng kwarto namin, pwede niyo pang hatiin ulit yan" "Grabe Ma" ani ni Leina "Parang ang daming batang titira dito ahh" natatawang ani ni Leina "Dapat lang ano, kasi isang anak lang namin tong si Matteo, tapos ikaw rin, kaya dapat marami kaming apo" "Mahal kaya ba natin yun?" ani ni Leina kay Matt "Kakayanin natin yan Mahal ko" sabay halik sa pisngi ng asawa tapos ay tumingin sa ina "Ma, iuuwi ko muna si Leina kay Mama Linda, tapos babalik po ako para may kasama kayo dito" "Naku nak, okay lang ako dito" "Hindi na Ma, basta uuwi po ako okay?" tapos ay tumingin kay Leina "Okay lang Mahal?" "Oo naman, kung malaki lang bahay namin, pwede sanang matulog si Mama sa bahay para hindi siya mag-isa" Napangiti si Minda "Sus ang dalawang to, kami nga ng Papa niyo minsan hindi sabay ang shift sa trabaho, sanay akong mag-isa" "Ma, pag andito kayo, hanggat maaari hindi kayo dapat mag-isa, kailangan lagi kayong may makasama para hindi kayo malulungkot" "Sige salamat" nakangiting ani ni Minda "Paano Ma? Ihahatid ko muna si Leina, para makapagpahinga na sila ni kambal, tapos uuwi na ako" "Sige anak, anong gusto mong dinner?" "Hmm, Ma, ako ang magluluto para sayo" "Talaga?" "Masarap po siya magluto" ani ni Leina "Wow naman anak, sige ipagluto mo si Mama" sabay haplos sa pisngi nito "Sige Ma, una na po kami para makabalik rin ako agad" ani Matt sabay halik sa pisngi ng ina, humalik rin si Leina sa biyenan at umalis na sila Maya maya ay nasa tapat na sila ng bahay nila Leina, humarap si Matt kay Leina at hinalikan ito sa labi "Thank you Mahal, sobrang swerte ko ikaw ang misis ko" ani ni Matt Ngumiti si Leina "Mahal na mahal kita Matteo Ledesma" "Mas mahal na mahal kita Heleina Martinez Ledesma" "Lika na, para mabalikan mo agad si Mama Minda" "Sige, pasok ka na sa loob, ilalabas ko na yung mga gamit" "Sige ako na magbibitbit ng mga unan nila" at saka inabot ang unan, lumabas na siya sa kotse at saka siya pumasok sa loob ng bahay nila, siya namang labas ni Aling Linda mula sa kusina "O andito na pala kayo, ano yang dala mo nak?" "Bigay po ni Mama Minda para kina Cruzita at Chabelita" "Ahh talaga? Galing naman may gamit na sila" "Opo ang dami po niyang pinamili pero dito muna namin ilalagay kasi po irerenovate po ang kwarto na gagamitin nila" "Ahh okay" "Ma, sa isang araw pupunta po sila Mama Minda at Papa Ferdie dito, okay lang po ba?" "Oo naman anak, walang problema" Napangiti si Matt sa nadinig, ibig sabihin hindi na talaga galit si Linda "Ma, tayo po? Bati na po tayo Ma?" ani ni Matt pag pasok niya "Hindi!" nangingiting ani ni Aling Linda "Mama naman, ako lang kaisa isang manugang niyo, bati na tayo" sabay yakap sa biyenan mula sa likod nito "Naku Matteo, bibigyan pa kita ng chance, pero last na to, nakikita ko lang na masaya ang anak ko, pero pag ito naulit pa, puputulan kita" Biglang nagpunta si Matt sa likod ni Leina "Mahal si Mama o grabe, sige ka Ma, hindi madadagdagan ang apo mo pag ginawa mo yun" "Kaya nga wag na wag mo na saktan ulit ang anak ko, sinasabi ko sayo" "Mahal na mahal ko to Ma, kahit buhay ko ibibigay ko sa kanya" "Pero hindi mo pa rin siya maiuuwi sa condo" "Bakit naman Ma?" "Eh di ba papaayos pa ang mga kwarto dun, baka hindi siya makapagpahinga, makulit pa naman ang mga anak niyo partida nasa loob pa sila ng tiyan ng Mommy nila, hindi ko alam kung kanino nagmana" "Ma, wag ka nang magtaka" ani ni Matt sabay tingin kay Leina, napatingin rin si Leina sa kanya "Siraulo ka Mahal ah" natatawang ani ni Leina "Joke lang Mahal ko, ang importante, peace na kami ng pinakamaganda kong biyenan" nakangiting ani ni Matt Napangiti naman si Aling Linda "Nambola ka pang damuho ka, ipasok mo na yang gamit ng mga anak mo sa kwarto niyo" dali dali namang sumunod si Matt, lumapit naman si Leina sa ina at hinalikan ito sa pisngi "Thank you Ma" "Nakikita ko naman kasing mahal ka talaga niya" "Opo Ma, mahal ako ni Matt" sabay yakap ulit sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD