Episode 23

1218 Words
Lumipas ang mga araw, hindi pa ulit nakakausap ni Leina ang mga magulang ni Matt, isang araw ay nagkaroon sila ng food tasting sa isang caterer, nagustuhan naman nila ang mga foods na inihain sa kanila, pauwi na sila, habang nasa biyahe ay antok na antok si Leina, hikab ito ng hikab "Mahal, antok na antok ka ata, hindi ka ba nakatulig kagabi?" ani ni Matt "Nakatulog naman, hindi ko nga alam kung bakit antok na antok ako eh" "Hmm, gusto mo umuwi muna tayo sa condo para makapagpahinga ka, mamaya na tayo pumunta sa coordinator" "Okay lang ba Mahal? Talagang antok ako eh" Ngumiti si Matt "Sige Mahal ko" maya maya ay nakarating na sila sa condo, dumiretso si Leina sa kwarto at nahiga saka natulog, napangiti naman si Matt at tinitigan ang natutulog na nobya, umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ito sa buhok "Ang Leina ko, ano bang nangyayari sayo?" bulong niya "Matteo ko, tulog tayo please, tabi tayo" ani ni Leina habang nakapikit, naramdaman niya kasing may humaplos sa buhok niya, nahiga rin si Matt sa tabi ni Leina at niyakap ito, bandang alas sais nang magising sila "Mahal, makakapunta pa ba tayo sa coordinator?" ani ni Leina "Naku bukas na lang Mahal, sobrang traffic na, baka hindi na tayo umabot" "Okay bukas na lang, grabe kasi antok ko Mahal kanina, hanggang ngayon antok pa rin ako, parang ayaw niyang maubos" ani ni Leina tapos ay pumikit ulit "Mahal, gising ka na, magluluto na ako ng kakainin natin" "Anong lulutuin mo?" "Ano bang gusto mo?" "Gusto ko ng Beef Caldereta" "Naku wala akong stock na beef" "Ihh, gusto ko Beef Caldereta" "Okay, bumangon ka na dyan, sa labas na lang tayo kumain" "Naantok pa ako" "Hala siya" ani ni Matt sabay halik sa leeg ni Leina "Dali na bangon na Mahal ko" "Sige na nga" ani ni Leina, inalalayan naman siya ni Matt para bumangon, nag-ayos na sila at saka sila lumabas para maghanap ng makakainan ng Beef Caldereta, nakakita naman sila, nakadalawang order na ng rice si Leina "Gutom na gutom ako" ani ni Leina "Kain ka lang ng kain, mukha ngang gutom na gutom ka" "Mahal ko, rice pa please" "Talaga? Seryoso?" "Oo nga Mahal, seryoso ako" "O siya sige, ioorder ulit kita ng rice" "Saka Orange Juice, large" Napangiti si Matt "Sige" ani nito "Ahm Waiter" lumapit naman ito sa kanya "Paorder pa ulit ako ng rice at isa pang large orange juice" "Okay Sir" "Saka macaroni salad" ani ni Leina "Wala po kaming macaroni salad Mam, fruit salad lang" "Ayaw ko nun, macaroni salad lang" "Ahh sige na" ani ni Matt "Yun na lang" at saka tumalikod ang waiter, tumingin naman si Matt kay Leina "Mahal, wag ka nang sumimangot" "Kasi walang macaroni salad" "O sige may madadaanan tayong KFC, ibibili kita ng macaroni salad" "Promise?" "Oo promise" nakangiting ani ni Matt "Lima?" "Okay Lima" "Thank you Mahal, I love you so muchie" "I love you too" Pagkatapos nga nilang kumain ay binilhan ni Matt si Leina ng macaroni salad, nagdrive thru na lang sila sa KFC, sa sasakyan palang ay kumakain ulit si Leina, at ito nga ang macaroni salad, napapatingin lang si Matt sa kanya habang kumakain siya at napapangiti "Mahal, ano? iuuwi na kita" ani ni Matt "Ayoko, sa condo ako matutulog" Napangiti si Matt "Talaga?" "Oo, nagpaalam na ako kay Mama, sabi ko dun ako matutulog, kasi gusto kitang katabi eh" "Wow naman, gusto niya akong katabi" "At saka may ibibigay ako sayo mamaya" "Talaga?" "Oo, pero mamaya na, pag matutulog na tayo". "Okay, uuwi na tayo, para malaman ko kung ano yang ibibigay ng Mahal ko" Maya maya ay nakauwi na sila, nakapaglinis na ng katawan si Leina, sunod ay si Matt, napangiti pa si Matt pag labas niya ng banyo kasi suot ni Leina ang white shirt niya, nakaupo ito sa kama at nanonood ng tv, nagbihis na rin siya at tinabihan si Leina, ngumiti si Leina at may kinuha sa ilalim ng unan, Mens Perfume, Clinique Happy "Mahal gamitin mo to ngayon" ani ni Leina "Ha? Sayang naman Mahal kung gagamitin ko to, matutulog na tayo eh" "Kahit na, sige na please?" "Okay, sige na nga, ano bang nangyayari sayo, pero sige mabango naman to" Ngumiti si Leina, nilalanghap pa niya ang amoy nang ispray ito ni Matt sa katawan niya "Ang bango" ani ni Leina, inisprayan naman siya ni Matt sa leeg at tumawa "Sayo lang yan Mahal eh, wag mo ispray sa akin" "O sige na tapos na, sleep na tayo?" "Sige" at inoff na ni Leina ang TV, nahiga na sila at yumakap pa si Leina kay Matt, sinubsob pa nito ang mukha sa dibdib ni Matt "Ang bango ng Mahal ko" Napangiti naman si Matt "Talaga Mahal?" "Oo" "Kiss mo muna ako" "Ayoko, ayoko ng kiss ngayon" "Ha? Seryoso ka?" "Oo, basta, ayoko ng kiss ha?" "Sige, hug na lang?" "Oo hug lang" "O sige na nga, Goodnight na Mahal ko" "Goodnight Mahal ko" sabay subsub ulit ng mukha sa dibdib ni Matt, maya maya ay nakatulog na sila parehas. Kinabukasan, nagising si Leina at tinitigan si Matt na tulog pa rin, lumapit siya dito at dinampian ng halik sa labi si Matt "Ang gwapo ng Mahal ko, ang tangos ng ilong" sabay haplos sa ilong nito, nang bigla niyang kinagat ito sa ilong, nabigla si Matt at naitulak siya "Aray! Ano ba yun?" galit na ani ni Matt, mangiyak ngiyak naman si Leina "Sorry Mahal, nanggigil kasi ako" "Ano ba naman yan Leina, ang sakit kaya, alam mong natutulog ako" galit na ani ni Matt "Sorry na please" iyak na ani ni Leina "Ewan ko sayo, nakakainis ka" sabay bangon sa higaan at pumasok na sa banyo, inis na inis siya kay Leina, talagang nababad trip siya, maya maya ay lumabas na siya, nakaupo pa rin si Leina sa kama at umiiyak, para naman siyang naawa dito, nilapitan niya to at naupo siya sa gilid ng kama, tumingin naman si Leina sa kanya "Sorry" iyak na ani nito "Lika nga dito" lumapit naman si Leina at yumakap sa kanya, sinubsub ang mukha sa may leeg niya "Wag mo na ulitin yun Mahal ko please" "Hindi na promise" "Ang sakit kasi tapos tulog pa ako" "Hindi na mauulit Mahal ko sorry" "Sige na forgiven ka na" Humarap si Leina kay Matt at dinampian ng halik ang tungkil ng ilong nito "I love you" "I love you too" sabay haplos sa pisngi nito, kumilos naman si Leina at kumandong paharap kay Matt saka yumakap dito ng mahigpit "Ang Mahal ko talaga, ano bang nangyayari sayo, ang weird mo kasi these past few days" "Hindi ko alam" "May lahi ba kayong baliw?" "Wala ahh, para lang talaga akong baliw pero wala kaming lahing ganun" Natawa naman si Matt "Joke lang yun, o tingnan mo ang ayos natin" sabay haplos sa likod ni Leina at halik sa leeg nito "Mahal, nagigising si Johnny sa ayos ng pagkakakandong mo eh" "Yaan mo siyang magising" "Salbahe ka" sabay kiliti sa bewang ni Leina "Mahal ano ba?" natatawang ani ni Leina "Gusto ko nga magising si Johnny" "Hmmm, magagalit yan pag nagising" "Okay lang" sabay halik sa labi ni Matt, unti unti naman siyang hiniga ni Matt at nagsimula nang almusalin ang isat-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD