Lumipas pa ang mga araw, dumating ang araw ng Civil Wedding nina Matt at Leina, nasa City Hall na si Matt kasama si Aldrin
"Pre, congrats" ani ni Aldrin
"Salamat"
"O, ano nang plano niyo ni Leina, buntis na pala siya, grabe Pre, kayo talaga sa isat-isa, imagine, nabuntis mo siya, eh kayo nga ni Ria, ilang taon kayo pero hindi mo siya nabuntis"
Ngumiti si Matt "Oo nga eh, excited na rin akong makita ang baby namin"
"Sabi mo mukhang napaglilihihan ka ng misis mo"
"Oo nga, alam mo nga one time natutulog kami, biglang kinagat yung ilong ko, hindi pa namin alam na preggy na siya nun, ang sakit nun Pre, nabigla pa ako siyempre tulog ako, naitulak ko pa nga"
Tawang tawa naman si Aldrin sa kwento ni Matt "Grabe baka kamukha mo baby niyo"
"Oo nga eh" natatawang ani ni Matt
"Eh anong sabi ng parents mo?"
"Wala pa kaming sinasabi, siguro titiyempuhan ko na lang, ayaw rin kasi ni Leina na ituloy ang Church Wedding sa December, kasi baka malaki na raw ang tiyan niya, ayaw niya raw magmartsa na malaki ang tiyan"
"Siyempre naman noh, eh at least kasal pa rin kayo"
"Kaya nga, yun ang importante"
Maya maya ay dumating na sina Leina, Aling Linda at Nene, sinalubong naman sila ni Aldrin at Matt
"Hello Ma, Leina, Nene" ani ni Matt
"Good Morning po" bati naman ni Aldrin
"Good Morning Iho" ani ni Aling Linda
"Dun na po tayo sa loob, andyan na po ang Tito ko" ani ni Aldrin, pumasok na sila sa loob at nagsimula na ang seremonyas, ininvite nila ang Judge na nagkasal sa kanila pero hindi ito pwede kasi may hearing pa in 30 minutes, pagkatapos nilang kumain sa labas ay inihatid muna nila Matt at Leina sina Aling Linda at Nene sa bahay saka sila umuwi sa condo, nagbihis na sila ng pambahay at nagpahinga sa kama
"Mahal, paano pala ang parents mo?" ani ni Leina
"Mamaya tatawagan ko sila at sasabihin ko na yung totoo"
"Mahal tayong dalawa ang haharap sa kanila"
"Sure ka ba Mahal?"
"Oo Mahal, kung magagalit sila sa atin tatanggapin ko"
"Bawal kang mastress Mahal, baka mapaano ang anak natin"
"Hindi ko na lang papansinin, ang importante sabay natin silang haharapin"
Hinaplos ni Matt sa pisngi si Leina at hinalikan sa labi "Mahal na mahal kita asawa ko"
"Mahal na mahal rin kita asawa ko" at muli siyang hinalikan sa labi ni Matt habang haplos ang dibdib niya, bumaba ang halik ni Matt sa leeg ni Leina at umibabaw ang asawa sa kanya
"Mommy Mahal, pwede pa naman diba?"
"Oo pwede pa naman"
"Miss ka na ni Johnny eh"
Binaba ni Leina ang kamay at kinapa si Johnny "Mahal, galit na si Johnny"
"Oo miss ka na niya eh"
"Ako rin miss ko na siya eh" sabay pasok ng kamay sa boxers ni Matt, hinalikan ulit siya ni Matt sa labi, at sinimulan na ang game nila.
Kinagabihan, nagsaing si Leina at tinawagan naman ni Matt ang mga magulang
"Hi Pa" ani ni Matt
"O anak, kamusta?" ani ni Ferdie
"Okay naman po Pa" siya namang tabi ni Leina kay Matt
"Hello po Tito"
"Hi Leina" nakangiting ani ni Ferdie "Kamusta Iha?"
"Okay naman po" siya namang harap din sa monitor ni Minda
"Hi Ma" ani ni Matt
"Hello anak"
"Hello po Tita"
"Hi Leina"
"Ahm, Ma, Pa, may sasabihin po sana kami sa inyo"
"Ano yun?" ani ni Ferdie
"Hindi po matutuloy ang kasal sa December"
"Talaga?" nakangiting ani ni Minda, napayuko si Leina nang mapansin niyang tila natuwa ang mama ni Matt
"Yes Ma, pero nakapagpakasal na po kami sa Civil kanina"
"What? Bakit? I mean ano bang nangyari?"
"Kasi po baka malaki na ang tiyan ni Leina sa December, magkakaapo na po kayo, buntis na po si Leina, going on two months na po"
Napailing naman si Minda at halatang hindi niya gusto ang ibinalita ni Matt, si Ferdie naman ay masaya sa natanggap na balita
"Talaga anak? Magiging lolo na ako?" nakangiting ani ni Ferdie
"Opo Pa"
"Wow excited na ako, nakakatuwa naman" ani nito, tiningnan naman siya ng masama ang asawa
"Ma, hindi ka ba masaya?" ani ni Matt
"Baka masunog ang niluluto ko" ani nito sabay tayo at nawala na sa monitor, nagkatinginan naman sina Leina at Matt
"Naku wag niyo na intindihin ang mama niyo, O Matt, alagaan mo si Leina, lalo na ang pagbubuntis niya, excited na tuloy ako sa unang apo ko"
Napangiti si Matt "Oo naman Pa, aalagaan ko po sila"
"Sabihin niyo sa akin kung may kailangan kayo okay?"
"Yes Pa" at nakipagkwentuhan pa ang ama sa kanila, maya maya ay nagpaalam na rin ito
"Minda!" ani nito sa asawa "Wala na tayong magagawa, buntis na si Leina, magkakaapo na tayo"
"Ayoko, ayoko sa kanya, at sa magiging anak niya"
"Apo mo yun, anak ng anak mo yun"
"Hindi ako sigurado dyan"
"Grabe naman Minda, wag mo na ipilit si Ria kay Matt, hindi sila para sa isat-isa"
"Ewan ko sayo Ferdie" sabay talikod sa asawa
Sa condo naman "Mahal ko" ani ni Matt "Okay ka lang?"
"Oo naman"
"Excited si Papa kay baby" sabay himas sa tiyan ni Leina
"Oo nga eh, pero ang mama mo, ayaw niya talaga sa akin noh?"
"Sorry Mahal"
"Okay lang, tayo naman ang importante diba?"
"Oo naman" sabay yakap at halik sa noo ng asawa
"Mahal nagsaing na ako"
"O anong ulam ang gusto mo?"
"Gusto ko ng tokwat baboy, akin ang tokwa sayo ang baboy"
"Naku, ang buntis kong asawa, sige sige gagawa ako"
"Thank you asawa ko"
"Youre welcome asawa ko"
"Mahal na mahal kita"
"Ako rin, sobrang mahal na mahal kita, kayo ni baby"
"Love ka rin ni baby"
"Andito lang ako para sa family natin"
"Magtutulong tayo asawa ko"
Ngumiti si Matt at hinalikan sa labi ang asawa, bumaba ang halik niya sa leeg nito
"Mahal, magluluto ka pa" ani ni Leina
"Kasi ikaw eh" ani naman ni Matt, hinimas naman ni Leina si Johnny "O hinimas mo pa"
"Laging galit yang si Johnny, laging HB"
"HB?"
"Highblood"
Natawa naman si Matt "Baliw ka talaga, sige na at magluluto na ako" at saka tumayo si Matt, naiwan si Leina sa sofa, nalungkot siya sa reaksyon ng mama ni Matt, pero wala naman na itong magagawa, mahal na mahal niya si Matt, at titiisin niya ang lahat para dito lalo ngayon na magkakababy na sila.