Episode 24

1090 Words
Kinabukasan na nga nakapunta sa Wedding Coordinator ang dalawa, pinagplanuhan nila kung ano ang mga gagawin sa wedding, halos dalawang oras rin silang nakipagmeeting, pagkatapos ay napagkasunduan nilang maggrocery muna "Mahal, gusto ko ng strawberry" ani ni Leina "Strawberry? Meron ba nun dito?" "Baka meron, sige na please" "Oo naman, basta merong strawberry ibibili ko ang Mahal ko, sige punta tayo sa fruit section" ani ni Matt kaya nagpunta sila sa fruit section, nagkataon naman na meron duon, tuwang tuwa si Leina, 3 pack ang kinuha ni Matt, binuksan na ni Leina ang isang pack at kumain ng strawberry "Hmmm, sarap" tapos ay nakatitig sa strawberry, napangiti naman si Matt "O, bakit tinititigan mo pa yang strawberry?" "Wala lang, gusto ko lang titigan" Natawa si Matt "Ang weird mo talaga, lika na, ang haba ng pila sa mga counters" at pumila na sila "Mahal, gusto ko Strawberry Milkshake" "Ha?" "Oo gusto ko nun" sabay hatak sa manggas ng tshirt niya "Okay sige Mahal ko, pero take out na lang natin ha? May mga karne kasi tayong dala, ipagluluto na lang kita" "Yehey, I love you" sabay nguso at halik sa pisngi niya "I love you more" ani ni Matt, yumakap naman si Leina sa kanya at sinubuan siya ng strawberry "Nasasarapan ka talaga dyan?" "Oo, ikaw hindi?" ani ni Leina, umiling naman si Matt "Ako? Masarap?" Napangiti si Matt "Oo naman, patikim ulit ako sayo mamaya ah" bulong ni Matt Pinisil naman ni Leina sa pisngi si Matt "Ang baboy, ayoko nga, titikman mo lang ako?" "Anong gusto mo?" "Gusto ko mabusog ka sa akin" bulong ni Leina kay Matt "I like that" sabay kiss sa tungkil ng ilong ni Leina at saka sila nagtawanan Pagkatapos maggrocery ay binilhan nga ni Matt ni Strawberry Milkshake si Leina, pag dating sa kotse ay inaantok nanaman ito "Inaantok ka nanaman Mahal ko" ani ni Matt "Oo" "Mahal ko ano ang gusto mong lutuin ko?" "Hmmmm, iisipin ko muna Mahal" "Mahal, ang weird mo these past few days, lagi kang antok, lagi kang may hinahanap, ano bang nangyayari sayo?" "Hindi ko alam" "Pacheck up ka kaya" "Bakit?" "Baka may sakit ka" "Ha? Mukha ba akong may sakit?" "Hindi" ani Matt at saka natahimik, maya maya ay napatingin ito kay Leina "Mahal, dinatnan ka na ba?" Hindi agad nakasagot si Leina "Parang hindi pa" "Mahal, punta tayo sa doktor" "Paano yung mga pinamili natin?" "Iuuwi muna natin then pupunta tayo sa doktor" "S-Sige" "Just to make sure, baka kasi may laman na yan" nakangiting ani ni Matt "Oo nga noh, kakaiba nga rin ang nararamdaman ko, sige Mahal" ani ni Leina Umuwi muna sila sa condo para ayusin ang pinamili nila saka sila umalis ulit para magpacheck up si Leina, lalakad lakad si Matt habang nasa loob sina Leina at ang doktor, maya maya ay lumabas na ang dalawa "Well, congratulations Mr. Ledesma, pregnant na po ang asawa niyo, 6 weeks" "Really Dok?" ani ni Matt "Yes Sir" Hinarap ni Matt si Leina at saka niyakap "Kaya pala ang siba siba at antok na antok lagi ang Mommy Love ko" "Salbahe ka, sinabihan mo ako ng masiba" "O hindi na po, matakaw na lang" "Kagatin kita eh" "Doc, salamat po" "Youre welcome Sir, magrereseta na lang po ako ng vitamins para kay misis" "Sige po Doc" sabay tingin kay Leina "I love you" "I love you too" Maya maya ay nasa sasakyan na sila, nabili na rin ni Matt ang mga vitamins ni Leina "Mahal ko, magpakasal na kaya tayo sa civil" ani ni Matt "Ha? Seryoso ka? Baka madoble gastos tayo" "Oo Mahal seryoso ako, aayusin ko na, wag na lang natin ipaalam muna sa lahat" "Ikaw ang bahala" "Sige Mahal, magpapatulong ako kay Aldrin, yung Uncle niya Judge yun" "Sige Mahal" "Pero gusto ko sabihin kay Mama Linda, para pumayag siyang sa condo ka na titira" "Sige sabihin na natin sa kanya, pero paano ang Mama at Papa mo?" "Wala naman sila, hayaan na lang muna natin sila" "Hindi nila ako gusto, baka lalo silang magalit sa akin" "Hindi ka nila pwedeng galawin Mahal ko, ako mismo na anak nila ang makakalaban nila" "Ayoko namang magkagulo kayo dahil sa akin" "Ang importante tayong dalawa, I mean tatlo, ikaw, ako at si baby, siya ang priority natin ngayon, ayoko ring maging bastarda o bastardo ang anak ko, anak natin" "Oo Mahal, si baby na ngayon ang dapat nating priority" Maya maya ay nakauwi na si Matt at Leina sa bahay nila Leina, pinagtapat na rin nila kay Aling Linda ang plano nila "Pero magpapakasal pa rin kayo sa simbahan?" ani ni Aling Linda "Opo Mama Linda" ani ni Matt Napatingin ito sa anak "Lika nga" lumapit naman si Leina at saka yumakap sa ina "Ang abnormal kong anak, buntis na, sana hindi maging sobrang kulit niyang apo ko" "Ano kaya ang gagawin mo Mama? Makulit ako tapos may apo ka na makulit rin" "Naku baka lalong pumuti ang mga buhok ko" "Mama, paano yan? Sa condo na ako titira" "Okay lang, andito naman si Nene, saka dadalawin mo naman si Mama diba?" "Opo naman po" "Hoy Matteo, umayos ka dyan ha" "Opo Mama Linda" "Basta magtutulungan kayo lagi ha? Kung ano mang pagsubok ang dumating sa buhay niyo magkasama niyong haharapin" "Opo, thank you for accepting us Mama Linda" "May magagawa pa ba ako? Eh patay na patay ang anak ko sayo" "Ah grabe ka Mama, hindi kaya, siya ang patay na patay sa akin" "Pero Mahal" nakangiting ani ni Matt "Umamin ka dati patay na patay ka sa akin" "Tse! Ayoko nang magpakasal sayo" "Mama Linda, yung anak niyo o, kanino ba nagmana yan?" "Sa Papa niya" ani naman ni Linda, at sabay sabay silang nagtawanan "O paano? Dito na kayo magdinner" "Mama anong niluto mo?" "Nagluto ako ng Veggie Kare Kare, walang karne yun, as in gulay lang talaga" "Mama kakain ako" ani ni Leina at nagpapadyak pa "Oo na, parang abnormal talaga, hoy babae, magiging nanay ka na, bawasan mo na yang kakulitan mo" "Pero mahal mo pa rin ako" "Siyempre, wala naman akong choice" "Hala siya!" tawang tawa naman si Matt sa mag-ina "Tawa tawa ka dyan Matteo" ani ni Leina "Ano? Wala ka ring choice? " "Of course may choice ako, pero ikaw ang choice ko Mahal ko" "Sige nga kiss mo kilikili ko" ani ni Leina sabay taas ng kilikili "Ang hirap mo namang mahalin" natatawang ani ni Matt, binato naman siya ng throw pillow ni Leina "Siraulo ka Mahal" "I love you" "I love you too"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD