Episode 20

1114 Words
Kinabukasan, maagang nagising si Leina, lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina para magluto ng almusal nila ni Matt, scrambled eggs, corned beef at sinangag ang niluto niya, naghahain na siya nang lumabas si Matt sa kwarto "Good Morning Mahal ko" ani ni Leina Ngumiti si Matt at lumapit sa kanya saka siya niyakap at dinampian ng halik sa labi "Good Morning Asawa ko" napatingin si Leina sa kanya "Mas masarap pakinggan diba?" Wala sa loob na tumango si Leina at napailing "Kain na tayo, wag mo lalaitin luto ko ah" "Bakit ko naman lalaitin, eh luto to ng Mahal ko" sabay tingin sa nakahain sa mesa, hinatak niya ang isang upuan at pinaupo si Leina "Upo ka na Mahal, mag almusal na tayo" tapos ay siya naman ang naupo at nagsimula na silang kumain "Masarap?" tanong ni Leina "Oo naman, and I love your scrambled eggs, parang malasado lang, gusto ko yung ganyang luto Mahal" "Thank you" nakangiting ani ni Leina, pagkatapos kumain ay nag-ayos na sila papasok sa opisina. Maya maya ay nasa parking na sila ng building ng opisina nila, 15 mins pa "Maya na tayo lumabas Mahal ko" ani ni Matt sabay harap kay Leina "Bakit?" "Kiss mo muna ako, hindi na ako makakakiss sa loob eh" Ngumiti si Leina at hinawakan sa magkabilang pisngi si Matt saka hinalikan sa labi, matagal at punong puno ng pagmamahal, pinunasan pa ni Leina ang labi ni Matt pagkatapos nila maghalikan dahil nagkaroon ito ng lipstick, pinunasan din ni Matt ang gilid ng labi ni Leina "Mahal na mahal kita" nakangiting ani ni Matt "Mahal na mahal rin kita, alam mo lika na" "Uwi na tayo?" "Sira! Pasok na tayo" natatawang ani ni Leina "Sige na nga" at lumabas na sila ng sasakyan, hindi binibitawan ni Matt si Leina hanggang sa maihatid niya ito sa pwesto nito "Mahal, daanan kita mamaya ha?" "Sige Mahal ko" nakangiting sagot ni Leina "Mamimiss kita" "Matteo nasa kabila ka lang" "Basta mamaya" "Opo na po, punta ka na sa pwesto mo" "Okay" at saka tumalikod si Matt para pumunta sa pwesto niya, nakita naman siya ni Aldrin "Mukhang may magandang nangyari ah" ani ni Aldrin "Bati na kami ng Mahal ko" "Wow, eh di okay" "Oo nga eh, siya naman kasi talaga ang mahal ko at buti binigyan niya pa ako ng chance" "Alagaan mo na yan Pre, kasi sa totoo lang, ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya, yung pati mata nakangiti" "Oo Pre, aalagaan ko to, hindi ko na pakakawalan" "Eh si Ria?" "Matagal na kaming wala ni Ria, at ayoko na siyang pag usapan" "Oo mas mabuti pa ngang wag siyang pag-usapan, eh di pupunta kayo bukas sa birthday ni Sir Kaloy" "Hindi ko pa alam eh, wala pa kaming pinag-uusapan tungkol dun" "Ah siyempre may mga bagay pa kayong dapat unahin" "Oo" ani Matt sabay harap kay Aldrin at bumulong "Pre, gusto ko nang magpropose kay Leina, tulungan mo ako" "Hmmm, sige ako ang bahala" "Salamat Pre" "O diba? Samantalang sa akin mo pa pinaliligawan si Leina nuon kasi mahal na mahal mo kamo si Ria" "Buti nga hindi mo niligawan, sa akin lang ang Leina ko" "Oo na" natatawang ani ni Aldrin Lumipas pa ang mga oras at dumating ang oras ng uwian, nagpunta naman sina Leina at Matt sa mall "Mahal, pizza tayo please" ani ni Leina "Sige Mahal, gutom ka na ba?" "Maya maya na" "Ano? Punta tayo sa Dept Store o kahit saan mo gusto bumili ng damit" "Seryoso ka Mahal?" "Oo naman, ang kulit mo nanaman" sabay pisil sa ilong ni Leina "O sige" "Ang bait naman ng baby ko" "Baby ka dyan" "Yan gusto ko sayo masunurin, Mahal, naalala ko pala, pupunta ba tayo sa birthday nung may crush sayo na si Sir Carlo?" "Ikaw, gusto mo ba?" "Oo sana" "Sige punta tayo, pero wag ka maglalasing ah?" "Oo naman Mahal ko, hindi ako maglalasing" "Mahal gutom na pala talaga ako" "Okay fine, pakakainin muna kita, ang takaw takaw ng baby ko" Ngumiti si Leina at hinawakan ang tiyan "Gutom na tiyan ko o" "Wawa naman baby ko ah, sige pakakainin ka na ni Daddy" ani ni Matteo at sabay silang nagtawanan, nagpunta sila sa isang pizza parlor at umorder sila ng pizza at lasagna "Mahal, ang sarap" ani ni Leina "Nagustuhan mo Mahal ko?" "Oo Mahal, gusto ko" "Sige Mahal, lagi kong pakakainin ang baby Mahal ko dito" "Baby Mahal?" nakangiting ani ni Leina "Hmm, gusto mo yun noh?" "Ayaw" "Ha?" "Pag nagkababy tayo yun ang itatawag natin sa kanya, Baby Mahal" "Ikaw si Mommy Mahal at ako si Daddy Mahal" "Oo" ani ni Leina at nanlalaki pa ang mga mata "I love you Mommy Mahal ko" "I love you Daddy Mahal ko" at saka sila nagtawanan, wala silang kamalay malay na kanina pa sila pinagmamasdan ni Ria kasama ang kaibigan nitong si Kendra "Friend" ani ni Kendra "Mukhang ang saya saya nila" "Wala akong pakialam, babawiin ko si Matt, by hook or by crook, Matt is mine" "Paano naman aber?" "Iisipin ko pa, basta babawiin ko ang para sa akin" "Mukhang masaya si Matt sa kanya" "Stop it Kendra, sa akin lang sasaya si Matt" "Well, lets see" ani ni Kendra sabay taas ng kilay Maya maya ay umalis na ang dalawa at umuwi na sa condo, nagpapahinga na sila sa kwarto habang nanonood ng tv nang tumawag si Aling Linda kay Leina "Hello Ma" "Hello nak, kamusta ka?" "Ayus naman po Ma, kayo po?" "Ayus rin, baka ilang days pa ako dito, aayusin pa kasi ang pagta-transfer ni Nene ng school" "Ganun po ba?" "Oo, eh ikaw, nakauwi ka naba?" "Opo Mama, andito ako sa condo ni Matt, ayaw niya pumayag na mag-isa ako sa bahay" "Hay! May magagawa pa ba ako? Mas safe ka nga naman siguro kung andyan ka, pakausap nga ako kay Matt" Iniabot naman ni Leina kay Matt ang phone "Kakausapin ka raw ni Mama" Kinuha ni Matt ang phone "Hello Tita" "Matt, andyan pala si Leina sayo, salamat dahil hindi mo siya pinabayaan mag-isa, pero ano bang plano mo sa anak ko?" "Tita wag po kayong mag-alala, pag balik niyo po malalaman niyo" "Maganda ba yang malalaman ko, matutuwa ba ako?" "Opo naman Tita" "Hay naku, sige na, alagaan mo ang anak ko" "Makakaasa po kayo Tita" "Sige na bye" "Bye po" at inoff na nito ang phone "Anong sabi ni Mama?" "Wala naman, wag raw kitang pabayaan" "Okay" "Sleep na tayo Mahal ko" "Sige Mahal" at nahiga na sila ng maayos, pinatay naman ni Matt ang TV saka niyakap si Leina at hinalikan sa labi "Goodnight I love you Mommy Mahal" "Goodnight I love you too Daddy Mahal"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD