After two days mula nang makausap ni Matt ang Mama niya, pauwi na sila ni Leina sa condo, ipapakilala ni Matt si Leina sa mga magulang niya, maya maya ay nakauwi na sila, nakaupo si Leina sa sofa at tila kinakabahan, si Matt naman ay nasa kusina at nagsaing na, nilapitan niya si Leina at tinabihan
"Okay ka lang Mahal?" sabay hawak sa kamay nito
"Kinakabahan ako Mahal" amin ni Leina
"Relax ka lang Mahal ko, andito ako"
"Normal naman ang nararamdaman ko noh?"
"Oo naman"
Maya maya ay binuksan na ni Matt ang laptop at nagvideo call na ang mga magulang niya, lalong kinabahan si Leina nang makita sa monitor ang mga magulang ni Matt
"Hi Ma, Hi Pa, si Leina po pala, ang magiging manugang niyo"
"H-Hello po Sir, Mam" bati naman ni Leina
"Kamusta Iha?" ani ni Ferdie, ang ama ni Matt
"M-Mabuti naman po Sir"
"What is your name again iha?" ani naman ni Minda, ang ina ni Matt
"Mam, Leina po, Heleina Martinez"
"Hmm, so kamusta naman ang parents mo?"
"Ahm, wala na po akong ama, ang mama ko na lang po ang meron ako"
"Ahh okay, so dalawa lang kayo ng mama mo na nakatira sa bahay?"
"Bale po sa amin po nakatira ang pinsan ko, inampon na po ng mama ko para matulungan, may sakit po kasi ang Tito ko"
"Ahh okay, so gaano na ba kayo katagal magkakilala ni Matt iha?"
"Medyo matagal na po kaming magkakilala, magkasamahan po kasi kami sa trabaho"
"So kasamahan mo rin Ria?"
"Ma! " ani ni Matt
"Why?"
"Sabi ko kasi wag nang pag-usapan si Ria" tila inis na ani ni Matt
Tumingin si Leina kay Matt "Yaan mo na Mahal" ani ni Leina at muling tumingin sa monitor "Opo Mam, magkakilala rin po kami ni Ria"
"So alam mo rin ang story nila?"
"O-Opo Mam"
"It took years bago magpropose si Matt kay Ria, pero sayo months pa lang, maybe theres something special about you kaya nakapagdesisyon si Matt na pakasalan ka agad"
"Ma" ani ni Matt "I love her, yun ang dahilan at hindi ko kayang mawala siya"
"Pero minahal mo rin si Ria Matt"
"Ma" tila naiinis na ani ni Matt "Nag-uusap po tayo for you to meet Leina, hindi po para pag-usapan si Ria, I really hope you understand"
"Mahal, tama na" bulong ni Leina kay Matt, namumula na kasi ito, hinaplos pa siya sa pisngi ni Leina "Relax Mahal, okay lang"
"O kailan naman ang balak niyo na magpakasal?"
"Sa December po" ani ni Matt
"Paano ang pamamanhikan? Alangang umuwi kami ng Papa mo para dun tapos aalis at babalik ulit sa kasal niyo, masyadong magastos"
"Alam naman po yun ni Tita Linda na nasa ibang bansa kayo"
"Ganito na lang Iho" ani ni Ferdie "Kung okay lang, kahit sa video call na lang kami sasama sa pamamanhikan, sana lang maintindihan yan ng magiging biyenan mo"
"Maiintindihan niya Pa, mabait po si Tita Linda, kami na po bahala mag-explain sa kanya"
"Magpapadala na lang kami ng pera para sa pamamanhikan"
"Kayo po ang bahala Papa" tila wala na sa mood si Matt sa pakikipag usap sa magulang, nagkatinginan naman ang mag-asawa
"O paano Matt, Leina" ani ni Ferdie "May pupuntahan pa kasi kami, nice meeting you Iha, yaan mo magkikita kita rin tayo"
"Nice meeting you rin po Sir, Mam"
"Dont call us that way Iha, you can call us Papa and Mama"
"No!" ani ni Minda "Call us Tito and Tita, hindi pa naman kayo kasal ni Matt"
"O-Okay po Tita"
"O paano? Sige na bye" ani ni Minda sabay off ng video chat
"Minda, bakit ginanun mo naman ang bata?"
"Hindi ko siya gusto Ferdie, mas gusto ko si Ria"
"Wala na sina Matt at Ria, si Leina na ang mahal ng anak natin, why dont you accept that?"
"No, I want Ria to be my daughter in law and not that Leina"
"Ano ba ang problema mo sa bata?"
"I dont know, I just dont like her"
"Tsk, baka pag awayan niyo pa ni Matt yan" ani ni Ferdie, hindi naman kumibo si Minda
Sa condo naman, hinawakan ni Matt ang kamay ni Leina
"Okay ka lang Mahal?" ani ni Matt
Ngumiti si Leina pero halatang malungkot "Hindi nila ako gusto"
"Sorry sa nangyari, pero tayo naman ang mahalaga, kung hindi ka nila tatanggapin eh di wag, aalis tayo dito, sa kanila to eh, mabubuhay tayo ng sarili natin"
"Masama yun diba?"
"Mas masama naman siguro yung magagalit sila sayo ng walang dahilan, at hindi ko kayang mawala ka sa akin Mahal ko, pero for sure, magugustuhan ka rin nila, maybe nasanay lang si Mama kay Ria, naging close kasi silang dalawa"
"Sana dumating ang araw na matanggap rin nila ako"
Niyakap ni Matt si Leina "Ang importante mahal kita, mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal rin kita" pero talagang malungkot si Leina, ramdam na ramdam niyang ayaw sa kanya ng mama ni Matt.
Lumipas pa ang mga araw, nag uunti unti na sina Matt at Leina para sa kasal nila, isang araw may natanggap naman na tawag si Ria
"Hello" ani ni Ria
"Hello Ria"
"Sino to?"
"Ang Tita Minda ito"
"Tita Minda?"
"Yes ako nga"
"Tita, napatawag po kayo"
"Oo iha, its about Matt"
"What about him Tita?"
"Magtulungan tayo Ria"
Napangiti si Ria, tila nakahanap siya ng kakampi "Ano po ang gagawin?"
"Gumawa tayo ng paraan para wag matuloy ang kasal nila"
"Sige po Tita"
"Tatawagan kita ulit Iha, gusto ko ikaw ang mapangasawa ni Matt, ayoko sa Leina na yun"
"Right Tita, pero mukhang humaling na humaling na si Matt sa kanya, pineperahan niya lang si Matt for sure"
"Yun din ang pakiramdam ko kaya ayoko sa kanya, kaisa isa kong anak si Matt at ayokong mapunta siya sa maling babae"
"Kaya nga po Tita, tutulungan kita"
"Sige tulungan mo ako, magtulungan tayo para ilayo si Matt sa Leina na yun, para kayo ang magpakasal"
"Okay Tita" nakangiting ani ni Ria at inoff na ang phone, ngayon may kakampi na siya, ang mama pa ni Matt ang kakampi niya.