Episode 21

1072 Words
Lumipas pa ang ilang araw, tumawag si Aling Linda para sabihin na pabalik na siya kasama ang pinsan ni Leina na si Nene, kaya sinundo sila ni Matt at Leina sa airport, inaantabayanan na nila Matt at Leina ang dalawa "Tagal naman lumabas" ani ni Leina "Naiinip ka na?" "Oo" nang bigla nakita ang Mama niya na may kasamang dalagita "Ayan na sila Mahal" "Oo nga" ilang saglit lang ay magkakaharap na sila "O Nene" ani ni Aling Linda "Siya ang Ate Leina mo, at ito namang kasama niya ang Kuya Matt mo" "Hi Nene" ani ni Leina "Hello po Ate Leina, ang ganda mo naman po" "Salamat, maganda ka rin naman kasi magpinsan tayo" "Ate ano mo siya?" sabay turo kay Matt "Boyfriend ko" "Correction Mahal" ani ni Matt "Fiancé niya ako" sabay tingin kay Nene "Ano yun?" Napatingin naman ang dalawa kay Aling Linda, hindi naman ito kumibo at hinarap na si Nene "Ne, lika na uwi na tayo" "Sige po Tita" "Ako na po" ani ni Matt sabay kuha ng mga gamit nila Aling Linda Maya maya ay nakauwi na sila sa bahay nila Leina, kagabi ay dun na na sila natulog ni Matt dahil kailangan pa nilang maglinis, pagkauwi nila ay kinausap ulit ni Aling Linda ang pamangkin "Nene, dun ka muna sa kwarto ko matutulog ha? Bukas pupunta tayo sa school na lilipatan mo, ayoko lang ng matigas ang ulo ha? At gusto ko mag-aral ka mabuti" "Opo Tita" "Wag kang mahihiya dito ha?" "Opo" maluha luhang ani ni Nene "Nalulungkot ka ba?" "Namimiss ko po sina Mama at Papa pati po mga kapatid ko" ani ni Nene at tumulo na ang luha nito, hinawakan naman ni Aling Linda ang kamay nito "Isipin mo na lang anak, na darating ang araw magkakasama sama ulit kayo, at matutulungan mo sila" "Opo Tita" "Andito lang kami Nene" ani ni Leina "Andito kami para sayo" "Salamat po Ate, Tita" "Sige na, etong nasa kaliwang pinto, yun ang kwarto natin, magpahinga ka muna, lika sasamahan kita" ani ni Aling Linda at tumayo na sila ni Nene, naiwan naman sina Leina at Matt "Mahal, galit kaya si Tita?" ani ni Matt "Ewan ko Mahal" "Di bale, kakausapin ko siya ng maayos" Ngumiti si Leina "Kakausapin natin siya, hindi lang ikaw" Maya maya ay lumabas na si Aling Linda "Pinagpahinga ko muna ang bata" ani nito at naupo sa katabing upuan ng sofa "Ah Ma, may sasabihin kami ni Matt" ani ni Leina "Sige simulan niyo na" "Tita, engage na po kami ni Leina" ani ni Matt "Ang bilis naman" "Ahm mahal naman po namin ang isat - isa" Hindi nakakibo agad si Aling Linda, maya maya ay huminga ito ng malalim "Sige malalaki naman na kayo, may sarili na kayong mga isip, at malamang rin hindi lang iisang beses na may nangyari sa inyo, eto lang ang maipapayo ko sa inyong dalawa, kung ano man pagsubok o problema ang dumating sa buhay niyo, magkasama niyong harapin" Ngumiti si Matt "Opo Tita" "O paano? Magpapahinga rin muna ako, at kayo na ang bahala muna sa merienda ha?" "Sige po Ma, kami na po ang bahala" "Alam mo pala anak, kinulang na pala ang pera ko, kailangan pa lang bilhan si Nene ng school uniform, iniwanan ko rin kasi kahit paano ng pera ang Tita mo para makatulong sa kanila, baka meron ka babayaran ko na lang pag dumating ang pension ko" "Wag na po Ma, ako na po ang bahala sa mga kakailanganin ni Nene sa school, ako na po ang bibili" "Sige anak, salamat" ani ng mama niya "Sige magpapahinga muna ako" sabay tayo at pumasok na sa kwarto "Mahal, gusto mo bilhan natin ng gamit si Nene sa mall? Ako na ang bahala" ani ni Matt "Naku Mahal, wag na yaan mo na sa amin to" "Okay lang, sama natin siya bukas" "Mahal wag na nga, nakakahiya naman" "Di ba magpapakasal na tayo?" "Magpapakasal pa lang, hindi pa tayo kasal" "Ganun din yun" "Basta Mahal, ako na muna dito" "Basta pag kailangan mo ng tulong, tell me okay?" "Okay" nakangiting ani ni Leina "O anong ipapameryenda natin sa kanila?" "Ikaw?" "Ako? Ipamemeryenda mo ako sa kanila?" biro ni Matt "Oo may lahi kaming aswang, hindi ko ba nasabi sayo?" ganting biro ni Leina "Ah ganun?" "Joke lang Mahal ko" sabay sandal ng ulo niya sa balikat nito "Magpadeliver na lang tayo Mahal" "Sige" "Mamaya magluto na lang tayo, pawelcome na rin natin kay Nene" "Oo nga Mahal, sige" "Ang pamilya mo, pamilya ko na rin" "Salamat Mahal ko" "Mahal na mahal kita Heleina Martinez Ledesma" Napangiti si Leina "Mahal na mahal rin kita asawa ko" "Wow ang sarap sa pandinig.. asawa ko" at sabay silang nagtawanan Kinagabihan, pagkauwi ni Matt sa condo ay nagvideo call siya sa Mama at Papa niya "Hi anak" ani ng Mama niya "Hi Ma, san si Papa?" "Mamaya pa yun, kamusta na ang anak ko?" "Ma, may ibabalita ako sa inyo ni Papa" "Ano yun anak? Ako na magsasabi sa Papa mo" "Ma, magpapakasal na ako" "Nagkabalikan na kayo ni Ria?" nakangiting ani ng mama niya "No Ma, its not Ria, its Leina" "Sinong Leina?" "Officemate ko rin siya Ma" "Anak, parang ang bilis naman ata, ni hindi mo nga naipakilala sa amin yang Leina na yan" "Ma sorry, masyado kasi akong busy at saka busy rin kayo ni Papa, hirap magtagpo ng schedule natin" "I want to meet her, kahit dito lang sa video call" "Sure Ma" "Sige, the day after tomorrow, day off rin namin ng Papa mo, gusto ko siyang makilala, and I'm sure ganun rin ang Papa mo" "Okay Ma pakikilala ko siya sa inyo" "Si Ria? Nagkita na ba ulit kayo?" "Ma wag na natin siyang pag-usapan please" "Namimiss ko na rin ang batang yun, hanggang ngayon naguguluhan ako kung bakit nangyari sa inyo yang hiwalayan na yan" "Ma, siya ang nang iwan sa akin" "Kahit na, ikaw ang lalaki, dapat sinuyo mo pa rin siya" "Ma please, ikakasal na nga ako o, and I swear, she is better than Ria" "Okay anak" ani ng mama niya, samantala marami pa silang napag-usapan, maya maya at sinara na ni Matt ang laptop niya, close ang Mama niya at si Ria, at talagang ang gusto ng Mama niya ay sila na ang magkatuluyan, pero iniwan nga siya ni Ria, pero naniniwala rin siya na magugustuhan rin ng Papa at Mama niya si Leina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD