Nag aayos si Minda sa kwarto nilang mag-asawa nang may tumawag sa kanya sa phone at hindi niya alam kung sino
"Hello, sino to?" ani niya
"Tita" ani ng may ari ng boses, parang umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang mabosesan ito
"Ano pang kailangan mo?"
"Ano Tita? Pati ikaw tinraydor mo ako"
"Anong tinraydor ang pinagsasabi mo?"
"Akala ko magkakampi tayo, akala ko ba ako ang gusto mong manugang?"
"Ria, tanggapin mo na lang na hindi kayo ni Matt ang para sa isat isa, may mahal na siyang iba, at buti na lang"
"Ahh ganun? Lintik lang ang walang ganti, lahat kayo babalikan ko, wala akong ititira sa inyo" ani nito sabay off ng phone, nakaramdam ng kaba si Minda sa pagbabanta na yun ni Ria, hindi talaga ito titigil sa panggugulo sa kanila, hindi naman ganito ang pagkakakilala niya dito nuon, pero ibang iba na si Ria ngayon, o baka ganito talaga ito.
Sa bahay naman nila Ria, naiiyak siya sa galit, akala niya may kakampi siya sa katauhan ni Minda, pero nakuha rin ni Leina ang loob nito, siya namang labas ni Kendra mula sa CR
"Ano na Ria? Anong sabi ng mama ni Matt?"
"Tanggapin ko na lang daw na hindi kami ni Matt para sa isat-isa"
"Paano yun? Nakasanla ang bahay at lupa niyo sa probinsya, pag hindi yun natubos san pupulutin ang Papa mo?"
"Hindi ko alam Kendra, si Matt na lang talaga ang pag-asa ko, wala naman akong maasahan sa kapatid ko"
"Dapat kasi hindi mo iniwan si Matt nuon"
"Naguguluhan kasi ako, sa laki ng problema ko sa pagiging sugarol ni Papa, hindi ko alam kung paano aaminin kay Matt yun"
"Kung inamin mo yun nuon baka tinulungan ka pa niya at sana kayo pa rin, ngayon malabo na"
"Hindi lang tulong ang kailangan ko, I need Matt, akin siya"
"Sabi ko nga pero hindi na nga siya sayo, ano pa bang gagawin mo?"
"Basta gagawa ako ng paraan Kendra, lahat sila babalikan ko"
"Hay naku friend, mag-isip ka na lang ng ibang paraan para matubos ang bahay at lupa niyo, napakalaki naman kasi ng sanla nun, na ipinatalo lang ng Papa mo sa sugal"
"3M ang sanla nun, wala pa yung tubo, paano ko yun tutubusin? Nanganganib pang makulong si Papa"
"Yang Papa mo naman kasi"
"Nalulong si Papa sa sugal mula nang mawala si Mama, yung kwintas na pamana ng Mama ko sa akin naisanla ko na para pambayad pa rin sa ibang inutangan niya kasi pinagbabantaan na siya"
"Alam mo friend mo, wag kang magagalit, ang Papa mo ang punot dulo ng lahat ng paghihirap mo ngayon"
Hindi agad nakakibo si Ria "Ang laki rin ng ginastos namin nung kasal ni Tupe, hindi ko talaga ininvite si Matt nuon kasi hindi ko alam kung paano ko siya ipapakilala kay Papa, baka mamaya utangan niya pa si Matt"
"Friend, eto sa akin lang ha? Hayaan mo kayang matuto ang Papa mo?"
"Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan ko siya? Papa ko yun, magulang ko pa rin yun"
"Kesa naman guluhin mo ng guluhin si Matt para lang mailigtas ang Papa mo sa pagkakautang niya"
"Hindi lang yuon yun, I want Matt, I love him, ako lang dapat yun eh, ako lang, pero pumasok si Leina sa buhay niya agad agad, matagal nang patay na patay kay Matt yun, alam namin yun, pero deadma lang kami, hindi naman din kasi siya papansin, pero akalain ko ba na inaantay niya lang na magkaproblema kami ni Matt, ibang klase rin"
"Alam mo friend, wala pa rin siyang kasalanan, kasi kung ayaw ni Matt wala siyang magagawa"
"Ginamit lang siya ni Matt to forget me, inamin ni Matt sa akin yun"
"At napamahal na ng totoo si Leina sa kanya?"
"Yun ang sabi niya, pero kung binigyan niya lang ako ng chance, alam ko ako pa rin ang mamahalin ni Matt, akin pa rin siya"
"Mahal mo pa rin si Matt?"
"Hindi naman yun nawala Kendra"
"Sana nagsabi ka na lang ng totoo sa kanya" ani ni Kendra, hindi naman nakakibo si Ria.
Kinagabihan, pinagluto ni Matt ng seafood chopsuey at fried tilapia ang Mama niya, kumakain na silang mag-ina nang magsalita si Minda
"Ang sarap mo nga magluto anak, masarap tong chopsuey"
"Talaga po Ma?"
"Oo masarap, siya ngapala anak, kailangan ko tong sabihin sayo"
"Ano po yun Ma?"
"Tinawagan ako ni Ria kanina, ibang number ang ginamit niya, at nagbanta siya na babalikan niya tayong lahat Matt"
"Eh kung ipablotter ko kaya siya Ma? Sa tingin mo? Kung ako lang hindi ako natatakot sa kanya Ma, kayo ang inaalala ko"
"Naku anak, pabalik na kami ng Canada noh, ang inaaalala ko kasi si Leina, at saka pinaban mo na ba siya dito?"
"Yes Ma, hindi na siya makakalapit dito, saka wag niyo na po alalahanin si Leina, ako na po ang bahala sa kanila"
"Hindi natin pwedeng balewalain ang pagbabanta ni Ria sa atin, kawawa naman si Leina at mga apo ko"
"Papakiusapan ko si Mama Linda na pumayag na dito na lamang si Leina para mas protected siya"
"Sige Nak, pag punta namin ni Papa mo sa kanila kausapin natin"
"Sige po Ma, kain ka lang ng kain Ma"
"Ikaw rin anak, kumain ka, bumawi ka"
"Kaya nga po Ma, para sa pamilya ko, gagawin ko po ang lahat"
"Tama yan anak"
Kinabukasan, maagang sinundo ni Matt si Leina, darating kasi ang Interior Designer na kinuha ng Mama Minda nila, pag dating sa condo ay hinandaan ni Minda si Leina ng sliced fruits
"Kain ka muna nak"
"Salamat po Ma"
"Ano bang gusto mong design ng kwarto niyo?"
"Gusto ko po sana na baguhin ang style, kulay pati na rin po ang kama, okay lang po ba?"
"Walang problema anak, gusto ko maging kampante ka dito, bukas pag punta namin sa inyo ng Papa Ferdie mo, kakausapin na namin si Balae, na payagan ka nang bumalik dito"
"Salamat po Ma" nakangiting ani ni Leina
"Sige kain ka lang" ani ni Minda, hinimas niya pa sa buhok si Leina, maya maya ay dumating na ang Interior Designer at pinag-usapan na nila ang gagawin sa dalawang kwarto, excited na silang lahat, nakaupo naman si Leina dahil galaw ng galaw ang mga anak, mukhang excited na rin ang mga to
"Ano nak?" ani ni Minda kay Leina
"Ang likot kasi nila Ma, napapagod ako"
Napangiti naman si Minda "Di bale ilang buwan na lang, yang makukulit na baby na yan lalabas na, basta nak, sendan niyo agad kami ng mga pictures nila ha?"
"Opo Ma" sabay tingin sa tiyan, talagang makikita na galawan ng galawan ang kambal
"Nag-aaway ba yan?" natatawang ani ni Minda
"Nagsusuntukan ata Mama"
"Babae yan eh, baka sabunutan" biro ni Minda tapos ay tawa sila ng tawa.